#SOA35
"Joyce.."
Nilingon ko si Leon. Kakauwi lang namin sa bahay. "Hmm?"
"I'm sorry."
Bumuntong hininga ako. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya. "I'm sorry din. I'm sorry sa mga nasabi ko."
Magsasalita na sana siya pero hindi niya na tinuloy pa.
"Maligo ka na at magbihis. Basang basa ka ng ulan kanina. Baka magkasakit ka."
Tumango siya. Nilagpasan niya na ako at dumiretso sa banyo. Ako naman ay dumiretso sa kwarto para magbihis. Inayos ko na rin ang mga gamit ko na kailangan ko pagpasok sa school. Naglinis din ako ng kwarto.
Napalingon ako nang may narinig na nahulog na isang gamit. Tumingin ako sa sahig at nakita ang isang lumang notebook. Dinampot ko iyon para matignan ng maigi. Kulay puti iyon na medyo gusot ang papel. Binuklat ko iyon at may mga nakasulat, sulat kamay ni Leon.
Napatingin ako sa pinto nung biglang bumukas iyon. Tumambad sa'kin si Leon. Wala pa siyang damit pang-itaas pero may twalya siya sa bewang. Medyo basa pa ang katawan niya. Napatingin siya sa hawak ko.
"Sa'kin 'yan." Nilapitan niya ako sabay kuha ng notebook sa kamay ko
"Alam ko. Hindi ko naman binasa. Pakalat kalat kasi."
Napahawak siya sa batok. "Sorry."
Tipid akong ngumiti. "Magbihis ka na." Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto para makapagbihis na siya
Dumiretso ako sa kusina para magsaing. Naghugas na rin ako ng mga plato pagkatapos ay tumambay muna sa labas ng bahay. Umupo ako sa pahabang upuan na gawa sa kahoy. Tumingin ako sa apartment kung saan tumuloy si Ismael. Nakita kong lumabas ang may ari no'n ay naglagay ng sign sa gate na 'apartment for rent.'
Muling bumalik sa'kin ang mga panahong nandito pa siya. Natigil lang iyon nung biglang lumabas si Leon ng bahay. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagdalawang-isip pa siya kung lalapitan ba ako pero naupo na rin siya sa tabi ko. Ito ang unang beses kung saan nakaramdam kami ng ilang sa isa't isa, para bang may malaking pagitan sa'min.
"Bakit hindi ka umuwi?" panimula ko. "Biglang hindi nagparamdam.." Diretso lang ang paningin ko sa harap
"Akala ko wala na akong uuwian.."
Mapait akong ngumiti. "Hindi naman kita pinalayas."
"Pero ramdam ko na gusto mo na. Baka...napilitan ka lang."
"Baka nasabi ko lang din yun kasi pagod ako."
"Totoo naman din yung sinabi mo kaya nagpakalayo muna ako."
"Saan ka tumuloy?" tumingin na ako sa kanya
Napalunok siya. "Uhm..."
"Nakita kita nung isang araw natutulog sa gilid ng kalsada."
Napayuko siya. "Isang araw lang yun. Nakituloy ako sa tropa ko, si Sebastian."
"Iyon pa rin ba ang trabaho mo?"
Hindi siya sumagot kaya napagtanto ko na nagtatrabaho pa rin siya sa Kuya Herminio niya.
"Wala ka na ba talagang balak bumalik sa pag-aaral?"
Suminghot siya. "Gusto, syempre."
"Kahit tapusin mo lang ang highschool. May ipon ka naman na siguro pang kolehiyo."
Tumango siya.
Binalik ko ang paningin sa harap.
"Joyce.."
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
