11

71 2 0
                                    

#SOA11

"Joyce. Uwi ka na? Bili tayo streetfoods sa labas," yaya sa'kin ni Laurie pagkatapos ng klase

Sinuot ko ang bag ko at sabay na kaming lumabas ng classroom. "Libre mo ba?"

"Hmm, sige na nga. Kanina ko pa pansin na parang malungkot ka kanina. Miss mo si Leon ano?" pang-aasar niya. Maraming estudyante ang nakisabay sa'min palabas ng school. May mga nagtitinda na ng mga streetfoods pagkalabas namin. Kanya-kanya silang lapit doon.

"Hindi. Nagtatampo lang sa kanya."

"Eh? Bakit naman?"

Tumigil kami sa harap ng isang nagbebenta. Naka-bike ang matandang lalaki. May mga niluluto na siyang fishballs, kikiam, at kwekwek sa isang malaking kaldero. Kumukulo ang mantika. Ramdam ko ang init mula doon. Sabay na kaming nag-order ni Laurie.

"Sampung pisong fishball po tsaka fifteen pesos na kwek-kwek," sabi ni Laurie. Hati na kami don sa fishball at kwek-kwek

Nakatitig lang ako sa kaldero sa harapan habang hinahalo ni Manong ang pagkain doon. Kinalabit ulit ako ni Laurie.

"Uy, bakit nga? Hindi kayo okay?"

Humalukipkip ako. "Wala. Maliit na bagay lang yun."

"Naalala ko yung mga lalaking umaway sa kina Sebastian. Ayun, suspended ulit dahil may ginawa nanamang kalokohan. Nag-dala ba naman ng vape at condom sa school."

"Buti nga sa kanila."

"Tsaka eto pa, ang daming issue e. Nabalitaan mo ba na baka isa sa mga kaklase natin ay buntis?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tuluyan ko na siyang tinignan. "Saan mo naman 'yan nabalitaan?"

Nagkibit-balikat siya. "Rumors lang din yun. Hindi na yun imposible. Maraming malalandi, pokpok, at haliparot sa'tin. Mayroon pa ngang kumakalat na nudes ng estudyante sa kabilang section."

"Walang preno yung bibig mo ah."

Inayos niya ang magulong buhok at pinaypayan ang sarili. Tirik na tirik ang araw ngayong tanghali. "Aware din naman yung iba sa'tin dun. Wala namang pake yung mga teachers."

"Ito na yung order niyo."

Napatingin kami kay Manong sa harap. Nagbayad kami bago kinuha ang order namin.

"Salamat po."

Hinipan ko ang fishball bago kainin. Gano'n din ang ginawa ni Laurie pero napaso ang bibig niya sa kwek-kwek. Bigla niya iyong niluwa. Umiwas ako ng tingin sa pandidiri.

"Salamat sa libre. Ako naman next time," sabi ko at nginitian siya

"Abangan ko 'yan!" tawa niya

Nagsimula na rin kaming maglakad pauwi habang kumakain. "Saan mo pala nakita si Leon nun?"

"Ha? Kailan?"

"Yung sa carwash."

Nilunok muna niya ang kinakain bago sumagot. "Ah! Oo. Andito yun. Madadaanan natin. Malapit yun sa'min e."

Binalik ko ang tingin sa daan. Hindi ko alam kung bakit binilisan ko ang paglakad. Napansin iyon ni Laurie pero hindi na siya kumibo. Ilang sandali ay bigla niya akong hinila sa braso. Napahinto ako.

"Eto na yun. Baka andito siya."

Huminto kami sa tapat ng isang carwash. Tumingala ako at may malaking sign sa itaas. Tumawid kami ni Laurie para makarating sa kabila. Nabasa ng konti ang sapatos ko ng tubig mula sa nililinis na kotse. Mayroon ding jeep sa tabi no'n.

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon