03

104 6 1
                                    

#SOA03

"Ate, may sakit si tatay."

Iyon ang sabi sa'kin ng bunso kong kapatid na si Lucia pagkauwi ko sa bahay. Hinang hina pa rin ako sa nangyari kanina kaya't hindi ko malaman ang mararamdaman sa sinabi niya. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina at nilapag ang pinamili ko.

"Asan siya?"

"Ayun, nag-aayos para magtrabaho."

Nahagip ng mata ko si tatay pababa ng hagdan. Nakabihis siya ng puting tshirt at lumang pants. Sinuot din niya ang cap niya. Bigla siyang umubo kaya't tinakpan niya ang bibig niya.

"Tay. Ayos lang po ba kayo?" Nilapitan ko siya para icheck ang kalagayan niya. Napaso ako sa init ng balat niya. "May sakit na kayo tay. H'wag na po muna kayong mamasada ngayon."

Tipid lang siyang ngumiti. "H'wag kang mag-alala nak. Kaya ko. Uminom na ako ng gamot," sabi niya sabay ubo ulit. Hinagod ko naman ang likod niya.

"Kumain na ba kayo tay? Magluluto palang ako. Kumain na po muna kayo."

"Hindi na. Kumain na ako. Kailangan ko nang umalis. Ikaw na ang bahala sa bahay at sa mga kapatid mo."

Umawang ang labi ko. "Pero tay.."

Huli na dahil nilagpasan niya na ako at dumiretso sa pinto. Nagpaalam siya ng huling beses sa'min bago tuluyang lumabas ng bahay. Naiwan kaming magkakapatid. Bumuntong hininga ako at dumiretso na ng kusina para magluto. Dahil nga ay nanakaw iyong wallet ko, hindi ko nabili iyong isda kaya't kanin at gulay ang ulam namin. Mas mabuti iyon kaysa sa wala...pero sayang pa rin yung ipon ko. Malaking pera rin iyong nakuha. Hanggang ngayon ay stress pa rin ako sa nangyari.

"Ate, tulungan na kita." Biglang sumulpot si Cielo sa tabi ko. Napansin niya siguro ang lungkot sa mukha ko kaya tanong niya ay, "Okay ka lang ate? May nangyari ba?"

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Wala. Uh, magsaing ka nalang. Hiwain ko muna itong gulay. Gutom na ba kayo? Sorry kung medyo natagalan ako."

Kinuha niya iyong bigas at ang maliit naming kaldero. Dalawang takal ng bigas ang nilagay niya. Hinugasan niya iyon sa lababo. "Hindi naman. Ayos lang ate."

Nagsimula akong hiwain iyong gulay pagkatapos ay nilagay ko sa panibagong kaldero. Nag-gisa din ako ng bawang at sibuyas. Pagkatapos kong magluto ay naghain naman ako para sa'min. Makalipas ang kalahating oras ay naluto na rin ang pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta naman pag-aaral niyo?" tanong ko sa kanila

"Okay lang ate. Matataas grades ko!" ngiting tugon ni Janna

"Ako rin!" ganadong sabi ni Lucia

Nginitian ko naman sila pabalik. "Mabuti kung gano'n. Mana talaga kayo sa'kin." Binalingan ko si Cielo. "Oh, ikaw? Kamusta naman? Asan card mo?"

Napakamot siya sa ulo. "Maayos din grades ko," sagot niya sabay iwas ng tingin

"Wala namang bagsak?"

"Uhh.."

"Kung meron, bawi nalang next life---este, next sem," biro ko

Tumawa naman siya.

Tinuro ko siya ng kutsara ko. "Pero seryoso ako, pagbutihin mo pag-aaral mo Cielo. Sabi mo gusto mo maging piloto 'di ba?"

Tumango siya. "Oo ate. Mahaba pa ang lalakbayin ko pero pangako, pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Makakagraduate din ako at matutulungan ko rin kayo ni tatay."

Nginitian ko lang siya pabalik. Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at hinugasan iyon. 

"Cielo. Magbabayad lang ako ng tubig at kuryente natin," sabi ko sa kapatid ko. "Mabilis lang ako. Ikaw na muna bahala dito sa bahay. Wag na wag kayo magpapapasok kahit kanino rito. Naintindihan mo?"

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon