30

113 2 0
                                        

#SOA30

Kinabukasan ay maaga akong nagising para bumili ng tinapay sa malapit bakery sa'min. Pabalik na ako sa bahay nang makita ang nagukumpulang tao sa gitna. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Naglakad ako palapit para alamin kung anong pinagkakaguluhan nila.

"Oh my God! Bakit ang hot ng katawan niya?!"

"Nakakabusog naman titigan ang malalaki niyang pandesal na abs!"

"Ramdam ko na agad ang tag-init!"

"Shit! Sana ako nalang yung kotse!

"Akin ka nalang please!"

"Walang akin, akin dito. Pumila kayo sa likod!"

Narinig kong nagtilian ang mga kababaihan. Hinanap ko agad kung sinong pinapanood nila. Bumagsak ang panga ko pagkakita kay Ismael na naglilinis ng kotse niya sa labas. 

Naka-topless siya at shorts na itim. Likod palang ay masculado na tignan. Pagkaharap niya ay nakita ko ang pinagmamalaki niyang abs at muscles sa braso. Basang basa na ng tubig ang katawan niya ultimo naligo. Tumulo ang tubig na may halong sabon pababa sa abs niya. 

Napalunok ako, naramdaman kong nanuyot ang lalamunan ko. Hindi ko magawang alisin ang paningin sa kanya. Hindi ko napansin na kanina pa nakabuka ang bibig ko kaya naramdaman ko na tumulo ang laway ko kaya naman agad ko iyong pinunanasan.

Nagtilian ulit sila. Para silang bulate na binudburan ng asin sa sobrang kilig. Naghahampasan pa sila at kulang nalang sabunutan din ang isa't isa. Ang iba naman ay tulala lang habang nakatingin kay Ismael.

Binalik ko ang paningin sa kanya. Hindi ko alam kung aware ba siya na may mga nanonood sa kanya. Siguro oo dahil siya yung tipo na mahilig sa atensyon at alam niya ang epekto niya sa ibang babae. 

Masaya siyang naglilinis ng kotse, para bang sanay na siya sa ginagawa. Nilublob niya ang basahan sa timba na naglalaman ng tubig at piniga. Nag-flex ang muscles niya at mas nakita ang ugat niya sa kamay. Kumuha din siya ng tabo at nilagyan ng tubig pagkatapos Naglakad siya papunta sa harap ng kotse at binuhusan iyon ng konting tubig sabay punas ng bintana.

"Kuya! Ako  naman sunod!"

"Baka kailangan mo ng tulong, willing ako!"

"Magkano pa-car wash?"

Kahit ang atensiyon niya ay paglilinis ay nahuli kong sumilay ang ngiti sa labi niya sa mga sinasabi ng tao sa kanya. Inirapan ko siya. Napaka feelingero talaga nitong lalaking ito! Ibinilandra niya talaga ang katawan niya para makaakit ng tao. Alam kong sinadya niya ito. 

Pagkatapos niyang linisin ang bintana ay tinapon niya ang basahan sa maliit na timba. Binasa niya ang kamay ng tubig at sinuklay ang basa niyang buhok gamit ang mga daliri niya. Ginulo niya rin ito pagkatapos. Dahil don ay mas lumakas ang tilian ng mga tao.

Tinignan niya kami. Nagulat ako nung nagtagpo ang mga mata namin. Hindi man ako ang nasa pinakaharap ay nakita niya agad ako. Ito nanaman ang puso ko na hindi mapakali sa tuwing nakatingin siya sa'kin. May kung anong kumiliti siya tiyan ko nung nginitian niya ako at kinindatan.

Umawang ang labi ko. Halos mabingi ako sa pag tili nila sa ginawa niya.

"Omg! Nakita mo ba 'yon?! Shuta, nginitian ako sabay kindat!"

"Gaga! Sa'kin siya ngumiti! H'wag kang feeling."

"Ano ba kayo? Obvious naman na sa'kin siya nakatingin. Para sa'kin 'yon!"

Kagaya ng inaasahan ay pinag-awayan na naman nila si Ismael. Hindi ko nagustuhan ang pagiging malandi niya na dapat ay sanay na ako ngayon. Mas lumala ata siya ngayong lumipat siya dito 'di tulad nung nasa mansyon. 

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon