37

72 2 0
                                    

#SOA37

"Is he innocent?" tanong ni Ismael sa tabi ko. Katapat namin ngayon si Atty. Alonzo

Tipid siyang ngumiti. "Relax. I still haven't started asking him questions."

Tumingin ako kay Ismael. Umiwas siya ng tingin sa kahihiyan. Binalik ko ang paningin kay Attorney.

"Right. Before we begin, let me clarify your names. You are Joyce Rongavilla at ang katabi mo ay si Leon Villamor."

Tumango ako. "Opo. Magkaibigan po kami."

"Parang kayo palang ang una kong kliente na ganito kabata. You're both ninetineen? Am I right."

Tumingin ako kay Leon at sabay kaming tumango. Mas relax pa siya kaysa sa'kin.

"At alam ko rin na maraming kabataan ngayon ang nakakagawa ng krimen. Nakatira pa ba kayo sa mga magulang niyo?"

Kinagat ko ang labi ko. Si Leon na ang sumagot.

"Ulila na ako. Namatay na rin yung Auntie ko na kumumkop sa'kin. Nakikitira lang po ako sa kaibigan ko dito," sabay tingin sa'kin

"Opo. Kinupkop na po namin siya. Pamilya na po ang turing namin sa kanya. Kilalang kilala naman po siya ng pamilya ko."

Tumango si Attorney at may sinulat sa maliit niyang notebook. "Parehas lang pala tayo.." mahina niyang sabi

Tumaas ang kilay ko. "Po?"

"Naikwento na rin sa'kin ni Ismael na laki kayo sa hirap. Nag-aaral pa ba kayo o hindi na?"

"Ako po nag-aaral pa," sagot ko

Tumingin siya kay Leon pagkatapos.

Hindi agad nakasagot ang kaibigan ko at mukhang nahiya.

"Uhm...tumigil na po ako kasi walang pang-aral sa'kin. Naisipan ko nalang pong magtrabaho para mabuhay."

Umayos ng upo si Attorney. "Which leads me to my next question. Where exactly are you working Leon?"

Biglang binalot ng tensiyon ang buong kwarto. Ramdam ko na bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman kong hinawakan ni Ismael ang kamay ko. Tumingin ako kay Leon at hinawakan din ang kamay niya. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko.

"Kay Kuya Emmanuel Herminio po. Sa mansiyon nila."

"Yes the Mayor. Bakit ka doon nagtrabaho?"

"Marami na po akong nasubukan na trabaho. Isang araw po ay may inalok po siya sa'king trabaho. Gusto niya raw ako tulungan."

"Anong klaseng trabaho naman? Ilang araw o buwan ka nagtrabaho sa kanila?"

"Driver po tsaka taga linis lang ng kotse nila. Mga tatlong buwan lang po ako doon."

"At sa loob ng tatlong buwan na iyon, may napansin ka bang kakaiba?"

Tumingin ako kay Leon. Napalunok siya sa nerbyos. Iniisip pa niyang mabuti ang isasagot niya.

"I want you to be honest as possible para mas mapadali ang trabaho natin," dagdag ni Attorney

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Nanatiling tahimik si Leon.

"Okay bago pa iyon, bakit mo pala tinawag siyang Kuya? Kaano ano mo siya? Akala ko ay ulila ka na."

"Ahh. Ano po kasi. Noon po, bago pa siya maging Mayor ay kilala na po namin siya. Madalas siyang bumisita sa lugar namin. Napalapit na po siya sa'min ni Joyce. Sinabi niya sa'kin na dahil nga isang politiko ang tatay niya ay gusto niya raw maging katulad ng ama niya kaya tatakbo daw siyang bilang Mayor sa future."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon