#SOA16
"Joyce."
"Joyce!"
Natauhan ako nang marinig ang boses ni Leon sa likod ko. Hindi ko napansin na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako sa pinto ng classroom namin. Nagtatakang nakatingin sa'kin ang mga kaklase ko. Napalunok ako sa kaba, hindi alam kung saan titingin. Malamig pa rin ang mga kamay ko.
"Hindi 'yan si Sir Alfredo."
Tumunog sa tainga ko ang sinabi niya. Dahil do'n ay napatingin ulit ako sa teacher namin na nakatayo sa harap. Tinaasan niya ako ng kilay. Napakurap-kurap ako. Nagulat ako na mapagtanto na bagong teacher namin iyon, hindi si Sir Alredo. Mula no'n ay para bang nagising na ako sa bangungot ko. Bumalik na ang kaluluwa ko sa katawan ko pero tila nanlalambot pa rin ako.
"Is there any problem, Miss Rongavilla?"
Tinikom ko ang bibig ko dahil sa pinaghalong takot at kahihiyan. Naramdaman kong hinawakan ni Leon ang likod ko. Tuluyan na kaming pumasok sa classroom at iginaya niya ako sa upuan ko. Kung hindi niya pa iyon ginawa ay malamang hindi kusang gagalaw ang mga paa ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makaupo na kami.
"Ang dami nang nasayang na oras kaya magpapatuloy na ako sa discussion natin dahil may seatwork pa ako na ipagagawa sa inyo mamaya. Makinig kayong mabuti," paalala niya at nagsimula ulit magturo
Pumikit ako at nagpakawala ng malalim na hininga. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi iyon makalma.
"Joyce. Ayos ka lang ba?"
Nagulat ako nang magsalita si Leon sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Sinuklian ko siya ng tipid na ngiti at tumango.
Kinuha niya yung baunan ko ng tubig sa tabi ng bag ko at inabot iyon sa'kin. Uminom naman ako doon. Sumakit ang lalamunan ko dahil sa panunuyot. Tinuon na namin ang atensiyon sa harap para makinig sa lesson.
Pinilit kong mag-focus pero nahirapan ako. Hindi ako mapakali. Hindi rin panatag ang loob ko. Alam kong bago ang teacher namin na nagtuturo pero nakikita ko pa rin si Sir Alfredo sa kanya. Ramdam ko ang presensiya niya.
Tumingin ako sa bakanteng upuan sa harapan ko kung saan dating nakaupo si Laurie. Hindi ko pa rin lubos na matanggap na lumisan na siya...pero kahit na gano'n, bukambibig pa rin siya ng karamihan.
"Weird 'no? Bigla nalang siya nag-transfer. Saan na kaya siya nag-aaral?"
"Pati si Sir! Jusko, nakakakilabot. Biruin mo, may gano'ng nagaganap na pala sa school?"
"Oo nga e. Una si Beatrice, nabuntis tas si Jessica nagpalaglag daw tas ngayon si Laurie may scandal. Hindi ko na keri beh! Pahiram nga ako ng liptint tsaka pulbo!"
Nagpatuloy ako sa paghihilamos ko ng mukha at hindi pinansin ang mga nagchichismisan kong kaklase sa tabi ko. Buti nalang ay umalis din sila agad. Mag-isa na ako sa CR. Pinatay ko na ang gripo at tinignan ang repleksiyon ko sa salamin. Dahan-dahan ang pagpatak ng tubig sa mukha ko.
Maya-maya ay lumabas na rin ako ng CR at nakita kong nakasandal si Leon sa pader habang hinihintay ako. Umayos siya ng tayo pagkakita sa'kin. Nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Oy, okay ka lang ba? Lutang ka. Kanina ka pa wala sa sarili," sabi niya
"Tss. Kailan pa ako naging okay?" sagot ko at inalis ang kamay niya sa mukha ko. Sabay kaming naglakad sa hallway.
Seryoso lang akong nakatingin sa dinadaanan namin. Bumuntong hininga ako nang maalala ang kahihiyan na ginawa ko kanina. Napansin iyon ni Leon.
"Kailan pa umalis si Sir?"
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficção GeralYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...