#SOA31
"Joyce. Ano? Kanina ka pa tulala diyan. Isampay mo na ito."
Natauhan ako pagkarinig sa boses ni tatay. Tinulak niya sa'kin ang isang timba na naglalaman ng damit. Binitbit ko iyon at lumbas ng bahay. Pumunta ako sa may sampayan namin. Kumuha ako ng damit at nagsimulang magsampay. Nakita kong naglalaba din ang iba kong mga kapitbahay sa labas. Halos mapuno na nila ang sampayan. Nag-aagawan pa nga.
Ilang sandali ay nakita kong lumabas si Ismael sa apartment niya. Nagtagpo ang mga mata namin. Nginitian niya ako at kinawayan. Hindi ko siya pinansin. Itinuon ko ang atensiyon sa pagsampay kahit na sumagi ulit sa isip ko ang sinabi niya sa'kin kahapon.
Bigla ko tuloy nahulog ang hawak kong damit. Agad ko iyong pinulot sa sahig. Nadumihan iyon kaya pinagpag ko ang dumi. Napansin ko na tshirt iyon ni Leon. Pagkatapos magsampay ay pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Ako na diyan tay," sabi ko sa kanya. Salitan kami sa paglalaba.
Tumayo na siya at tumingin sa'kin.
"Ahh, nga pala tay. Umuwi ba kagabi si Leon? Hindi ko napansin e."
Napakamot ng ulo si tatay. "Nakung batang iyon. Hindi umuwi kagabi hanggang ngayon tignan mo, wala pa rin."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Po? Hindi manlang siya nagsasabi sa'tin. Ano na kayang nangyari dun?"
Kaya naman naisipan ko siyang tawagan. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at dinial ang numero niya. Iniwan na ako ni tatay para makapagluto na ng tanghalian namin. Ako naman ay lumabas ng bahay dahil mahina ang signal sa loob.
Makalipas ang ilang ring ay hindi siya sumagot. Siguro lowbat o patay ang phone niya. Napahilamos ako sa mukha ko. Naisipan kong itext nalang siya.
Ako:
Leon. Asan ka? Bakit hindi ka pa nauwi? Pinag-aalala mo kami ni tatay.
Pagkasend ko ay binalik ko na ang phone sa bulsa. Bumuntong hininga ako. Sana naman ay sumagot siya.
"Sige! Tulak pa. Konti nalang!"
Napatingin ako sa harap at nakita ang isang jeep na tinutulak ng ilang mga kapitbahay namin. Naka-sakay doon si Manong Elmer na siyang may ari ng jeep. Binalik ko ang paningin sa mga nagtutulak at nanlaki ang mata ko pagkakita na kabilang doon si Ismael. Sa gilid ay ilang manonood, pinagpiyepiyestahan nanaman siya ng mga kababaihan.
Narinig ko ang pagbuhay ng makina ng jeep hudyat na gumana na ulit ito. Malapad na ngumiti si Manong Elmer habang hawak ang manibela. Naghiyawan ang mga tao bilang selebrasyon. Bumaba pagkatapos si Manong Elmer para pasalamatan sila. Nilapitan niya si Ismael at nakipagkamayan sa kanya. Masayang tinanggap ni Ismael ang kamay nito.
"Salamat sa tulong niyong lahat! Salamat din hijo," sabi ni Manong Elmer
"Walang anuman po," sagot ni Ismael
Nagpalakpakan sila habang ang mga nanonood ay dinumog si Ismael. Wala siyang nagawa kundi batiin din sila. Nagulat ako nang makita ulit si Margie at Julia. Hindi maalis ang ngiti nila habang kinakausap si Ismael. Inirapan ko sila at pumasok na sa loob para maglaba.
Pagkatapos ng isang batch ay lumabas ulit ako para magsampay pero ang kaso ay puno na ang sampayan namin. Tumingin ako sa paligid. Nakakita ako ng isang bakanteng sampayan. Bibitbitin ko na sana ang timba nang biglang may kumuha no'n.
"Hi Joyce! Tulungan na kita."
Nagulat ako nang may sumulpot na lalaki sa likod ko. Namumukhaan ko siya pero hindi ko kilala. Agad kong binawi sa kanya ang timba.

BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficção GeralYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...