#SOA07
"Naramdaman niyo ba yung lindol kagabi?" tanong ni Aling Criselda
Andito ako sa labas ng bahay namin, nagwawalis dahil nagdulot ng kalat ang lindol kagabi. Gano'n din ang ginagawa ng mga kapitbahay namin. Tumingin ako sa pwesto nila at nagchichismisan ang iba malapit sa tindahan. Si Aling Rosing ay nagmamanecure kay Aling Criselda.
"Naku, oo naman! Nagising nga ako kagabi e. Nag-panic kaming lahat sa bahay."
"Ang lakas ng lindol! Nakita niyo yung bahay na yun!" aniya sabay turo sa nagibang bahay. "Tinangay pati yung bubong."
Napatingin din ako sa doon at hindi ko mapigilang maawa sa kung sino man ang nakatira doon sa'min. Ang ilan ay nagtutulungan upang maayos ulit ang bahay.
"Nawalan din nga ng kuryente," komento ni Aling Yoli
"Yung mga kable sa kuryente ay naputol kaya ang ilan sa'tin ay hanggang ngayon ay wala pang kuryente."
"Tapos alam niyo ba? Naku, kaninang umaga sinugod sa ospital ang limang taong gulang na bata dahil nabagsakan siya ng pader na gumiba dulot ng lindol. Sana lang ay maayos na ang kalagayan niya."
Napasinghap sila sa balita na nakalap ni Aling Rosing. "Talaga?! Naku, kawawa naman. Nakakatakot manirahan dito sa'tin. Delikado kapag may lindol, bagyo, o baha."
Bumuntong hininga sila. May halong lungkot, inis, dismaya na bakas sa mukha nila. "Malapit din kasi sa'tin ang fault line kaya.."
"Sa awa ng Diyos ay nakaligtas naman tayo.."
Yumuko ako at pinagpatuloy na ang pagwawalis. Dinakot ko ang kalat gamit ang dustpan at itinapon sa basurahan.
"Oy, Joyce!"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Aling Rosing iyon.
"Po?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano? Uso magbayad ng utang. Anong petsa na ano. Pakisabi sa-"
Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Po? May utang ako?" nagtataka kong tanong. Tinuro ko pa ang sarili ko. Kumunot ang noo ko habang inaalala kung may utang nga ba ako sa kanya
"Yung tatay mo ineng. Si Anton. Tagal na no'n may utang sa'kin."
Mas lalong kumunot ang noo ko pagkabanggit niya kay tatay. Umayos ako ng tayo. "Ahh, pasensiya na po. Hindi ko po kasi alam na may utang siya sa inyo."
Peke niya akong nginitian. May pagka-maangas ang dating niya para sa'kin. "Oo kaya pakisabi nalang sa kanya, pwede?"
Tumango ako at tipid na ngumiti. "Sige po.."
"Andyan ba siya? Baka kasama nanaman yung tropa niyang uminom. Napapadalas yung tambay nila gabi-gabi e."
"May karaoke pa nga nung isang araw," singit ni Aling Criselda. Nagtawanan sila pagkatapos.
Humigpit ang hawak ko sa walis. "Wala po e. Namasada na po."
Isang tango ang sinukli niya. "H'wag mong kalimutan ah," paalala niya at tinalikuran na ako. Bumalik sila sa pakikipagchismisan. Nahuli ko ang mga sulyap nila sa'kin, pinipigilan ang pagtawa.
Napailing ako at tinalikuran na rin sila. Mabilis kong tinapos ang pagwalis dahil kanina pa ako naiirita sa boses kasabay ng tawanan nila. Kanina ay ako ang topic nila pero ngayon ay iba na. Buong kapitbahay na ata namin ay pag-uusapan nila.
Pagkatapos maglinis ay naisipan kong puntahan si Leon para sana ay kamustahin siya. Naligo muna ako at nagbihis. Simpleng t-shirt at shorts ang suot ko. Naka-cap din ako dahil mainit.
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
