42

129 2 0
                                    

#SOA42

Rest in peace

In the loving memory of...

Aurelius Leon M. Villamor

Makalipas ang isang linggo ay nailibing na si Leon. Natipon tipon kaming pamilya niya, mga kapitbahay, kaibigan at ibang mahal sa buhay para sa kanyang libing. Kasama ko rin si Ismael. Katabi ko siya ngayon.

Nanatili ang paningin ko sa lapida ni Leon. Pinunasan ko ang natuyong luha sa mata ko. Pinulupot ni Ismael sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya. Bakas ang lungkot sa mata niya habang nakatingin sa lapida ni Leon.

"Condolence.."

"Condolence po."

Nilingon ko ang mga bagong dating na bisita na nilapitan ang pamilya ko at nagsabi ng kani kanilang condolences. Nilapitan din nila ako. Bakas sa mukha nila ang lungkot at sympatya. Kanina ko pa sila nakitang umiiyak noong nililibing ang bangkay ni Leon.

"Condolence Joyce."

Tipid lang akong ngumiti. Umawang ang labi ko pagkakita sa mga kaibigan kong lalaki na tropa din ni Leon. Sina Sebastian, Tristan, Xavier, at Remy. Naglakad sila palapit sa'kin. Napansin kong hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Remy. Pinatahan siya ng kaibigan niya. Namamaga ang mata nila at mamula mula ang mukha dahil sa pag-iyak.

"Condolence Joyce.."

Nilapitan ko sila at niyakap. "Salamat sa pagpunta."

"Sana mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan natin. Hindi ko akalain na bigla nalang siyang mawawala sa'tin," malungkot na sabi ni Tristan

Kumalas ako sa yakap. Nakita kong dumalo din ang mga magulang nila. Matapos mag-usap ay nagpaalam ako sa kanila para lapitan ang pamilya ko.

"Tay," bati ko kay tatay nang makita siyang nakaupo sa lamesa habang nakain

"Joyce. Kumain ka na ba? Kumain ka na dito."

Tumango ako at umupo sa tabi niya. Tinawag ko rin ang mga kapatid ko para sabay sabay na kaming kumain. Napatingin ako sa kanan noong may pumaradang kotse. Binuksan ni Ismael ang pinto at may lumabas na babae doon kasama si Sir Javier. Tumingin sila sa paligid at naglakad papunta sa'min. Tumayo ako at inayos ang sarili.

"Joyce.." tawag ni Ismael. "My parents are here to visit."

Tumingin ako sa mama niya sa tabi niya. Nakasuot siya na puting dress at heels. Naka-pusod din ang buhok niya. Sa kaliwa niya ay si Sir Javier na naka-long sleeves na puti at itim na pants.

"Our deepest sympathy and prayers to you and your family Joyce," malumanay na sabi ng mama niya at hinawakan ang kamay ko

Hindi ko akalain na bibista sila sa libing ni Leon. Tumagos sa puso ko ang mensahe nila.

"My heartfelt condolence to you and your family during this time of sorrow Joyce," dagdag ni Sir Javier

"Salamat po sa pagpunta."

Dinamayan ni Sir Javier ang kanyang asawa. Nagpaalam sila sa'kin at nilapitan naman ang pamilya ko sa lamesa. Ipinahayag din nila ang kanilang mga condolences. Ang ibang bisita ay nagulat sa pagdating nila. Hindi sila makalapit. Nakatingin lang sila sa pamilya ko at sa magulang ni Ismael habang nag-uusap.

"They're willing to help to seek justice for Leon and to the other victims as well as the bereaved families," sabi ni Ismael sa tabi ko

"Salamat sa tulong ninyo. Kahit na kasalukuyan pa ring iniimbistigahan ang kaso ay alam kong matatapos din ito. Mabibigyan din ng hustisya ang lahat."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon