#SOA15
Sa labas ng school kung saan kami tumambay. Nakaupo kami ni Laurie aa ilalim ng puno habang si Leon ay nakatayo sa harap namin, ang mga kamay ay nasa bulsa. Binigyan ko ng tubig si Laurie. Nagpasalamat siya matapos niyang inuman.
"Ano bang nangyari?" tanong ko nang siya'y mahimasmasan. Bakas pa rin ang tuyong luha sa mata niya. Mamula-mula pa rin ang ilong niya. Ang labi niya'y maputla. Tulala lang siyang nakatingin sa sahig, halatang wala sa sarili
Bumuntong hininga ko nang hindi pa rin siya nagsasalita. "Kung hindi ka pa handa ay ayos lang, h'wag mong pilitin. Basta nandito lang ako."
Tahimik lang si Leon, mukhang malalim ang iniisip. Seryoso ang kanyang ekspresyon. Pakiramdam ko ay may alam siya pero pinipigilan niya rin ang sarili niya dahil ayaw niyang pangunahan si Laurie.
"Nasangkot ako sa isang scandal," bigla siyang nagsalita sa tabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya
"Anong...ibig mong sabihin?"
"Ano bang dapat itawag dun?" mapait siyang ngumiti. "Hindi ko rin alam, basta naloko ako. Na-brain wash. May kasalanan din naman ako. Bakit ako pumayag na pumatol sa teacher natin?"
Umawang ang labi ko, tila pinoproseso pa sa isip ko ang mga salitang binitawan niya.
Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang palad niya. "Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun."
"Hindi mo kasalanan Laurie. Wala kang kasalanan," seryosong sabi ni Leon
"Teacher? Scandal? Sinong teacher natin?" tanong ko habang pabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa
"Si Sir Alfredo, iyong math teacher natin," si Leon ang sumagot
"B-bakit? Anong--"
"May kumalat na video sa kanilang dalawa. May mga malalaswa ding imahe ni Laurie. Nalaman iyon ng school."
Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanyang hirap ipaliwanag ang lahat. Binalik ko ang paningin kay Laurie.
"Papaano nagsimula ang lahat?"
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Noong una ay nilapitan niya ako. Kinausap niya ako at kinamusta sa pag-aaral ko. Casual lang ang naging usapan namin. Sinabi niya rin na ang baba raw lagi ng scores ko sa math. Pinagalitan niya ako dahil do'n. Alam kong nag-aalala siya sa grades naming estudyante niya. Naki-usap ako na babawi ako, h'wag niya lang din ipatawag ang magulang ko para kausapin sa grades ko. Pumayag naman siya noong una. Nag-aral ko ng mabuti, binigay ko lahat ng makakaya ko pero hirap talaga ako sa subject niya..."
Huminto siya para punasan ang luha sa mata niya. Binigay ko sa kanya ang panyo ko.
"Mas lalo siyang na-disappoint noong wala akong improvements. Mababa pa rin ang scores ko. Nagmakaawa ulit ako sa kanya na ipasa ako kasi ayokong mapahiya at mapagalitan ng magulang ko," pagtutuloy niya. "Tapos bigla siyang nag-offer na maging tutor ko siya. Nagulat ako dahil di ko akalain na willing siyang itutor ako sa dami rin ng ginagawa niya. Syempre ay tumanggi ako dahil wala akong pambayad. Sabi niya okay lang daw, kahit hindi muna ako magbayad. Libre muna. Nag-dalawang isip pa rin ako. Sabi ko ay ipapaalam ko muna sa magulang ko.
Kinabukasan ay kinausap niya ulit ako. Pumayag na ako. Pakiramdam ko naman ay gusto niya akong turuan. Sinabi niya rin na may na-tutor na siya noon. Hindi ko siya pinag-isipan ng masama dahil ilang taon na natin siyang teacher. Andun yung tiwala," sabi niya at tumingin sa'kin
Sa mga mata palang niya ay ramdam ko na ang sakit at matinding pagdadalamhati tila hirap siyang ipaliwanag ang lahat ng maayos
"Dinala niya ako sa bahay niya. Hindi ko inakala na wala pala siyang kasama doon. Nag-alanganin ako pero huli na. Sinabi niya na h'wag ako mag-alala dahil wala naman siyang masamang intensiyon. Kahit na gano'n hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan. Unang gabi ay naging maayos ang pagtuturo niya. Akala ko noong una ay strikto. Masaya pala si Sir kasama at makakwentuhan. Kinakamusta niya ako lagi at pamilya ko. Nagkwekwento din siya tungkol sa buhay niya. Unti-unti akong naging komportable. Madali niyang nakuha ng buo ang tiwala ko.
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
