#SOA13
"Ate, tapos ko na hugasan itong mga kamote," sabi ni Cielo pagkalapit sa'kin
"Sige. Ipasok mo na 'yan sa loob," sagot ko habang binababad ang patatas sa maliit na kaldero na may tubig. Tumulong din ang dalawa kong bunsong kapatid
"Ate!"
Napalingon ako nang tumawag si Cielo. "Oh?"
"Birthday ni Aling Yolanda, ang kapitbahay natin. Iniimbitahan tayo sa kanila. May handaan daw," ngiti niyang sabi
"Talaga?" sabi ko sabay punas ng kamay ko sa shorts ko. "Baka marami na sila dun. Nakakahiya."
"May party nga raw e. Yung iba sa'tin ay dumalo."
Maya-maya ay biglang may kumatok sa pinto namin. Bukas iyon at tumambad sa'min si Aling Yolanda. Tuluyan na kaming lumabas ng kusina at nilapitan siya.
"Magandang hapon po."
"Joyce! Hello. Tara, kain kayo sa'min. May handaan. Andyan ba tatay mo?"
"Ahh, wala pa po e. May inasikaso. Happy birthday po pala," ngiti kong sabi
Ngumiti rin siya pabalik. "Salamat hija. Tara sa'min."
Kahit na nahihiya ay pumayag na rin ako dahil mas nakakahiya kung tanggihan ko siya. Isa pa ay para may makain kami ngayong merienda, hindi lang kamote. Nagbihis muna ako at nag-ayos. Kinuha ko ang wallet ko at susi ng bahay bago kami lumabas.
Sumunod kami kay Aling Yolanda papunta sa bahay nila. Nakita ko na agad ang mga tao na nagsisipasukan. May lamesa pa sa labas nandon ang mga lalaking nag-iinuman. May katabi pa itong lamesa kung saan kumakain ang mga bisita. Pagkapasok namin ay medyo konti lamang ang tao. Nagkukumpulan sila sa gitna kung nasan ang handa. Simple ang naging handaan para sa kaarawan niya.
"Kain na. Kuha lang kayo diyan. H'wag na kayo mahiya," sabi niya at binigyan kami ng tig-iisang plato kasama ang kutsara at tinidor. Pinauna ko ang mga kapatid ko na pumila. Nasa likod nila ako.
Nilibot ko ang paningin sa paligid. Present halos lahat ng kapitbahay namin. Ang iba ay nakatayo at nakaupo habang kumakain kasabay ng pagkwentuhan. Ang iba ay nasa sala, nanonood ng telebisyon.
Binalik ko ang paningin sa pila at nakitang nakuha na ng pagkain ang mga kapatid ko. Tinulungan ko sina Janna at Lucia na kumuha. Marami ang handa at mukhang halos lahat iyon ay luto ni Aling Yolanda o kaya bigay ng kapitbahay. May pansit, spaghetti, menudo, shanghai, pritong manok, leche flan, fruit salad, at iba pa. Nagsandok naman ako para sa'kin. Dinamihan ko ang shanghai.
"Ate, gusto ko nung cake," turo nilang dalawa. Ginamit ko yung kutsilyo sa gilid at pinag-slice sila ng cake. Inalok ko rin si Cielo pero tumanggi siya. Hindi rin ako kumuha dahil hindi ako masyadong mahilig sa matamis.
Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay napahinto kami dahil hindi namin alam kung saan kami pupwesto dahil wala na ring bakanteng upuan. May kanya kanya rin silang usapan. Halos matatanda rin pala ang dumalo.
"Joyce. Dito nalang kayo oh," tawag sa'min ni Aling Yolanda. Nandoon siya sa sala kasama ang ibang bisita. Tumango ako at lumapit sa kanya. Nakita kong puno na rin doon. "Kahit dito sina Janna, Cielo, at Lucia," dagdag niya sabay turo sa center table kung saan ang mga bata. Nakaupo sila sa sahig habang kumakain.
"Oh, Joyce. Dito ka na."
Nagulat ako nang may tumayong isang lalaki sa sofa at binigay sa'kin ang upuan niya.
"Ay, sige po. Uh, tatayo nalang po-"
"Hindi na. Tapos na rin ako. Dito ka na maupo," sagot niya sabay subo ng huling ulam. Tinanggal niya ang musmos ng kanin sa bibig niya at pinagpag sa plato
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficción GeneralYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
