#SOA05
"Happy birthday Aurelius Leon!" bati ko sa kanya at binigay iyong regalo kong wallet
Nanlaki ang mata niya sa tuwa. "Woah, thank you Joyce! May pa-regalo si mayora," aniya sabay nilabas ang wallet sa plastic. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Kailangan ko nga talaga nito."
"Welcome. Salamat dahil nagustuhan mo rin. Hirap nga kong mag-isip kung anong ireregalo e."
"Hindi mo naman ako kailangan regaluhan. Ayos lang sa'kin na simpleng kain lang tayo sa tambayan. Usap, gano'n."
Marahan akong tumawa. "Para maiba naman 'di ba? Binilhan mo rin kasi ako nitong ipit e." Naka-ponytail ako ngayon gamit yung kulay asul naman na panali
Ginulo niya ang buhok ko. Tinignan ko siya ng masama. Tumawa lang siya. Binuksan niya naman yung wallet. "Lalagyan ko ito ng picture natin."
"Luh, akala mo naman talaga."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Nagtama ulit ang mata namin. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Salamat ulit bestfriend! Masaya ako ngayon."
Humigpit ang yakap niya kaya niyakap ko rin siya pabalik. "Syempre, birthday mo e. May handaan ba sa inyo?"
Hindi agad siya nakasagot. "Wala e...walang pang-handa. Naisipan kong ilibre nalang ulit kita pati rin yung tropa."
Kumunot ang noo ko. Dahil nanatili kaming magkayakap ay hindi ko makita ang istura niya pero sa boses niya ay parang malungkot siya. "Walang celebration, gano'n?"
"Kung mayroon ba, makakadalo ka?"
Humiwalay na ako sa yakap. "Uh, sa totoo lang, kailangan ko rin kasi magtrabaho ngayon. Hindi ako nakapasok nung isang araw e. May utang pa ako kay Aling Yoli."
Unti-unti siyang tumango at pilit na ngumiti. "Ah, naintindihan ko naman. May trabaho rin ako mamaya. Siguro ay iinom nalang kami ng tropa--este, tatambay sa bahay ni Sebastian. Niyaya rin ako e."
Yumuko ako. Na-guilty ako dahil gusto ko rin makasama siya ngayong araw kaso marami pa akong dapat gawin. "Sorry kung hindi ako makakasama. Bawi nalang ako bukas?"
Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko. "H'wag kang mag-alala. Ayos lang. May next time pa naman e."
Inangat ko muli ang paningin sa kanya at tipid na ngumiti. Biglang tumunog ang phone niya hudyat na may nag-text.
"Si Sebastian na ito."
"Sige, mauuna na ako. Sana ma-enjoy mo yung kaarawan mo ngayon! Babawi talaga ako."
Ngumuso siya. "Kung makakasama sana kita," pagsusumao niya sabay marahang tumawa. "Joke lang. Okay nga lang sabi."
Tumango ako. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Humakbang ako palapit sa kanya para muli siyang yakapin. Naestatwa siya sa kinatatayuan. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. "Happy birthday Leon. Wish ko sa'yo sana hindi ka magbago, sana lagi kong masisilayan ang ngiti sa labi mo, sana mahanap mo na yung gusto mo at matupad ang pangarap mo sa buhay. Alalahanin mo, pwede ka nang makulong kaya umayos ka! Sana ay magtino ka na," sabi ko sabay mahinang tumawa
"Okay na sana e!"
Mas lumakas ang tawa ko.
"Pero salamat. Kinilig ako."
Kinurot ko naman ang tagiliran niya. "Sira."
Bago ako kumalas sa yakap ay naramdaman kong hinalikan niya ang sentido ko. Umayos na ako ng tayo. "Una na ako. Bye!"
Tumango siya. "Paalam binibini! Hanggang sa muli!"
Nginitian ko siya. Kumaway ako bago siya talikuran at naglakad na palayo. Doon na napawi ang ngiti sa labi ko, napalitan ng lungkot. Nagpakawala ko ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
