#SOA40
"Happy graduation Leon! Congratulations," masayang bati ko kay Leon
Ngumiti siya pabalik. "Thank you Joyce. Talagang sinurprise niyo ko ah."
"Syempre special ka e. Na-surprise ka ba?"
Napahawak siya sa dibdib niya at umarteng nagulat. "Kunwaring surprise."
Ngumuso ako. "Tsk, tara na nga, kumain na tayo. Sana magustuhan mo itong hinanda namin sa'yo." Iginaya ko na siya sa lamesa kung saan naghanda kami ng iba't ibang putahe ngayong espesyal na araw. Hinila ko ang silya para sa kanya at umupo siya doon
"Salamat. Mukhang masasarap ito ah," komento niya at nagsimula ng magsandok ng pagkain sa plato niya
"Present diyan ang paborito mo. Menudo, pansit pabalok, at hindi mawawala ang shanghai."
Tumingin ako sa iba pa naming handa. Meron ding spaghetti, barbecue, at fruit salad pang desert.
"Kumain ka na rin," aya niya. Kasama niya sa lamesa kumain ang mga kapatid ko.
"Oo. Teka lang, bibigyan ko lang yung ibang kapitbahay." Kumuha ako ng plato at nagsandok ng pagkain doon. Lumabas ako ng bahay habang bitbit ang plato at pumunta sa bahay ni Aling Chona
"Oh, Joyce. Hello," masayang bati niya sa'kin
"Hello po. Ito po oh. May handa kami sa bahay dahil graduation ni Leon," sabi ko sabay abot sa kanya ng plato
Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Naku, salamat. Pakisabi sa kanya congratulations. Masyado kasi akong naging busy kaya hindi ko na rin siya nakamusta."
Ngumiti. "Sige po. Kung gusto niyo po, punta lang kayo sa bahay. May handa pa po."
"Sige. Salamat hija."
Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang pagkain ay bumalik na ako sa bahay. Nakita kong nakatambay si tatay sa labas kasama ang mga kaibigan niya na inimbita niya. Sabay-sabay na kumakain at nag-iinuman.
Pagkapasok sa bahay ay sinamahan ko na ang mga kapatid ko at si Leon na kumain. Nagulat ako dahil ang bilis na naubos ni Leon ang pagkain niya kaya nagsandok siya ulit.
"Ang lakas mo na kumain ah pero bakit gano'n? Hindi ka tumataba."
Humagikhik siya. "Ikaw din naman e. Mas malakas ka pa nga."
Napailing ako at palihim na ngumiti. Tumayo ako para kumuha ng juice sa'ming dalawa.
"Masaya ka ba? Simpleng handaan lang ito pero sana nagustuhan mo."
Ngumiti siya. "Oo naman. Basta kompleto tayo. Masaya rin ako na sa wakas ay nakapagtapos din ako. Excited na rin akong tumungtong ng kolehiyo."
"At dahil diyan. Meron akong regalo sa'yo," sabi ko at nilabas na sa ilalim ng upuan ko ang regalo ko para sa kanya
Nanlaki ang mata niya sa surpresa. "Sa'kin ito? Grabe Joyce. Umaasenso ka na talaga."
Tumawa ako. "Baliw. Binilhan kita ng backpack kasi sira at lumang luma na yung bag mo. Elementary palang ata tayo, ayun na gamit mo e," sabi ko sabay turo sa bag niya na nakasabit sa pinto
"Oo nga e pero tibay din nun ah. Buti pa iyon, nagtagal."
"Itapon mo na 'yon."
Tinanggal niya sa plastic ang bag para matignan iyon ng mabuti. Kulay itim iyon at mas malaki kumpara sa luma niyang bag. Marami ding bulsa. Wala nga lang tatak ang bag. Mura lang din ang bili ko pero matibay naman.
"Salamat Joyce. Mas lalo tuloy akong na-excite na pumasok. Gamit nalang sa school ang kulang."
"You're welcome. Excited din ako para sa'yo. Madugo na kapag college kaya goodluck."
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Fiction GénéraleYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
