#SOA28
"Joyce."
Napadilat ako nang marinig ang boses ni Manang Mary Grace sa likod ko. Humarap ako at nakitang nakatayo siya malapit sa pinto ng kusina. Binaba niya ang tray na hawak at naglagay doon ng mga wine glass na naglalaman ng champaign.
"Ano pang ginagawa mo riyan? Maraming mga bisita ang dumadating. Balik na sa trabaho," utos niya
Tumango ako at umayos na ng tayo. Nakita ko siyang lumabas na ng kusina. Lumabas ako papunta sa dining area. May pahabang lamesa sa kanan ko kung saan nakahanda ang mga pagkain na pina cater ng pamilya Javier. Sa katabing lamesa no'n ay nakapatong ang iba't ibang bote ng alak kasama ang wine glass.
Lumapit ako doon at kinuha ang tray sa ilalim. Naghanda din ako ng limang wine glass at nagbukas ng panibagong champaign. Mabilis ngunit maingat kong sinalinan ang mga wine glass. Hindi ko iyon pinuno. Inayos ko ang uniporme ko at buhok ko pagkatapos ay binitbit na ang tray at lumabas na.
Nalula ako nang bumungad sa'kin ang napakaraming tao. Tumingin ako sa paligid. Halos mapuno na ang mansiyon. Meron pa sa labas. Matapos ang Presidential election ay nag-paparty si Sir Javier sa mansiyon. Inimbita niya ang mga kaibigan at mga kamag-anak niya. Puro mga mayayaman, elitista, socialities, negosyante, at mga tao sa politiko ang nandito. Pormal ang kanilang kasuotan. Nanibago ako nang makasalamuha ang ilan sa kanila.
Sa kasamaang palad ay hindi siya nanalo pero kahit gano'n ay tinanggap niya ang pagkatalo niya at nagawa pa ring magcelebrate. Sinabay niya rin ang celebrasyon sa nalalapit na kaarawan ng anak niyang si Ismael.
Nagsimula akong maglakad at nag-serve ng drinks sa mga bisita. Gano'n rin ang ginagawa ng ibang katulong. Sinubukan kong ngitian sila kahit papaano kahit sa loob ko ay kinakabahan ako sa presensiya nila. Ayokong magkamali o makalikha ng gulo.
"Relax Joyce," sabi ko sa sarili
Lumiko ako at pumunta sa may backyard kung saan naroon ang ibang bisita. Madilim na sa labas. May mga ilaw na nakasabit sa puno. May lamesa din sa gilid kung saan ang snack bar. Sa gitna ay ang maliliit na lamesa na pabilog. Nakatayo lang ang mga tao habang nakikihalubilo sa isa't isa.
"As I was saying Mr. Alviar, I'm currently selling one of our lands in Negros together with the crops and stocks. Wala na rin namang kinikita ang mga farmers namin doon. Tinanggal ko na rin sila. They all went back to their provinces," sabi ng isang matangkad at mestisang babae sa kabilang lamesa. Kausap niya ay isang matandang negosyante
"I am thinking since lumalago na ang oil at coal business namin in Nueva Ecija. We are in demand. We need mass production and a land where we can build new factories to exploit more refinery. I'll gladly consider."
"Is it a done deal? We can agree with contracts."
Tumango siya at nakipag-kamayan sa babae. Nginitian din nila ang isa't isa.
Tumikhim ako. "Drinks po ma'am, sir."
Napatingin sila sa'kin pero hindi nagtagal. Kumuha sila ng tig isang glass bago bumalik sa usapan nila. Nilagpasan ko na sila at bumalik na sa loob ng mansyon. May tumawag sa'kin na isang matanda kaya agad ko siyang nilapitan. Nag-excuse din ako sa mga taong nakasalubong ko. Pagkalapit sa kanya at kumuha siya ng champaign sa tray ko. Binalik din niya ang isa niyang baso na wala ng laman.
Nagulat ako nang may narinig na nabasag sa likod ko. Napalingon ako at nakita ang isang katulong na pinupulot ang mga nabasag na baso sa sahig. Kumalat din ang champaign kaya napaatras ang ibang bisita. Binalot kami ng katahimikan. Dahil sa aksidenteng nangyari ay nakuha niya ang atensiyon ng ibang bisita.
Nilapitan siya ni Manang Mary Grace at mabilis na tinulungang maglinis. Tumayo sila at sabay na humingi ng pasensiya sa mga bisita bago pumunta sa kusina. Nakita ko pa kung paano niya ito pinagalitan sa nagawa. Bumalik ang lahat sa kanya kanyang ginagawa na para bang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...