#SOA33
Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos kaya ala sais palang ng umaaga ay gising na ako. Tinignan ko ang itsura sa salamin. Maga ang mata ko mula sa walang tigil na pag iyak kahapon. Barado ang ilong ko at tuyot ang labi. Binuksan ko ang tubig sa lababo at naghilamos. Nag-sepilyo din pagkatapos.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ay mula sa labas ng kwarto ay narinig kong pinagalitan ni tatay si Leon. Iyon ang unang beses na napagalitan siya. Pati ang mga kapatid ko ay nagtatanong sa'kin tungkol kay Leon pero hindi ko sila mabigyan ng sagot.
Sa loob ng ilang taon naming pagsasamahan ay lubos ko na siyang kilala. Napakabuting tao ni Leon at may busilak na kalooban. Alam din iyon ng pamilya ko. Naisip ko na baka pagod lang siya kaya niya nasabi ang mga salitang iyon. Hindi ko siya kailanman kayang siraan sa iba. Dapat siguro ay intindihin ko nalang siya bilang kaibigan.
Lumabas ako ng bahay at pumuntang bakery para bumili ng tinapay almusal namin. Wala pa masyadong tao dahil maaga pa pero may ilan na palakad-lakad, nakatambay sa tindahan, at naglilinis ng bakuran. Napatingin sila sa'kin. Hindi ko sila pinansin at dire-diretso lang ang lakad.
"Pabili pong monay at sampung pirasong pandesal," sabi ko sa tindera. Tumabi muna ako sa gilid para makabili ang sunod na nakapila sa likod ko
"Oh ano mare, nalaman mo na ngayon ang totoo tungkol sa pamilya Javier?" sabi ng babae
"Manahimik ka Rosinda. Chismis lang iyon dito sa lugar natin. Hindi ako naniniwala," mapait na sagot ng tindera habang nakuha ng tinapay. Masama ang tingin niya sa kumare niya
"Talaga lang ah, kung gano'n, bakit nawala na yung poster mo ni Agosto Javier sa tindahan mo? Ang sabihin mo, naniniwala ka pero ayaw mo lang tanggapin yung totoo. Masakit talaga ang katotohanan. Hindi lang naman ikaw ang niloko niya kundi ang buong tao na sumusuporta sa kanya."
"Teka, anong chismis mare?" biglang may sumingit na matanda sa likod nila at nakichismis din. Nilingon siya ni Rosinda
"Naku, huli ka nanaman sa balita Dolores. Hindi mo ba alam na nandito nakatira yung anak ng tumakbong mayor noon? Ang sabi daw e, na bunyag na ang maruming sikreto ng pamilya nila. Magnanakaw daw."
Napasinghap ang matanda sa nalaman. Napahawak din siya sa dibdib sa gulat. "Naku, sinasabi ko na nga ba e. Tama lang na hindi ko siya binoto noong eleksyon," napailing siya sa pagkadismaya
"Tama, tama ang naging desisyon natin," pagsang-ayon ni Rosinda. Binalingan niya ulit ang tindera. "Kaya ikaw mare, magbago ka na. Wala namang masama kung baguhin mo ang isip at pananaw mo sa isang politiko. Karapatan natin bilang isang mamayang Pilipino ang malaman ang totoo at magbigay sila sa'tin na tapat na serbisyo."
"Ewan ko sa inyo. Bakit ako maniniwala agad sa chismis? Kayo ata ang nagpapakalat ng kung ano anong chismis na hindi naman totoo. Walang sapat na pruweba," sabat ng tindera. "At tsaka, tinanggal ko na yung poster dahil tapos na ang eleksiyon."
Tinawanan lang siya ng dalawa, halatang pinagtutulungan siya.
Hindi ko na napigilan ang sarili at sumali sa usapan nila. "Mawalang galang na po pero sa tingin ko ay hindi tama na husgahan ang kapwa dahil lang magkaiba kayo ng opinyon sa gobyerno maslalo na sa mga taong nakaupo dito. H'wag din po tayo basta basta maniniwala at dumedepende sa chismis bilang panira sa isang tao. H'wag po tayong magpadala sa fake news."
Tumigil sila sa tawanan at napatingin sa'kin. Nagkatinginan din sila sa isa't isa na may halong pagtataka.
"Anong sinasabi mo diyan ineng?" tanong ni Rosinda
"Sinasabi mo ba na hindi ka naniniwala na magnanakaw ang pamilya Javier? Parehas kayo nitong tindera?" dagdag ng matandang babae na nangangalang Dolores
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficțiune generalăYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
