#SOA22
"Sino iyong naghatid sa'yo kagabi?" tanong ni Leon sa'kin
Napatingin ako sa kanya. "Ano?"
"Kagabi nung umuwi ka, nakita kitang bumaba sa kotse. Itim na Mercedes pa," di makapaniwala niyang saad. "First time kitang nakitang sumakay sa kotse."
Pinagpatuloy namin ang paglalakad habang kumakain ng streetfoods. Hindi ko siya magawang tignan. Mas pinili kong ilihim sa kanya ang trabaho ko ngayon.
"Ha? Wala. Gabi na nun ah, anong ginagawa mo sa'min?" pang iiba ko ng usapan
"Malamang hinintay kang makauwi. Buong araw ka kayang wala sa inyo. Nag-aalala din ako maslalo na nung hindi mo ko nirereplyan."
Bahagyang nanlaki ang mata ko. Na-guilty ako bigla dahil nagiging malamig na ako sa kanya. "Ilang oras ka naghintay?"
"Hindi ko na rin maalala basta pabalik balik ako sa inyo hanggang gumabi. Naghintay ako sa labas ng bahay niyo. Akala ko kung napano ka na e. Nag-aalala rin kaya si tito. Saan ka ba galing nun?"
"Trabaho nga."
"Trabaho o date?"
Mahina kong hinampas ang braso niya. "Anong date? Wala akong oras sa gano'n. Wala rin akong jowa kung iyon ang iniisip mo."
Marahan siyang tumawa. "Alam ko naman kapag may tinatago ka. Baka malaman ko nalang na miyembro ka ng isang sindikato. Mapanood nalang kita sa tv."
Masama ko siyang tinignan. "Gago!"
Humalagapak siya sa tawa sabay akbay sa'kin. "Namiss lang kita."
"Eto na nga, bumabawi na ako sa'yo. Sorry sa mga inasal ko sa'yo nun," buntong hininga ko
Tinapik niya ang likod ko. "Sanay na ako. Di ba nangako tayo nun na wala tayong sikreto na tinatago sa isa't isa?"
Hinawi ko ang buhok ko dahil sa hangin na tumama sa mukha ko sabay inangat ang paningin sa kanya. "Oo pero.."
"Sayang, namiss mo yung birthday ni Remy. Saya pa naman," ngiti niyang sabi
Yumuko ako. Aaminin ko na guilty ako kung ililihim ko pa ito sa kanya at isa pa ay hindi ko rin siya matiis dahil matagal na rin kaming magkaibigan. Lahat alam namin sa isa't isa. Alam kong nag-aalala at protective lang din siya sa'kin.
"Nagtatrabaho ako bilang katulong ni Sir Agosto Javier," sabi ko
Unti-unti siyang tumingin sa'kin. "Ano?" tanong niya. "Teka, parang pamilyar iyong pangalan niya. Hindi ba siya yung tatakbong mayor? Magkalaban sila ni Kuya Herminio."
Tumango ako. "Oo siya nga. Parang baliw 'di ba?" natatawa kong sabi
Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha niya. "Pero paano ka naman- seryoso ba?"
"Oo nga," sabi ko. "H'wag mo nalang ipaalam sa iba, okay?"
Tumango siya. "Kamusta naman? Di ba mayaman sila? Nakatira sa malaking mansyon?"
Palihim akong ngumiti. "Parang ganun na nga. Malaki ang bahay nila parang yung mga napapanood ko sa teleserye. Di ko akalain na makakatapak ako sa gano'ng klaseng pamamahay. Naninibago ako sa lahat. Hindi ako sanay. May sarili pa akong kwarto dun."
Nanlaki ang mata niya. "Wow! Sa dinadami dami ba naman na pwede mong pasukan na trabaho, iyon pa talaga. Nahihirapan ka ba?"
"Hindi naman. Lahat kaya kong gawin," pagmamayabang ko. "Kakayanin ko. Handa ako sa lahat ng pagsubok na dadating."
Humalakhak siya. "Joyce lang malakas. Nahiya naman ako bigla sa'yo. Panibagong mundo na ang pinasok mo. Iniwan mo na ako," pag-aarte niya
Mahina ko siyang pinitik sa noo. "Baliw. Ako pa rin ito. Talagang desperada ako makahanap ng matinong trabaho. Mabuti nalang din dahil mabait si Sir Javier."
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficção GeralYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
