#SOA12
"Ay naku, bilisan mo naman diyan Joyce. May isang basket ka pa ng labahan dito," sabi ng amo ko na si Aling Gregoria
Tumango ako. Madiin at mabilis ang bawat pagkiskis ko ng damit. Isa-isa ko silang piniga pagkatapos ay nilagay sa timba. Tumayo ako dahil nahirapan akong pigaain ang makapal at maong na pantalon. Malakas ang pagbagsak ng tubig sa planggana kaya hindi naiwasang matalsikan ako pero hindi ko na iyon inintindi pa.
Pagkatapos ng unang batch ay sinalang ko na ang pangawalang batch ng damit sa malaking planggana. Dinagdagan ko iyon ng sabon at hinayaang mababad muna. Binuhat ko na ang timba kasama ang mga hangers at naglakad patungo sa sampayan. Nagsimula na rin akong magsampay.
Mabuti nalang ay maganda ang panahon. Maaraw pero hindi masyadong mainit. Nakita kong nagsasampay din ang kapitbahay ko sa tapat ko.
Pagkatapos magsampay ay bumalik ako sa paglalaba. Nasa labas ako ng bahay ng amo ko, nakaupo sa maliit na silay kaharap ang sangkatutak na labahan. Wala silang washing machine kaya't doble kayod ang ginagawa ko. Inayos ko ang pagkakatupi ng tokong kong shorts pati na rin ang manggas ng puti kong t-shirt. Parehas silang basa na ng tubig dahil sa paglalaba ko.
"Joyce. Nilagyan mo ba 'yan ng downey?"
Inangat ko ang paningin sa amo ko. "Po? Opo."
Nakasandal siya ngayon sa pader at pinapanood ako habang kumakain ng nilagang mais. Sumulyap siya sa sampayan. Kumunot ang noo niya sa inis. "Hays, sabi ko kay Juvy nung isang araw ay ako gagamit ng sampayan e, tignan mo nakisabay pang mag-laba sa'tin. Kulang tuloy ng sampayan."
"Pwede naman pong sa susunod na araw na yung iba," sabi ko habang kinukuskos ng brush ang panty na may bakas ng regla
"Sige, ikaw na rin magtupi ng mga damit. Dagdagan ko nalang."
Napalunok ako bago tumango. "Sige po.."
Masama pa rin ang tingin niya sa kapitbahay niya. Mukhang may alitan sila. Binalik ko ang atensiyon sa paglalaba. Gusto ko ng matapos dahil pagod na ako. Masakit na ang likod ko at ngalay na rin ang braso ko, maski mga daliri ko ay mababali na sa kakakusot. Hindi ko na rin maramdaman ang binti ko. Dagdag pa na may regla ako ngayon kaya pati balakang ko ay nananakit na. Magtatanghalian na at wala pa akong kain.
Nang masalang ang huling batch ay tumayo ulit ako para magsampay. Napansin kong konti nalang ang hangers. "Uh, Aling Gregoriya. Paubos na rin po pala ang mga hangers. Meron po ba kayo diyan?"
Umayos siya ng tayo at sumulyap sa ilang hangers sa kamay ko. "Hala, paubos na agad? Naku e, wala na sa loob. Humiram ka nalang ng hangers sa kapitbahay o kaya dun kay Juvy. Hangers nun ay pare-parehas pa ng kulay!"
Nilingon ko ang babaeng tinutukoy niya na tahimik na nagsasampay. "Uh, sige po.."
"O siya, sige. Kakain na muna ako ng tanghalian sa loob. Balitaan mo nalang ako pag tapos ka na."
Pagkaharap ko ay nakita ko na siyang pumasok sa bahay niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago tumahak ulit sa sampayan. Halos puno na ang sampayan namin. Napansin kong patapos na rin si Aling Juvy. Tatalikod na sana siya pero agad kong tinawag.
"Uh, excuse me po."
Napalingon siya sa'kin, hawak-hawak ang timba. "Ano yun?"
"Pwede po bang makahiram po ng hanger?"
"Hanger ba kamo? O, sige. Ilan ba? Teka lang ah. Kukunin ko sa loob," sagot niya
Pinanood ko siyang pumasok sa bahay niya. Habang naghihintay ay nagsampay na ako gamit ang natitirang hanger. Sakto pagkabalik niya ay may hanger na siya na dala. Binigay niya ito sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/235121878-288-k612722.jpg)
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficção GeralYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...