38

71 2 0
                                    

#SOA38

Dumating na ang araw na pinakahinihintay namin. Narito na kami sa korte. Kasama ko ang pamilya ko at si Ismael. Katabi ko siya ngayon. May mga tao din sa audeince. Dumalo ang iba naming mga kapitbahay. Tahimik silang nagdadasal. Binalik ko ang tingin sa harap.

Sa kanan ay nakaupo si Leon kasama si Atty. Alonzo. Sa kabilang panig naman ay ang mga prosecutors. Sa harapan ay wala pa ang mga judge kaya hindi pa kami makapagsimula. Tumingin ako sa kaliwa ko at naroon nakaupo ang pamilya Herminio. Nasa pinakaharap sila. Tumaas ang balahibo ko nung nagtama ang paningin namin ni Mayor Emmanuel. Binalik din niya ang atensiyon sa harap.

"Joyce.."

Napatingin ako kay Ismael. Hinawakan niya ang kamay ko. "You okay?"

Tumango ako at binalik ang atensiyon sa harap. Sa bawat minutong lumipas sa paghihintay ay maslalo akong kinakabahan. Nagkatinginan kami ni Leon. Binigyan ko siya ng isang ngiti para mabawasan ang kaba niya. Dinamayan din siya ni Attorney. May binulong ito sa kanya at tinapik sa balikat.

"It's starting."

Sakto ay biglang pumasok na ang mga judge sa korte. Pumunta sila sa harap.

"All rise. The court is now in session, the honorable Judge Santiago is presiding," anunsiyo ng Bailiff

Sabay-sabay kaming tumayo.

Nilapitan ng Judge si Leon. "State your name."

"Aurelius Leon Villamor, Your Honor," sagot ni Leon. Hindi ko na ramdam ang kaba niya at nanatili na siyang kalmado

"You may be seated."

Lahat kami ay umupo maliban kay Leon.

"Do you understand all your rights Mr. Villamor?"

"Yes, Your Honor."

Binalingan ng judge ang clerk. "Read the complaint."

Napatingin ako sa clerk na tumayo at binasa ang hawak na papel. "Ladies and gentlemen of the jury, this is a criminal case of homicide charged on Aurelius Leon Villamor given on February 1, 2022 for allegedly killing Sen. Eduardo Herminio within the jurisdiction of this Honorable Court, the above named accused, Aurelius Leon Villamor unlawfully and with evident premeditation, that is, having conceived to kill Sen. Eduardo Herminio, armed with a knife, stabbed the victim on the front portion of his body which caused his death. The incident happened inside the room of Sen. Eduardo Herminio."

Huminga ako ng malalim kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. Pinakalma ako ni Ismael sa tabi ko. Nilingon ko rin ang pamilya ko na nasa likod namin. Tahimik lang silang nakikinig sa harap habang nahahalata ko sa mga kapatid ko ang takot.

"Is each and every juror here willing to take an oath, the highest form of promise that a citizen can give, that they will render an impartial verdict based solely on the evidence?"

"Yes judge," sagot ng jurors

"Members of the jury, your duty today will be to determine whether the defendant is guilty or not guilty based only in facts and evidence provided in this case. The prosecution must prove that a crime was committed and that the defendant is the person who committed the crime. However, if you are not satisfied of the defendants guilt to that extent, then reasonable doubt exists and the defendant must be found not guilty."

Naaalala ko bigla ang sinabi ni Attorney. Kakampi namin ang mga tao. Maaari silang magbigay ng hatol. Sana ay manatili sila hanggang dulo.

Binalingan ng clerk ang mga prosecutors. Tumayo sila at pormal na nagpakilala.

"Your honor, my name is Atty. Gerald De Leon and I am representing the people of the Philippines in this case."

Pagkatapos nilang magpakilala ay sunod na tumayo si Attorney para magpakilala rin. Inayos niya ang coat niya at tumingin sa judge. "Your honor, my name is Atty. Mark Gabriel Alonzo, and I am representing the accused in this case."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon