20

107 3 0
                                        

#SOA20

"Ate! Ate, gising!"

Napabangon ako sa kama at napasigaw pagkagising. Napalunok ako at hinabol ang hininga ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko.

"Ate, okay ka lang?"

Nagulat ako kaya napatingin ako sa katabi ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Cielo habang nakatingin sa'kin. Hinawakan niya ang noo at leeg ko.

"May sakit ka ba?" tanong niya. "Ginising kita kasi para kang binabangungot. Pinagpapawisan ka rin ng malamig. Mabuti at nagising ka na."

Hinipo ko ang noo ko at tama siya na pinagpapawisan ako. Tumingin ako sa paligid at nasa kwarto na pala ako. Hinanap ko rin ang mga kapatid ko.

"Asaan si Lucia at si Janna? Si tatay?!"

"Namasada na si tatay. Nasa hapag kainan yung dalawa, kumakain ng almusal."

Lumapit lalo ako sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Ayos ka lang ba? Yung nangyari kahapon. Totoo ba iyon? M-may nagpaputok ng b-baril-"

"Nabalitaan ko nga iyon ate. Iyan ang pinag-uusapan ngayon ng buong barangay. Mabuti nalang ay nakauwi na kami nila tatay bago mangyari ang insidente," kwento niya na may halong kaba at takot. "Pero labis ang pag-aalala namin sa'yo dahil naroon ka nung nangyari yung insidente. Hinanap ka ni tatay. Nakita namin kayo ni Leon kaya agad namin kayong tinulungan...tapos nun, bigla ka nalang nahimatay."

Umawang ang labi ko. Unti-unting bumagsak ang kamay ko sa kamay niya. Umiwas ako ng tingin at inalala ang nangyari.

Totoo pala ang nangyari..

Hindi lamang isang masamang panaginip.

"Mahigit bente kwatro oras ka ring walang malay."

Napatingin ulit ako sa kanya. Pumikit ako at hinilot ang sentido ko. Hinila ko siya palapit sa'kin atsaka niyakap. "Salamat sa Diyos at ligtas kayo."

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na ako ng kwarto. Napalingon sa'kin ang dalawa kong bunsong kapatid. Napasinghap sila at agad akong nilapitan.

"Ate! Kamusta? Mabuti ay nagising ka na!" si Janna

Niyakap ko silang dalawa. "Ayos na si ate," sabi ko kahit medyo sumakit ang likod ko sa tagal kong nakahiga. Kahit na sobrahan ako sa tulog ay parang pagod pa rin ang katawan ko

"Nakakatakot ang nangyari kahapon. Marami daw nadisgrasya," sabi ni Lucia na may bahid na lungkot sa boses niya

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Napatingin kami doon, maski si Cielo na kalalabas lang ng kwarto. Naglakad ako palapit doon at binuksan. Tumambad sa harapan ko ang isang body guard na pormal ang suot. Tumabi siya sa gilid at may isang pamilyar na matandang lalaki ang humakbang palapit.

Lumiwanag ang mukha niya pagkakita sa'kin. Nagkatinginan sila ng mga body guards niya, parang sa mata sila nag-uusap. Hindi nagtagal ay binalik niya ang atensiyon sa'kin at nginitian ako.

"Magandang umaga sa'yo. Ako nga pala si Agosto Javier," pakilala niya sabay lahad ng kamay

Umawang ang labi ko. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. Siya yung matandang lalaki kahapon. Nakasuot siya ng gray na coat at pants. Sa loob ay putting polo.

Hindi ako makapaniwalang isang politiko ang nakatayo sa tapat ng bahay namin. Binalot ng kaba ang katawan ko.

Tumingin ako sa kamay niya, hindi alam kung tatanggapin ba iyon. Pinisil ko ang mga daliri ko at unti-unting inangat ang kamay ko para tanggapin iyon.

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon