34

73 2 0
                                    

#SOA34

"Well, we're here," sabi ni Ismael nang makarating kami sa lugar na alam niyang mapupuntahan namin

Namangha ako sa view na tumambad sa'min. Nasa parang mataas kami na bangin at sa harap ay mga buildings at iba't ibang gusali. Bukas ang mga ilaw. Para silang bituin sa langit na maslalong nagpaliwanag ng gabi namin. Dahil nasa itaas kami ay malamig at malakas ang simoy ng hangin. Pinaheram niya ulit ako ng jacket niya na dala niya sa kotse.

"Joyce.."

Tumingin ako sa kanya. Nakita kong naglatag siya ng makapal na kumot sa sahig. Nakalahad ang kamay niya sa'kin. Noong una ay natakot ako dahil baka mahulog kami pero inalalayan naman niya ako ng mabuti. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makaupo kami pareho.

"Ngayon lang ako nakarating dito. Parang medyo malayo ang naging byahe natin."

Tumango siya. "It's a bit far but farther from my house. There are stores and restaurants near here but they're all closed that's why it feels kind of empty here."

"Syempre madaling araw na e," sabi ko at tumingin sa harap. "Pero ang ganda dito. Sobra.."

"Yeah, it's like we can see the whole world but in reality, it's just a small portion of our place."

"Kita ko nga bahay namin. Ayun oh," biro ko sabay turo sa isang random na bahay na nakita ko

Humalakhak siya. "Really? I wonder where mine is."

"Banda dun," sabay turo naman sa kaliwa

Tumingin din siya doon. Napangiti ako dahil mukhang naniwala naman siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Umihip ang malakas na hangin kaya tumama ang konting buhok sa noo niya. Inalis ko iyon sa noo niya. Napatingin siya sa'kin. Kagaya ng mga ilaw sa harap namin ay kumikinang din ang mata niya na parang bituin.

"Do you feel better now?"

Huminto ako. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa sahig. "Medyo..."

"Do you want to talk about it?"

Umayos ako ng upo at binalik ang tingin sa harap. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin ito sa kanya pero kailangan ko rin ilabas ito. Nagkaro'n na rin ako ng tiwala sa kanya. 

"Nag-away kasi kami ni Leon," panimula ko

"Again? What did he tell you this time?" medyo may halong inis ang tono ng boses niya

"Wala. Mali 'yang iniisip mo. Hindi sa gano'n.."

Hindi na siya umimik at hinayaan akong ituloy ang kwento ko. Ramdam kong nakatingin siya sa'kin.

"Maagang naulila si Leon sa mga magulang niya. Kinupkop siya ni Auntie Miriam. Hindi niya iyon tunay na Auntie pero iyon lang ang tawag niya. Noong dumaan ang bagyo, isa siya sa mga namatay. Magmula no'n, sa'min na tumira si Leon. Wala na kasi siyang ibang pamilya e.

Sabay kaming lumaki ni Leon. Sabay kaming nag-hirap. Dumaan kami sa butas ng karayom. Siguro, dumating lang sa punto na napagod na kaming pareho. Pati si tatay e, nadagdagan din ang responsibilidad. Gusto namin siyang tulungan pero nagsasarili siya. Hindi na namin alam kung ano bang pinagkakaabalahan niya. Hindi manlang niya pinapaalam sa'min. Parang nalalayo na ang loob niya sa'min."

Tahimik lang siyang nakikinig sa'kin. Tumingin ako sa kanya.

"Kaya pasensiya na kung may nasabi siya sa'yo at sa pamilya mo na hindi maganda. Hindi ko rin alam kung bakit niya nasabi iyon. H'wag mo sanang isipan ng masama si Leon. Kilala ko 'yon. Mas mabait pa 'yon sa'kin," biro ko

"Do you like him? Or do you only see him as a friend?"

Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin sa harap. "Mahal ko si Leon bilang kaibigan lang."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon