#SOA41
"Ma'am."
"Ma'am.."
Tulala lang akong nakatingin sa sahig. Lumabas lang ang boses nila sa kabilang tainga ko. Wala na akong gustong pakinggan dahil hindi rin nila kami pinaparinggan. Mas hindi ko sila kayang tignan.
Noong nagkaro'n ako ng malay ay natagpuan ko ang sarili sa presinto. Imbis na sa ospital nila ako dalhin ay dito pa.
"Ma'am. Ayos lang po ba kayo?"
Inangat ko ang paningin sa pulis. Nasa likod siya ng lamesa habang ako ay nakaupo sa tapat niya. Nanuyot ang lalamunan ko, hirap magsalita.
"May ilan po kaming mga katanungan. Maaari niyo po bang sagutin?"
Bumaba ang paningin ko sa lamesa. Gininaw ako sa lamig. Hanggang ngayon ay basa pa ako ng ulan. Bawat paghinga ko ay masakit. Parang natuyuan ako ng tubig sa baga.Tumingin ako sa kamay ko at nakitang may dugo.
"Ano pong pangalan ninyo?"
Binuka ko ang bibig ko at pinilit na magsalita. "Bakit ako nandito?"
Nagkatinginan sila ng pulis na kasama. Tumikhim siya at binalik ang atensiyon sa'kin. "Nahimatay po kayo kanina at dinala namin kayo dito. Wala po ba kayong naalala?"
"Naalala ko na n-nilayo niyo ako sa kanya. Asaan na siya?"
"Kaano ano niyo ang biktima?"
"Pamilya ko. Asaan siya?"
"Aurelius Leon ang pangalan ng biktima. Natagpuan namin siyang patay na. Iniimbistigahan na po namin ang kaso niya."
Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko sa mga salitang narinig ko galing sa bibig niya. Pinigilan ko ang sarili na hindi umiyak sa harapan nila. Ubos na ako. Hindi ko alam kung meron pa ba akong iiyak. Pinilit ng utak ko na hindi maniwala sa sinabi niya.
"Pangalan niyo ma'am? May mga tanong po kami para mas mabilis ang imbestigasyon namin."
Hindi ako sumagot. Tinikom ko ang bibig ko.
"Pamilya niyo ma'am? Pero bakit iba ang nasa record namin? Magkaiba ang apelyedo niyo," sabi niya at tumingin sa kasamang pulis. "Paki-double check nga."
Pumikit ako dahil ayoko na silang makita. Ayoko na dito. Ayokong may mga pulis na nakapalibot sa'kin. Hindi ko kaya ang tensiyon na bumabalot sa'min. Bumalik sa'kin ang lahat. Ramdam ko na ngayon ang sakit na naranasan ni Leon at mas lalo lang akong nasaktan noong binanggit pa nila ang pangalan niya.
"Ma'am. Sumagot naman po kayo. Nagka-amnesia ba kayo?"
Napalunok ako. Sana lamunin nalang ako ng lupa. Sana magising na ako sa panaginip na ito.
Bumuntong hininga siya. "Ganito nalang ma'am. Bumalik nalang kayo bukas ng gabi dito at-"
Tumigil ka na, para awa mo na.
"Joyce!"
Napadilat ako pagkarinig sa pamilyar na boses. Akala ko tuluyan na akong nagising. Napatingin ako sa kanan ko. Umawang ang labi ko pagkakita kay Ismael. Bahagyang nanlaki ang mata niya kasabay ng pag-awang ng labi niya. Tuluyan niya na akong nilapitan.
"Joyce. You're here. What...what happened? Are you okay?" nag-aalala niyang tanong at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko
Naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mata ko. Nabawasan ang sakit sa puso ko nang maramdaman siya muli at marinig ang boses niya. Akala ko ay isa na rin akong malamig na bangak ngunit nung naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa balat ko ay doon ko napagtanto na buhay pa pala ako.

BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...