#SOA19
"Saan ka galing ate?" tanong ni Cielo pagkapasok ko sa bahay
Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na gising pa siya. "Bakit gising ka pa?" bulong ko
"Hinintay kita. Bakit ginabi ka na? Kanina pa ka hinahanap ni tatay."
Tinapat ko ang daliri ko sa bibig ko. "H'wag kang maingay. Baka magising si tatay. Sigurado papagalitan ako."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Saan ka ba kasi galing?"
Kinagat ko ang labi ko at umiling. "Basta. Matulog ka na. H'wag kang maingay kay tatay ah." Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa kwarto
Nakahinga ako ng maluwag pagkapasok ko. Nakita ko ang dalawa kong kapatid na mahimbing na natutulo sa banig. Madilim na sa loob, tanging kandila lamang ang nagsisilbing ilaw namin.
Dahan-dahan akong naglakad sa kabinet para hindi makalikha ng ingay. Binuksan ko iyon at mabilis na nagpalit ng damit. Napahinto ako nang mapansin na suot ko pa rin ang jacket ni Ismael. Tinignan ko iyon. Kulay puti iyon na may green sa ibang detalye. Mukhang varsity jacket niya iyon. Nag-aaral pala siya sa isang sikat na unibersidad sa Manila.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko iton isasauli sa kanya. Bakit ko nga ba nakalimutan? Dahil sa kamamadali ko tuloy makauwi. Ni hindi ko nagawang magpasalamat at magpaalam ng maayos sa kanya.
Nagulat ako nung bumukas ang pinto. Pumasok sa loob si Cielo. Tahimik siyang humiga sa banig para bumalik sa pag tulog. Tinupi ko na jacket at pinasok loob ng kabinet. Tumayo na ako at napatingin sa kandila na nakapatong sa maliit na lamesa. Hinipan ko na iyon. Tumabi na ako sa mga ka[atid ko para matulog na rin. Mas naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko.
Kadiliman ang bumalot sa kwarto. Nakatitig lang ako sa kisame nang bigla kong maalala ang nangyari kanina. Ang liwanag mula sa kotse niya ay nakita ko muli at kung paano niya ako lapitan para tulungan. Unti-unti nang bumagsak ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Hindi ko inaasahan na pati sa panaginip ko ay dinalaw niya ako.
***
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na ingay mula sa labas ng bahay namin. Bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.
"Anong meron?" tanong ko. Nakita kong dumaan ang mga kapatid ko.
"May nangangampanya ata ulit. Traffic sa labas e," sagot ni Cielo
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Agad akong lumabas ng bahay para alamin. Nagulat ako pagkakita sa maraming tao sa labas. May mga nag-rarally ulit.
"Nandito yung ibang kandidato sa eleksiyon?" tanong ko
"Oo ata."
Nagsimula akong maglakad para sundan ang mga tao. Nakita ko ang isang entablado sa gitna. Maraming audience. May mga kotse din na dumadaan kaya't masikip sa daan.
"Joyce!"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nakita ko si Leon mula sa malayo. Nakipagsiksikan siya sa mga tao para makalapit sa'kin.
"Uy, Leon."
Hinabol niya muna ang hininga niya bago tumayo ng maayos. "May campaign speech pala ngayon. Hindi ko alam na dito malapit sa'tin gaganapin. Astig 'no?' ngiti niyang sabi, hindi matago ang pananabik
"Oo nga e. Bakit dito pa? Aga aga e, natutulog pa ako. Hays."
"Tulog ka pa rin e tanghali na kaya!"
Namilog ang mata ko sa gulat. Bigla akong nagising. "Ha? Anong oras na ba?"
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Ficción GeneralYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
