26

58 2 0
                                    

#SOA26

"May paparating na na tulong!"

Nabuhayan ako nang marinig ang mga salitang iyon sa kasama ko. Nakaupo lang ako sa isang sulok, yakap-yakap ang mga tuhod ko habang nakayuko. Unti-unti kong inangat ang paningin ko. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Malabo ang paningin ko ngunit luminaw iyon pagkakita sa isang bangka palapit sa'min.

Pinilit ko ang sarili na tumayo. Ramdam ko ang pamamanhid ng binti ko. Nagsitayuan din ang iba kong kapitbahay na kasama ko sa bubong. Nagkatinginan kami sa isa't isa. Sabay-sabay nilang itinaas ang kamay nila at sumigaw ng tulong para makuha ang atensiyon ng rescue team. May isang lalaking nakatayo doon at tinuro kami.

"Tulong!"

"Tulungan niyo po kami! "

"H'wag niyo sanang hayaan kaming mamatay dito!"

Sumasabay ang boses nila sa lakas ng ulan. Pilit ko pang pinapakalma ang paghinga dahil sa lamig. Sinubukan kong maglakad palapit, hindi ko na maramdaman ang talampakan ko dahil sa pamamanhid. Tinaas ko rin ang kamay ko at nakisabay sa kanila sa paghingi ng saklolo.

"Tulong!" 

Kanina pa ako nanghihina, para bang hindi na dumadaloy ang dugo ko sa katawan. Lumapit pa ako ng konti sa dulo ng bubong. Bahagyang nanginginig iyon. Patuloy din ang pag-agos ng tubig ulan. Ilang sandali ay tuluyan ng nakalapit sa'min ang bangka. Huminto ako para habulin ang hininga ko. Pinanood ko kung pano nila isa-isang tulungan makababa ang mga tao. Mabilis ngunit maingat ang pag-galaw nila.

Ang iba ay nakikipag-unahang makasakay lang sa bangka. Hindi maiwasan ang tulakan. Sila na mismo ang bumababa sa bubong para tumalon sa bangka. Dahil sa desperasyon, kahit hindi na sila mismo nasa loob ng bangka kundi nakakapit lang sila sa gilid nito. Lahat kami ay gusto ng makaalis dito. Lahat kami ay gusto pang mabuhay. 

Nilingon ko ang ibang mga bata na nasa likod ko. Nakaupo lang sila sa sulok. Tinawag ko sila at agad na nilapitan.

"Halina kayo. May tutulong na sa'tim." Hinawakan ko ang kamay nila at tinayo. Binuhat ko ang isang pinakabata sa kanila. Sabay kaming naglakad sa may dulo ng bubong. Mahigpit ang hawak nila sa binti ko. Nanginginig din ang tuhod nila sa takot

Sakto ay may sumalubong agad sa'min na lalaki. Kinuha niya sa'kin ang mga bata at dahan-dahang binaba. May nakaabang din na isa pang lalaki sa baba upang saluhin ang mga bata. Nang makuha ay maingat niya iyong nilagay sa bangka. Nakita kong unti-unti na iyong napupuno. Baka hindi kami magkasya lahat. Marami pang kailangan ng tulong.

Sunod namang sinakay ang mga matatanda. Pinilit nilang ipagkasya ang sarili. Nakita ko si tatay na tinulungan ding makasakay ang mga kapatid ko. Tumingin siya sa'kin.

"Joyce! Sumakay ka na dito!" tawag niya

Tumango ako at lumapit sa kanya. Tumingin ako sa baba at nakaabang doon ang isang lalaki. Baba na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Ma'am, sir. Isa nalang po ang pupwede. Masyado na pong marami ang nakasakay sa bangka. Hindi na po kakayanin at baka lumubog kami dito," sabi niya. "H'wag po kayong mag-aalala, babalikan po namin agad kayo para tulungan. May paparating din po na mga kasama namin!"

"Ano?!"

Nagkatinginan kami ni tatay dahil sa sinabi niya. 

"Ilang oras po kaming maghihintay?!" nilakasan ko na rin ang boses ko dahil hindi na kami magkarinigan

"Mabilis lang po. Parating na po sila, h'wag ho kayong-"

Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil tinawag siya ng kasama niya. Tinalikuran niya muna kami para makipag-usap sa kanya. Tumingin ako sa bangka. Maliit lang iyon at wala pa sigurong bente ang kakasya.

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon