Special Chapter

29 1 0
                                    

#SOA_SpecialChapter

"Joyce?"

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Ismael at naramdaman ko nalang ang haplos niya sa braso ko.

"Hindi ka ba nilalamig diyan?" tanong niya sabay na isinuot sa'kin ang makapal na jacket

"Sanay na ko sa sobrang lamig at sa sobrang init. Lahat na ng kalamidad naranasan ko."

Kahit malakas ang ulan at kidlat galing sa labas ay hindi na ako nagulat pa. Nanatili ang paningin ko sa labas ng bintana. Hindi gulat ang nararamdaman ko kundi takot at awa sa mga taong nasalanta.

"Bukas, lalabas ulit ako para tumulong."

"We already donated and called for volunteers. Marami na rin tayong napuntahan kanina. Hindi ba't masyadong delikado na-"

"I'm a doctor Ismael. Public health ang kinuha ko. In times like this, I have to show up."

"You are Joyce. I'm just worried about you."

"Mas nag-aalala ako sa mga taong walang makain, matulugan, masaklolohan sa oras ng kalamidad at kahirapan. Hindi na tayo dapat pang umasa sa gobyernong korupt at walang pakielam sa taong bayan. Ito rin naman ang dahilan kung bakit pinili kong maging doktor. Nasa puso ko na ang maglingkod."

"And I'm here to support you Joyce. Sasama rin ako sa'yo bukas."

Tipid akong ngumiti. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Thank you."

"I love you Joyce."

"Mahal din kita."

Kumalas ako ng yakap. Nasilayan ko sa likod ang urn jar na nakapatong sa cabinet kung saan naka-cremate si nanay. Muling bumalik ang memorya ko mula noong unang beses kong naranasan ang pinaka-matinding bagyo na dumaan sa aming bayan. Kung paano ko iligtas si nanay. Kung paano namin iligtas ang isa't isa. Mga panahong hindi namin naramdaman ang tulong mula sa taas. Para bang bumalik sa'kin lahat ng pagod at sakripisyo.

"Joyce. Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Ismael. Hinanap niya ang mga mata ko

"O-okay lang. May naalala lang ako."

"You look tired. Let's rest."

"Alam mong hindi rin ako makatulog kapag ganito," sagot ko. "I'm sorry. Mauna ka na."

"I wouldn't be able to rest too then. Kailangan din nating magpahinga para matulungan natin ang mga tao."

Bumaba ang paningin ko sa sahig. "I know. I'm sorry. Matulog na tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming dumiretso sa kama

"I woke up because I couldn't feel you next to me. Akala ko kung saan ka nagpunta," sambit niya pagkahiga namin

"Hindi lang talaga ako makatulog sa lakas ng ulan...at sa lakas na rin ng tulong ng tao."

"Mm-hmm. Nanaginip din ako."

Lumapit ako lalo sa kanya at kinumutan ang katawan namin.

"Anong napaginipan mo?"

Madalas ako ang nanaginip sa'min at hindi iyon maganda dahil lagi akong umiiyak o di kaya nagkakaro'n ng panic attacks. Laging nariyan si Ismael para pakalmahin ako. Siya rin ang kasama ko lagi kapag may therapy session ako. Maski siya ay ininyayahan ko na magpa-check up din. Ayokong maging pabigat sa kanya. Marami na siyang natulong sa'kin at pakiramdam ko ay nadamay siya sa mga trahedyang nangyari sa buhay ko.

"Remember when I told you my dad wanted me to enter politics? Napaginipan kong tumakbo ako at nanalo," panimula niya sabay mapait na ngumiti

Tahimik akong nakikinig sa kanya. Nakapatong ang kamay ko sa dibdib niya at sabay hinahaplos niya iyon.

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon