#SOA24
Matapos ang pinsala na dinulot ng sunog sa bayan namin ay nahirapan kaming makabangon. Mabuti nalang ay nakarating din sa wakas ang bumbero at tuluyang humupa ang apoy. May parte sa bahay namin ang nasunog pero buti ay naagapan at hindi tuluyang kinain ng sunog ang bahay namin kung hindi wala kaming tirahan. Sa kasamaang palad ay may ilan sa'min ang sugatan at nadisgrasya kaya sinugod sila agad sa ospital. Nagawa naming iligtas ang bawat isa.
Iginaya ko ang paningin sa paligid. Magulo at nakakalat ang mga sirang gamit. May ilan silang naisalba. Ang bahay ng isa naming kapitbahay ay gumiba. Nakatingin sila doon at dinamayan ang may ari no'n.
Unti-unti nang humupa ang usok pero amoy ko pa rin iyon. Kulay abo ang paningin ko. Hindi ko napansin na inabot na kami ng umaga ngunit ang pagsalubong namin sa araw na ito ay batid hindi maganda sa dulot ng pinsalang ito.
Tumingin ako sa bahay namin. Nasa labas ang mga kapatid ko katapat no'n. Agad ko silang nilapitan.
Napatingin sila sa'kin. "Ate."
Chineck ko ang kondisyon nila kung may sugat bang natamo. "Kamusta kayo? May masakit ba sa inyo?" nag-aalala kong sabi
Umiling sila. "Wala ate. Okay lang kami...pero pano yung bahay natin?"
Nilingon ko ang bahay namin. Nakita ko si tatay sa loob kaya naman ay pumasok din ako. Medyo nagulo ang mga gamit namin. Inaayos ni tatay ito, tinatayo ang mga natumbang gamit. Medyo basa din ang sahig. Tumingin ako sa pader sa kaliwa at nakitang sunog iyon. Nilapitan ko siya para tulungan. Sabay naming inangat ang kabinet.
"Dahan-dahan tay, baka bumigla ang katawan ninyo," sabi ko
Huminto siya at hinabol ang hininga. Pinunasan niya rin ang pawis sa noo niya. "Mabuti nalang ay naisalba pa ito. Mahal din ang bili dito."
"Mabuti ay ligtas tayo tay. Paano po ba nagsimula ang sunog?"
"May naiwan atang nakabukas na kalan iyong kapitbahay natin, kaya ayun."
Tinalikuran niya ako at hinarap ang pader naming nasunog. Mahuna ang bahay namin lalo't na gawa ito sa kahoy. Hinawakan niya iyon. "Naku, kailangang ipaayos ito. Ang pangit na tignan ng bahay."
"Wala naman tayong pang-ayos diyan tay."
"E 'di ako ang mag-aayos."
Bumuntong hininga ako.
Umupo siya para pulutin ang ibang nasirang gamit. "Ang nakakalungkot lang ay may ilang importanteng dokumento ang hindi na nailigtas. Kabilang na din doon ang naipon kong pera," bakas ang panghihinayang sa boses niya
Tumingin ako sa sahig at pinulot ang ilang papel doon na nabasa. Sunog din iyon. Mga dati kong projects sa school.
"Kailangan mo pa ba 'yan?"
Umiling ako at tumingin kay tatay. "Hindi na tay. Luma naman na ito."
Nagpatuloy na kami sa paglilinis. Nanghinayang kami dahil marami din kaming nawalan na gamit. Naalerto ako nang maalala si nanay. Hinanap ko ang banga kung saan ang katawan niya naka-cremate. Nakahinga ako ng maluwag pagkakita na nakapatong pa rin iyon sa kabinet. Nilapitan ko iyon at hinawakan para icheck.
Pumikit ako at niyakap iyon. "Mabuti nalang nay, ligtas ka."
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong pumasok ang mga kapatid ko. Bakas ang lungkot sa mata nila pagkakita sa bahay. Nilapitan ko sila at sinubukang patatagin ang loob nila. Nagtulungan kaming maglinis pagkatapos. Hindi naging madali pero naalala ko na ganito rin ang sitwasyon ng iba naming kapitbahay. Mas malala pa nga dahil tuluyan silang nawalan ng tirahan, namatayan pa.
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
