A.L.V

111 3 0
                                    

#SOA_LEON

Hindi ako naniniwala sa salitang paalam..

Kaya siguro noong iniwan ako ng mga magulang ko sa bahay ampunan ay akala ko babalik sila. Akala ko babalikan nila ako.

Ngunit nabigo ako.

Iyon na pala ang huli nilang pamamaalam.

Nagdaan ang ilang buwan, may mabuting samaritano na kumupkop sa'kin at iyon ay si Auntie Miriam.

Hulog ng langit sa'kin noong nakilala ko rin si Joyce.

Magmula no'n, nakayanan ko labanan lahat ng bagyo na dumating sa buhay ko.

"Joyce. May sasabihin sana ako sa'yo.." panimula ko

Unti-unti niyang inangat ang paningin sa'kin. "Ano iyon?"

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. "Matagal ko na itong gustong aminin sa'yo pero wala akong lakas ng loob. Sana walang magbago sa'tin kapag sinabi ko na sa'yo ito."

Humakbang siya palapit sa'kin. "Oo naman."

Huminga ako ng malalim. "Matagal na akong may gusto sa'yo Joyce. Mahal kita."

Umawang ang labi niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kinabahan ako sa reaksiyon niya. Hindi agad siya nakasagot kaya naisip ko na baka nabigla ko siya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. "Mahal din-"

"Leon! Gumising ka na diyan aba malalate ka na sa school."

Napa-ungol ako at tumagilid sa kama. Nagulat ako noong bigla akong nahulog. Tuluyan na akong nagising. Bumukas din ang kurtina sa kwarto ko at tumambad doon si Auntie Miriam.

Napakamot siya sa ulo niya. "Naku kang bata ka. Kanina pa kita tinatawag. Nasa kama ka pa rin?"

Agad kong tinaklob ng kumot ang sarili. "Auntie naman! Panira ng panaginip. Andun na kami e."

"Anong pinagsasabi mo diyan? Gumising ka na nga sabi!" lumakas lalo ang boses niya. Sanay na ko na halos nabingi na ako sa boses ni Auntie na mas malakas pa sa tilaok ng manok

"Aray ko Auntie. Hindi ata ako makakapasok ngayon. Sakit ng katawan ko," pag-iinarte ko, sabay pikit at namulupot sa kama na parang uod na binudburan ng asin

Lumapit siya sa'kin at mahina akong sinipa sa paa. "H'wag kang mag-inarte diyan. Tumayo ka na riyan."

Nanatili ako sa sahig. Pumikit ako at nagtulogtulugan.

"Leon. Kapag hindi ka pa kumilos diyan, tsitsinelasin kita."

Hindi ko napigilang matawa kay Auntie. Pagkadilat ko ay nanlaki ang mata ko pagkakita na may hawak na siyang tsinelas. Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Tinakpan ko rin ng unan ang sarili bilang shield.

"Eto na po Auntie. Sorry na," ngiti kong sabi

Napailing siya at lumabas na ng kwarto. Hinagis ko ang unan sa kama ko at tumayo na. Naalala ko bigla ang eksena sa panaginip ko. Hindi ko na maalala ang huling sinabi sa'kin ni Joyce dahil bigla akong nagising sa boses ni Auntie.

Napakamot ako sa ulo ko sa inis. "Tsk! Panaginip lang pala. Bad trip."

Tumingin ako sa oras at nanlaki ang mata ko sa gulat pagkakita na alas syete na pala ng umaga. Late na late na ako!

Dumiretso na ako sa banyo. Nakita kong wala kaming ipon na tubig. Binuksan ko ang lababo at mahina lamang ang tulo ng tubig. Mahina akong napamura. Nag-ipon ako ng tubig hanggang mapuno ang isang tabo. Pinagtiyagaan ko yun. Hindi na ako naligo dahil siguradong malalate ako at kapag late, hindi ako papapasukin sa school.

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon