Wakas

170 3 0
                                    

#SOAWAKAS

"Doktora Rongavilla!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin na colleague ko na si Jillian. Natakbo siya palapit sa'kin. Huminto siya sa harapan ko at hinabol muna ang hininga.

"Oh, bakit? Anong problema?"

"May pasyente po sa operating room. Kailangan na po siyang operahan. Ang kaso, hindi po namin mahanap si Dr. Nofuente. Pwede po bang kayo na muna mag-handle nung pasyente?"

Tumango ako. "Okay sige. Ako na muna. Asaan na ba siya?"

Sabay kaming naglakad at iginaya niya ako papunta sa operating room. Nag-suot na rin ako ng bouffant, gloves, at mask. Ilang sandali ay huminto kami sa tapat ng operating room. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa loob.

"Dr. Rongavila. Mabuti nandito na po kayo. Magsisimula na ang operation," salubong sa'kin ng assistant doctor. Kasama din niya ang tatlong nurse

Lumapit na ako sa lalaking pasyente na nakahiga sa kama, walang malay. Binigay sa'kin ng isang nurse ang folder tungkol sa pasyente.

"May tama po ng bala malapit sa right upper abdomen niya. Kritikal na po ang kondisyon niya."

Tumango ako at tinignan sila. "Magsimula na tayo."

Nagkatinginan sila bago tumango. Naka-handa na sa harapan ko ang mga medical equipments na gagamitin. Naka-bukas na ang abdomenal area ng pasyente kung saan expose ang laman loob niya. May mga tubo doon na nakasaksak para patuloy na dumaloy ang dugo. 

Niliwanagan ko ang ilaw para mas makita. Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang scalpel at nagsimulang mag-opera.

Makalipas ang mahigit dalawang oras sa operating room ay natapos din kami. Sabay-sabay kaming lumabas, pagod na pagod. 

"Salamat doc," ngiting sabi sa'kin ng assistant ko na si Rachel

Tinapik ko ang likod niya. "Salamat din. Salamat sa inyong lahat. Great job," puri ko sa kanila

"Thank you rin po Dr. Rongavilla. Kung hindi po dahil sa tulong niyo ay malamang hindi po namin maliligtas ang pasyente."

Lumambot ang puso ko sa sinabi niya. "Naging posible iyon dahil sa teamwork natin."

Ilang sandali ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Nilapitan ko naman ang mga kamag-anak na pasyente na naghihintay sa labas ng operating room. Napatayo sila pagkakita sa'kin.

"Doc. Kamusta po ang kalagayan ng asawa ko?" nag-aalalang tanong ng asawa. Bakas ang tuyong luha sa mga mata niya

"The operation was successful po although there are few procedures that we must undergo. Rest assured po na ligtas na po siya. Ilang oras po ay magkakamalay na siya."

Napapikit sila at nakahinga ng maluwag. "Salamat sa Diyos. Maraming salamat din po doc," mangiyak-ngiyak niyang sabi. Hinawakan niya rin ang kamay ko

Ngumiti ako. "Walang anuman po."

Lumapit ang iba niyang kasama at nagpasalamat din sa'kin. Tagos sa puso ko ang walang sawa nilang pasasalamat. Ilang taon na akong doktor ngunit hindi pa rin ako sanay. 

"You're welcome po."

Nagpaalam na ako sa kanila pagkatapos ay dumiretso na sa opisina ko. Hinubad ko ang coat ko at sinabit sa maliit na sampayan sa tabi ng lamesa ko. Umupo ako sa upuan katapat ng lamesa ko. Sumandal ako at pumikit. Ramdam ko ang pananakit ng likod ko. Maski ang daliri ko sa kamay at paa ay namanhid dahil sa ilang oras na nakatayo.

Umayos ako ng upo at lumapit sa lamesa ko. May mga folders doon at patong patong mga papel. Binuksan ko iyon at nagsimulang pirmahan ang ilang dokumento. Hinubad ko ang salamin ko at kinusot ang mata pagkatapos. 

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon