01

286 9 1
                                    

#SOA01

"Dalawa ang nasawi matapos magasa ang flashflood sa Tinubdan falls sa Cebu. Kung makikita ninyo ay kulay putik ang bumulaga sa residente na nagpapapresko at nagpipicnic. Kabilang sa insidente ay naipit ang labing pitong taong gulang na lalaki na sinubukang sagipin gamit ang lubid. Inanod din sa tubig ang mag-ina na habang ang isang batang babae ay patuloy pa ring hinahanap--"

Iyon ang pagkarinig ko pagkababa sa sala namin para ako'y magalmusal at pumasok sa paaralan. Nakita ko si tatay na nanonood ng Umagang kay Ganda sa telebisyon habang ang mga kapatid ko naman ay nasa maliit naming hapag-kainan.

"Hays, nagloloko nanaman itong TV natin," reklamo ni papa sabay tingin sa'kin. "Oh, Joyce. Anong oras na. Malalate na kayo ng kapatid mo sa eskwela. Hindi ka pa nag-aalmusal."

Napakamot ako sa ulo ko at agad na umupo sa tabi ng kapatid ko na si Janna. "Sorry pa. Napuyat kasi ako. Tinapos ko pa kasi yung project namin sa Filipino," sagot ko sabay subo ng pandesal. Mabilis ko iyong nginuya at nilunok. Binigyan naman ako ng tubig ni Cielo dahil muntikan akong mabilaukan kamamadali.

"Ate. Dalian mo. Tapos na kami. Malalate na tayo," si Lucia na ngayon ay nakatayo na habang nag-aabang sa'min

Tumingin ako kay papa na ngayon ay hinahampas ang TV dahil nawalan ng cable. "Tay, hindi niyo ba kami mahahatid ngayon?"

"Ginagawa ko pa yung makina ng jeep. Nasira eh. Mamayang hapon pa ako mamamasada."

Napabuntong hininga nalang siya at napakamot sa ulo bago bumalik sa pagkakaupo. Napansin kong malapit na rin masira ang upuan namin na gawa lamang sa kahoy. "Tay, mag-ingat kayo diyan sa upuan. Mukhang bibigay na rin."

Bigla siyang napahawak roon. "Ha? Pero kakaayos ko lang nito nung isang araw. Mahuna na talaga."

"Eto nga rin pong upuan na inuupuan ko, malapit nang bumigay," sabi ko sabay uga ng konti ang upuan

"Baka tumaob ka bigla ate!" pang-asar ni Cielo

"Ayusin ko nalang pag-uwi ko pa."

"Pati nga rin yung bubong natin eh, may maliliit na butas na. Tumutulo na yung tubig kapag naulan. Pinalitan ko na yung timba dahil puno na," sabi niya sabay turo sa timba sa gilid. Tumingala naman ako sa kisame namin.

"May bagyo ba pa na paparating?"

"Wala naman sa ngayon. Habagat lang. Makulimlim naman ngayong umaga."

"Ah! Ate. May ipis!"

Nagulat kaming lahat sa boses ni Janna na biglaan niyang pagsigaw. Napatalon si Cielo sa upuan niya gano'n din si Lucia.

"Saan?! Hoy!"

"Ayun yung ipis!"

Agad akong tumayo at hinanap sa sahig. Mabilis rin akong kumuha ng tsinelas. "Saan?"

"Ayun! Papunta na sa ilalim ng-"

"Huli ka!" sabi ko at hinampas ng tsinelas ang ipis

"Nahuli mo ate?"

Palihim akong ngumiti. "Oo. Akala niya makakatakas siya ah."

"Ate! Tsinelas ko nanaman yung ginamit mo," rinig kong sabi ni Cielo

"Pasensiya eh yun yung una kong nadampot. Kaysa naman makawala itong ipis. Ang dami na nga nito sa'tin." Gumamit ako ng walis at winalis ang ipis palabas ng bahay namin

"Hindi lang ipis ate kundi daga, butiki, mga lamok pa. Wala silang pinipiling panahon pero madalas nga sila'y lumalabas tuwing tag-ulan."

"Pahirapan nanaman tayong matulog nito."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon