#SOA04
"Joyce, mukhang malalim ang iniisip mo ah," sabi sa'kin ng kaibigan kong si Lory. Tumabi siya sa'kin sa ilalim ng puno. P.E. namin ngayon at ang iba naming kaklase ay nagpapractice ng sayaw dahil may project kami.
Napatingin ako sa kanya. "Ha? Wala. Iniisip ko lang kung anong ireregalo ko kay Leon. Malapit na kasi birthday nun e."
"Oo nga pala, birthday na ng bespren mo. Yiee! Kaya pala kanina ka pa dito nakaupo lang, mukhang nag-aalala na ewan dahil pala kay Leon," pang-aasar niya sabay siko sa'kin. Umiinom din siya ng zesto na orange flavor.
"Tsk. Ano bang pwedeng iregalo?"
Tumingin siya sa puno na parang nag-iisip ng malalim. "Hmm, ano ba pwede? Kayo close e. Ano bang gusto niya?"
"Hindi ko nga rin alam e. Hindi naman kasi siya materialistic na tao. Nung nakaraang birthday niya ay nilbire ko lang siya, masaya na siya e. Syempre ngayon, maiba naman." Tumungo ako at pinitas pitas ang damo sa sahig
"Bagong bag siguro kailangan niya. Pansin mo mga nakaraang araw ay pumapasok siya ng walang dalang bag. Lapis lang ata."
"Bihira lang din kasi yun pumasok e, kapag trip niya. Nakikita ko yun minsan tumatambay sa computer shop o kaya nasa traba-" huminto ako dahil ayoko niyang malaman ang impormasyon na yun. "Uh, pinagsasabihan ko naman din. Alam mo naman, minsan matigas ang ulo. Hindi nakikinig sa'kin."
Marahan siyang tumawa. "Magtanong ka rin sa mga tropa mong lalaki. Baka mabigyan ka nila ng ideya."
Bumuntong hininga ako. "Naku, hindi rin sila matinong kausap," sabi ko. "Bahala na. Practice na muna tayo sa P.E. Importante rin grades ko 'no." Tumayo na ako pagkatapos at pinagpagan ang jogging pants ko. Gano'n din ang ginawa niya. Sabay na kaming pumunta sa gitna. Kumunot ang noo ko sa sobrang sikat ng araw.
"Nga pala, asaan na nga ba sila?" tanong ko habang kami ay nagwawarm-up. Napansin kong wala ang mga tropa ko na sina Sebastian, Tristan, Remy, Xavier, at si Leon
"Yung boys?" lumingon si Lory sa paligid. "Kanina andito lang sila ah. Saan napunta-"
"Ayun, may ginawa nanamang kalokohan. Nasa office," biglang sumulpot ang isa pa naming kaklase na si Monica. Nakisabay siya sa'min mag-warm up
"Ano nanamang ginawa?"
"Hindi raw kasi sila nagpapractice. Nagdala itong isa ng bola pang-basket ball tas yung isa raw naconfiscate yung selpon. Nagawa pang mantrip ng titser," paliwanag niya
Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa noo ko. Inayos ko rin ang tali ko sa buhok, gamit ko iyong panali na binigay sa'kin ni Leon. Umupo rin ako para tupiin ang jogging pants ko hanggang tuhod, pati na rin ang manggas ng puti kong P.E. uniform. Mas malala ako kung pawisan kaya naiirita ako sa init ngayon. Kanina pa tuyot ang lalamunan ko, uhaw na uhaw sa malamig na tubig.
"Naku beh, paktay tayo niyan, baka sermonan nanaman ulit section natin," wika ni Lory
"Yung boys naman kasi kadalasan yung gumagawa ng gulo. Ang kukulit kasi."
"Hoy, practice na! Tama na daldalan," sigaw ng lider namin sa group na si Kelsey
Tumahimik na kami sa pagdaldalan at sumunod sa kanya. Pagkatapos ng P.E. namin ay dumaan ang lunch break. Magkakatabi kami ng girls.
"Joyce. Di ba, matagal na kayong bestfriends ni Leon?" tanong ni Mika
"Oo."
"May naging jowa na ba siya? May iba siya ritong nilalanding girls."
"Malandi talaga yun," sabi ko at marahang tumawa. "Hindi naman nagtatagal yung mga nakakausap niya."
Tumango siya. "Ahh, akala namin kasi may 'kayo' kasi super close niyo sa isa't isa. May chance ba?" pang-aasar niya
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
