#SOA21
"Joyce. Asaan ka na? Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni tatay sa'kin sa kabilang linya. Kausap ko siya ngayon sa telepono
Kinagat ko ang kuko ko sabay upo sa kama. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko sa mansyon. Kakatapos lang ng trabaho ko ngayong araw. Hindi ko namalayan na gabi na. Tumingin ako sa oras at mag-aalas dose na. Ni walang alam si tatay sa trabaho ko ngayon. Malamang labis na ang pag-aalala niya sa'kin.
Gusto ko na rin sanang umuwi kaso mukhang tulog na ang mga tao at hindi ako nakapagpaalam kanina. Isa pa ay delikado na rin sa labas at hindi ko alam kung may masasakyan ako pauwi. Hindi ko pa kayang harapin si tatay.
"Uh, ano kasi tay, nasa bahay po ako ng kaklase ko. May tinatapos pa kaming group project. H'wag kang mag-alala tay, kasama ko si Leon. Pwede bang dito muna ako matulog?" napalunok ako sa kaba
"Ano? Hindi pwede. Umuwi ka na. Saan ba 'yan? Susunduin nalang kita-"
Napatayo ako sa kama sa gulat. "Ay naku, h'wag na tay! Uh, pauwi na pala ako. Magpapaalam lang po ako."
Nakalipas ang ilang segundo ay hindi siya sumagot. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Sa huli ay pumayag siya at binaba ko na ang tawag. Napapikit ako ng mariin. Iginaya ko ang paningin sa kwarto. Kinuha ko iyong damit na sinuot ko kanina pagpunta rito at mabilis na nagbihis. Inayos ko na rin ang gamit ko. Sinigurado ko na malinis ang kwarto bago ko iyon iwan.
Pagkalabas ko ay tumingin ako sa paligid. Halos wala akong makita dahil madilim na. Di makabasag pinggan ang katahimikan. Nagsimula akong maglakad at hinanap ang pinto palabas. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil may takot ako sa dilim pero mas takot ako na baka makasira ako ng gamit o kaya makabasag. Ginamit ko ang phone ko bilang flashlight.
Napahinto ako nang makarinig ng mahinang ingay galing sa kanan ko. Tumingin ako roon at nakitang bukas ang glass door sa labas patungong backyard. May konting liwanag din galing doon. At dahil hindi ko makita ang pinto palabas ay doon ko nalang naisip na lumabas. Halos pigilan ko ang paghinga ko, hindi lang makalikha ng ingay. Pagkalabas ay unti-unti ko namang sinara ang pinto.
Aalis na sana ako pero laking gulat ko nang makita ang isang tao na nakaupo sa lamesa kasabay no'n ay bigla akong may natamaan na bagay sa tabi ko ko. Nahulog iyon sa lapag at nakalikha ng ingay. Napaatras ako at tinignan iyon. Isang vase iyon na mukhang galing pang ibang bansa.
"Who's there?"
Napatingin ako sa harap dahil sa boses na nagsalita. Napalingon sa'kin si Ismael na may halong pagtataka. Nang mamukhaan ako ay unti-unti siyang tumayo. Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Oh...it's you."
Humigpit ang hawak ko sa bag ko. "Uh, sorry po. Hindi ko sinasadya na-" nauutal kong sabi at tumingin ulit sa nabasag na vase. Pupulutin ko sana iyon pero pinigilan niya ako
"Don't touch it. Are you stupid? Gusto mo bang masugatan?"
Dahil do'n ay tumuwid ako ng tayo. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Binasa niya ang pang ibabang labi niya at seryoso akong tinignan mula ulo hanggang paa.
"Just leave it there," tamad niyang sabi. "Why are you still awake? Tapos na trabaho niyo 'di ba?"
"Oo at kailangan ko ng umuwi."
Ipinilig niya ang ulo niya ng konti. "Walang nakakauwi rito."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya na may halong pagtataka.
Biglang sumilay ang ngiti sa labi niya. "I'm just kidding. The maids usually sleep here. They have to ask permission to papa if they will go home to keep us informed."
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
