25

90 2 0
                                        

#SOA25

"What? Our trip is cancelled?!" bulyaw ni Ismael habang kumakain silang pamilya ng tanghalian sa hapag kainan. Bumuntong hininga siya at napailing, halata ang iritable sa mukha niya

"I'm sorry to say but yes. It's for our own safety. Don't worry. Let's just re-schedule," sabi ni Sir Javier

"Can we just leave early?" dagdag ni Ismael na inis pa rin

"We can't. Our schedule is tight. May trabaho pa kami ng mommy mo."

Sumalampak ulit siya sa upuan niya. Nagsalin ako ng tubig sa baso niya. Gano'n din ang ginawa ng ibang katulong sa ibang miyembro ng panilya. Mabilis niyang naubos ang tubig. Humigpit din ang hawak niya sa baso.

"Alam niyo naman na may paparating na bagyo 'di ba? Other flights are going to be cancelled as well. We can't take the risk. I know you've been waiting for this for so long but there's nothing we can do about it. Let's look at the brighter side, hindi ba't nagsuspend na ng klase?' sabi ng mama nila. Medyo mas strict siya kaysa sa papa nila

"Yes mom. Earlier this morning, my school announced that classes are suspended," sabi ni Isabela na halatang naghihinayang din. "I understand pero sayang kasi mom."

"How about you Ian?"

Tumingin ako kay Ismael na ngayon ay wala ng gana kumain. "Classes are suspended as well."

"Good. Take this time for you to rest. You should still be happy. We can have our family bonding. We can go to our rest house in Laguna. Pwede tayong doon magbakasyon. What do you think? You can suggest," dagdag ng papa nila

"That's great dad!" masayang sabi ni Isabel

"I'll pass," tamad na sagot ni Ismael

"Why? Do you have other plans son?"

"Got cancelled."

"Sa'kin din kaya," singit ni Isabel. "May gala din kami ng friends ko. Mom, it's my bestfriend's birthday too. May swimming sa resort nila. Can I still come? Please?"

Humalakhak si Ismael. "You wish. Damay damay tayo dito."

Masama siyang tinignan ng kapatid niya.

"No Isabel. We already talked about this, right?"

Napatingin siya sa mama niya. "But-"

"I said no."

Dahil do'n ay tumahimik na siya. Tinignan niya ang papa niya para humingi ng tulong pero nabigo siya. Isang salita lang pala ng mama nila ang katapat nila. Pinagpatuloy nila ang pagkain.

"By the way, lumabas na ba ang grades niyo? Can I see?" tanong ng mama nila

Nagkatinginan silang magkapatid, hindi alam kung sino ang unang magbibigay. Sa huli ay nauna si Isabel. Inabot niya ang card sa mama niya at binuksan iyon upang tignan.

"Well done Isabel. Keep up the good work," binigyan niya ng tipid na ngiti ang anak. Kinuha rin ng papa niya ang card niya

"Thanks mom."

Sunod niyang tinignan si Ismael. Tahimik niyang binigay ito sa mama niya. Hindi ko alam kung confident o kinakabahan ba siya dahil blanko lang ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ian. Your grades are fine...but not enough for a Dean's Lister. Ayaw mo naman matanggal 'di ba?" sabi ng mama niya

"Yeah..."

"Then I'm sure you can do better son. Baka kung kailan graduating ka ay doon ka pa sumablay." Pagkatapos tignan ay binalik niya na rin ang card sa anak niya

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon