#SOA17
"Naka-magkano ka?" tanong ng kapatid kong si Cielo sa'kin matapos kong mag ukay-ukay. Tinulungan niya akong magligpit, pati ang ilan kong mga kapitbahay ay tumulong din. Inabot na kami ng gabi
"Siyam na raan. Malaki-laki na rin," sagot ko
"Bakit mo naman naisipan mag ukay-ukay?"
"Syempre para kumita ng pera."
"Biglaan kasi."
"Sinubukan ko lang din naman. Muntik pa nga akong maaksidente," napabuntong hininga nanaman ako nang maalala ang nangyari kanina. Hindi mawala sa isip ko kung sino ba ang tangang driver sa loob. "Pero eto, buhay pa naman."
Umupo kami sa bench sa labas ng bahay. Nilabas ko ang pera sa maliit kong bag at nagsimulang bilangin ulit.
"Akalain mo may mga gamit tayo na pwede pala ibenta."
"Ang dami kaya nating tambak sa bahay kaya ang dumi dumi lagi ng bahay e. Tinapon ko na rin naman yung talagang sira na, yung mga nginangat ngat na ng daga at ipis. May ilan nga kayong damit don na butas butas na. Binenta ko yung mga luma na."
"Naubos mo ba lahat ng paninda mo ate?"
"Meron pang tira pero konti nalang. Kapagod din pala.."
Hinagod niya ang likod ko. "Dapat tinawag mo rin ako para ako pumalit."
Tumingin ako sa kanya. "E 'di walang naging benta."
"Grabe, syempre gagabayan mo rin ako. Assistant lang kumbaga."
Ngumiti ako. "Sa susunod. Syempre baka may schoolworks ka rin na gagawin. Isa pa, sinong magbabantay ng bahay. May sakit pa si Lucia."
Yumuko siya. "Gusto ko pa rin tumulong."
"Malaki ang naitutulong mo sa'kin Cielo. Hindi man ako bukal na tao pero naappreciate ko pa rin ang efforts mo. Sadyang ang dami ko lang iniisip."
Dahan-dahan siyang tumango.
Kumuha ako ng isang daan at binigay sa kanya. Namilog ang mata niya sa gulat.
"Baon mo sa school. Mag-aral ka lagi ng mabuti. Iwas sa gulo. Naintindihan mo?" malumanay kong sabi
Umawang ang labi niya. Sa loob looban niya ay alam kong natuwa siya nang bigyan ko siya ng baon dahil madalas ay wala siya no'n.
"Salamat ate. Ang laki naman," nahihiya niyang sagot
Ginulo ko ang buhok niya. "Isang linggo mo na 'yan."
Humalakhak siya. "Thankful pa rin ako. Ipunin ko nalang siguro ito."
Tumango ako. Binalik ko na ang pera sa loob ng bag ko. Nakita namin ang jeep ni tatay na paparada na malapit sa bahay namin.
"Andyan na pala si tatay."
Tumayo na kami at sinalubong siya.
Kahit papaano ay masaya ako na may kinita ako ngayong araw. Hindi tiyak pero sapat na manatili pa kaming buhay sa mga susunod na araw.
***
"Nakapagtataka Miss Rongavilla, ikaw ang isa sa mga top students dito pero bakit ito lang ang grado mo sa'kin? Ang baba kumpara nung nakaraang quarter," sabi ng teacher ko na si Sir Reyes. Sa subject niya lang ako mababa dahil aaminin ko na nahihirapan akong intindihin ang tinuturo niya o baka ako lang talaga ang problema
Tumingin ako sa card ko na nakapatong sa lamesa. "Uh, sorry po Sir. Bawi nalang po ako next quarter."
"Marami ka na nga ring absents e, according sa adviser mo. Mahalaga sa'kin ang attendance at binabase ko rin iyon sa grade niyo."
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
Genel KurguYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
