#SOA10
"Kamusta po si Leon?" tanong ko pagkapasok sa kwarto nila. Nakita ko si Auntie Miriam na nakaupo sa tapat ng kama ni Leon habang ang kaibigan ko ay nakahiga sa kama. Nang mahimatay siya ay tinulungan ako ng isang kapitbahay at dinala siya rito. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa nangyari. Wala pa ring malay si Leon.
"Nagamot ko na ang mga sugat niya. Salamat Joyce," matamlay na sagot ni Auntie Miriam. Binaba niya ang tabo na naglalaman ng tubig at bimpo. Bumuntong hininga siya habang nakatingin kay Leon. "Sino kayang may gawa sa kanya nito? Hindi kaya't napaaway lang siya? Hays, kung ano ano kasi pinagkakaabalahan e, ayan tuloy, napahamak."
Kahit na may halong inis at galit siya sa sinapit ni Leon ay ramdam ko ang labis niya pa ring pag-aalala. Kahit na hindi niya ito sariling anak ay turing niya na si Leon bilang isa. Ang pagsasamahan nila ay
"Kamusta naman ba si Leon sa iskul?"
Napatingin ako sa tanong niya. "Po? Uh.." napahinto ako dahil naalala ko ang naging away ng tropa ko kanina sa mga lalaki sa kabilang section. Kung ikekwento ko sa kanya ay baka pagalitan niya si Leon. Hindi dahil sa pinagtatakpan ko siya sa maling ginawa niya kundi hindi ito ang tamang oras lalo na sa sitwasyon ng kaibigan ko. Kailangan niya ng karamay at suporta.
"Joyce. Alam kong kayong dalawa ang malapit sa isa't isa. Mas kilala mo rin siya kaysa sa'kin."
"Marami naman pong nakakakilala kay Leon. Mas lalo na po kayo na nagpalaki at nag-aruga sa kanya," sagot ko. "At mabait na estudyante at kaibigan po si Leon. Minsan ay pasaway, ayaw mapagsabihan, at may araw na hindi siya napasok po."
Unti-unting bumaba ang paningin niya sa sahig. Nakayapak lang ako at ramdam ko ang ligasgas ng sahig ng bahay nila hudyat na matagal ng hindi nalilinis.
"Wala naman ba siyang ginagawang...alam mo na."
Napakurap-kurap ako. "Wala naman po," sabi ko at tipid na ngumiti
"Minsan kasi si Leon ay mahilig magsarili. Wala sa ayos. Basta basta nalang gumagawa ng bagay na baka ikapahamak niya. Mahilig siyang sumubok e na hindi pinag-iisipan muna ng mabuti. Iyon ang inaalala ko. Baka sumobra. Baka kung saan siya dalhin nito."
Binalingan ko ulit si Leon. Muli akong nakaramdam ng awa. Naisip ko rin ang sinabi ni Auntie Miriam. Alam kong nag-aalala lang siya na mapariwara si Leon. "H'wag po kayong mag-alala. Binabantayan naman po namin ang isa't isa."
Napatungo siya, bakas ang lungkot sa mukha. "Hindi ko na rin alam ang gagawin ngayon na nanakawan kami. Noong kinupkop ko si Leon ay alam kong hindi ko siya mabibigyan ng magandang buhay ngunit hindi iyon naging problema sa kanya. Nagawa niya pa ring tanggapin. Di bale ng mamuhay sa hirap basta may maitatawag siya ulit na pamilya niya. Araw-araw ay pinipili niyang maging masaya."
Tipid akong ngumiti. "Iyon din ang nagustuhan ko sa kanya. Nagagawa niya pa ring ngumiti kahit hirap na pero masakit sa parte ko kapag ganito. Baka sumobra. Baka hindi niya na pala kaya. Gusto ko siyang matulungan."
Nagtama ang mata namin. "Ikaw lang din ang pinagkakatiwalaan niya."
Huminga ako ng malalim at niyakap ang sarili. Tumayo si Auntie at nagpaalam muna sa'kin para magligpit. Ngayon ay natira kaming dalawa ni Leon. Naglakad ako palapit at umupo sa tapat ng kama niya. Nakatingin lang ako sa maamo niyang mukha. Mamula mula ang mukha niya dahil sa sugat na natamo. Humilig ako ng konti para ayusin ang kumot niya nang bigla kong naramdaman ang paggalaw niya. Napatingin ako sa kanya. Unti-unting bumukas ang mata niya.
Umawang ang labi ko. "Leon.."
Hindi nagtagal ay nagtagpo ang paningin namin. Hindi pa niya mabuksan ng maayos ang mata niya. "J-joyce?"
BINABASA MO ANG
Storms of Affliction (Youth Series #5)
General FictionYOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she became the breadwinner of the family and now has a huge responsibility on her shoulders. She works...
