18

64 1 0
                                        

#SOA18

Dumaan ang isang linggo bago ako pumayag sa trabaho na inoffer ni Marvin. Matagal ko iyong pinag-isipan. Wala rin namang mawawala sa'kin kaya gusto kong subukan. Hindi ko nga lang pinaalam sa pamilya ko. Baka hindi rin ako magtagal sa trabaho na iyon. Baka hindi ko magustuhan.

Tumingin ako sa card na hawak ko, iyong binigya ni Marvin pagkatapos ay inangat ang paningin maliit na building sa harapan ko. Gabi niya ako pinapunta. Mga alas nuwebe ng gabi. Tumingin ako sa relos ko, sakto lang ang dating ko. Nilabas ko ang phone ko para siya'y itext, pinaalam na nakarating na ako.

May ilang tao na ang pumapasok sa bar kaya naman ay hindi na ako nag aksaya ng oras at pumasok na rin bago pa magbago ang isip ko.

Sa una ay madilim pero pagkarating ko sa mismong loob ay may ilaw galing sa stage. May dalawang bakla na nagsasalita doon hawak ang mikropono. Hinid ko maintindihan ang sinasabi nila pero malakas ang tawanan ng audience. May mga lamesa din malapit sa stage. Unti-unti na iyong napupuno ng mga tao. May mga bago pang dating tulad namin.

"Joyce! Kakakita ko palang ng text mo. Mabuti ay nakarating ka."

Napatingin ako kay Marvin na sumalubong sa'kin. Nagulat ako at nanibago sa itsura niya. Halos hindi ko siya makilala.

Nakasuot siya ng puting sando na may star sa gitna, hapit na hapit yon sa katawan niya. Kapartner no'n ay kulay pink na pants at itim na boots na may heels. May makukulay na bulaklak na nakapalibot sa leeg niya. Mahaba at matulis ang kuko niya. Kulay pink diniyon. Makapal din ang make-up sa mukha niya at may suot din siyang itim at mahabang wig.

Natulala ako, hindi alam ang sasabihin. Tumawa lang siya.

"Ako ito Joyce. Alam kong naloka ka sa get up ko ngayon pero ako ito."

Napakurap-kurap ako. "Uh, bakit ganyan ang-"

"Ay, teka! Andyan na si madam. Halika at ipapakilala na kita," putol niya sabay hila ng kamay ko.

May tinawag siya galing sa likod namin. Sakto pagkalingon namin ay tumambad sa harapan ko ang isang matandang babae. Kinabahan na agad ako sa presensiya niya

"Madam, good evening. Kagaya ng promise ko, nakahanap ako. Ito nga pala, alaga ko. Si Joyce," pakilala ni Marvin

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Pinilit kong ngumiti. "Magandang gabi po."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Humalukipkip siya at hinithit ang sigarilyo niya. Pinigilan ko ang paghinga para hindi malanghap iyon. Ayoko ang amoy ng sigarilyo.

"Ilang taon na 'yan? Pumayag na ba siya?" seryoso at malamig ang boses niya

"Eighteen na po madam at oo pumayag na rin."

Hindi niya inalis ang paningin sa'kin. Ramdam kong kinakabahan at intimidated din si Marvin sa boss niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa eyeshadow niya at makapal na eyeliner kaya mas nakakatakot siyang titigan ng matagal. Mas malupit pa siyang tignan kaysa sa teacher ko sa school.

Nagulat ako nung naglakad siya paikot sa'kin. "Hindi naman kagandahan ang pinili mo. Ang liit at itim pa. Saan mo ito napulot? Sa kalsada? Paano 'yan makakaakit ng mga lalaki?"

Nagulat ako sa naging komento niya sa'kin. Hindi ko alam na prangka siya at bulgar magsalita. Ang dating sa'kin ay insulto. May konting kirot akong naramdaman sa puso ko. Wala naman akong pakielam sa sasabihin ng ibang tao sa itsura ko. Hindi ko iyon naging problema. Tinignan ko ang sarili. Maayos naman ang suot ko. Puting blouse, maong na jeans, at rubber shoes.

Nakahinga ako ng maluwag nung lumayo na siya sa'kin. Hindi ako nagawang depensahan ni Marvin.

"Ano pang ginagawa niyan dito? Bakit hindi pa siya bihis? Magpalit na siya kamo at magsimula na. Dumadami na ang customers oh."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon