08

65 3 0
                                    

#SOA08

"Ate, anong nangyari kay tatay?" tanong ni Cielo. Katabi niya sina Janna at Lucia. Nasa loob na kami ng bahay ngayon.

Noong una ay hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila dahil sa magiging reaksiyon nila. Kumuha ako ng silya at umupo sa harapan nila. Inosente silang nakatingin sa'kin.

"Ahh, kasi ano e. Kanina may--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n si tatay. Sabay kaming napalingon doon.

Umawang ang labi ko nang makita siya. Medyo magulo ang buhok niya at marumi ang damit. Halata ang pagod sa mga mata niya. Pagkatayo ko ay nilapitan siya ng mga kapatid ko. Nais ko rin siyang kamustahin.

"Tay. Kamusta po?" nag-aalalang tanong ni Cielo

Sinuklian niya kami ng isang ngiti kahit sa likod no'n ay hirap siya at pagod. "Ayos lang ako mga anak. Uh, pagod lang sa pamamasada buong araw. Kumain na ba kayo?"

Napalunok ako, ramdam ang panunuyot ng lalamunan. "Wala pa pong pagkain e. Bibili pa po ako mamaya."

Gumawa ka ng paraan, Joyce. 

"A-ayos lang po ba talaga kayo tay?" maingat kong sabi

Tumango. "Oo pagod lang siguro. Sige, magpapahinga na muna ako." Nilagpasan niya na kami. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya sa taas. Tumingin ako sa mga kapatid ko na nakaramdam ng lungkot. Dinamayan ko sila bilang ako ang panganay.

"Mauna na kayong kumain. Tawagin ko lang si tatay," bilin ko nang makaluto at maihanda ang pagkain sa kanila. "Alam kong hindi sapat sa'ting lima 'yan kaya magtipid nalang ulit. Gipit din kasi si ate ngayon e."

"Hindi nalang din muna ako kakain ate. Hindi pa naman ako gutom. Kahit sa inyo na 'yan," sabi ni Cielo. Aalis na sana siya pero pinaupo ko siya ulit. Bumalik naman siya.

"Anong hindi kakain? Kumain ka diyan. Hindi ka pwedeng magpalipas."

Bumuntong hininga siya. "Pero ikaw rin ay ilang araw ng nagpapalipas ng pagkain."

"Kumakain ako ok?" sabi ko. Tahimik na pinapanood lang kami nina Janna at Lucia. Umiwas ako ng tingin. "Basta, kumain na kayo diyan."

Lahat kami ay nakaranas na ng gutom. Minsan ay isa o dalawang beses lang kami kumakain sa isang araw. Minsan ay hindi na rin kapag walang wala na talaga. Ni pambili ng bigas. Araw-araw ay parang kailangan namin ni tatay na magtrabaho para sa iisang butil ng bigas. Madalas ay wala pa kaming baon sa school. Tinitiis nalang namin dahil ganito ang pamumuhay namin. 

Iniwan ko na sila at umakyat sa taas para tawagin si tatay. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita kong inaayos niya ang aparador namin. May mga tools na nakakalat sa sahig. Kumatok ako sa pinto.

"Tay. Kain na po."

Napalingon siya sa'kin. Naningkit ang mata niya. "Oh? Joyce. Sige. Mauna na kayo. Tatapusin ko lang ito." Tinuon niya ulit ang atensiyon sa aparador.

"Akala ko po ay nagpapahinga kayo.."

"Hindi rin ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Nakalimutan kong aayusin ko pala itong aparador," mahina siyang tumawa

Yumuko ako at unti-unti siyang nilapitan. "Tay.."

"Bakit?"

Umupo ako sa harapan niya. "Ano pong nangyari noong nagkabanggaan yung jeep niyo ni Manong Guillermo?"

Napahinto siya. Unti-unti siyang tumingin sa'kin, gulat na alam ko ang tungkol doon. "Ah, eh...ayun ba? Maayos naman namin na-solve yung problema. Nagkainitan sa umpisa pero napag-usapan namin siya ng maayos."

Storms of Affliction (Youth Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon