39

104 2 0
                                        

#SOA39

Lunes.

Nagtipon tipon na kaming lahat sa loob ng korte. Kasama ko ulit ang pamilya ko at si Ismael. Kasama ni Leon si Attorney sa harap. Handa na ang lahat. Ang huling hatol ay magsisimula na. 

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa harap. Tahimik ang loob ng korte ngunit malakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaabang kaming lahat sa sasabihin ng judge. 

Ilang beses ko ng pinagdasal na sana mabigyan na ng hustisya ang lahat. Halos gabi gabi akong hindi makatulog at dumating na rin sa wakas ang araw na ito. 

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ismael. 

"In the light of new pieces of evidence, after careful analysis and consideration, we have reached a final verdict, we find the accused Aurelius Leon Villamor, not guilty and is free from all the charges against him," anunsiyo ng judge

Umalingawngaw sa tainga ko ang mga salitang binitawan ng judge. Noong una ay hindi pa nag-sink in sa'kin ang lahat hanggang sa nagtayuan ang pamilya ko at naghiyawan. bilang selebrasyon. Umawang ang labi ko. 

"Joyce. We did it!" masayang sabi ni Ismael sa tabi ko

Tumingin ako sa kanya. Tumayo siya at hinila ako para yakapin. Napangiti ako at niyakap siya pabalik. Humiwalay siya sa yakap. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha na hindi ko namalayan na tumulo sa mata ko. 

Napalunok ako. "Tama ba iyong narinig ko?" 

Ngumiti siya. "Yes. He's free now Joyce."

Tumingin ako sa harap at nakita si Leon. Agad namin siyang nilapitan. Napangiti siya pagkakita sa'min. Sinalubong niya kami ng yakap. 

"Salamat sa Diyos at nakalaya ka na sa wakas anak," sabi ni tatay kay Leon

"Salamat sa inyong lahat," masayang sabi ni Leon

Kumalas na sila sa yakap habang ako ay hindi pa bumibitiw sa kanya. Hinigpitan ko lalo ang yakap sa kanya. Gano'n din siya.

"Na-miss kita.."

Hinagod niya ang likod ko. "Mas namiss kita."

Kumalas na kami sa yakap pagkatapos. Nilapitan naman ng pamilya ko si Attorney at walang sawang pasasalamat ang binuhos nila sa kanya.

"Maraming salamat po Attorney," mangiyak-ngiyak na sabi ni tatay habang kinakamayan si Attorney

Ngumiti ng malapad si Attorney. "Walang anuman po."

"Maraming salamat po talaga. Noong una po talaga, akala namin wala ng pag-asa dahil hindi naman po namin alam kung saan kukuha ng abogado kaya hulog po kayo ng langit."

Lumapit na rin ako kay Attorney at personal na nagpasalamat. "Salamat po ulit Attorney."

"Salamat po," sabi din ni Leon sa tabi ko

Nginitian niya din kami. "You're welcome. I'm glad to help you kids. I know how much you look out for each other," sabi niya at tumingin sa lalaki sa likod namin. "And how my friend, also looked after you."

Nilingon namin si Ismael na masayang pinapanood kami. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Tinanggap niya iyon at nilapitan kami. Tumingin ulit kaming lahat kay Leon. Nagkumpulan kami at niyakap namin siyang lahat. Napangiti ako nang makita si Attorney na sumali din sa group hug namin. 

Wala ng mas sasaya pa sa araw na ito ngayong kompleto na ulit kami. Makakauwi na si Leon at babalik na rin sa normal ang lahat. Hindi ko akalain na malalagpasan namin ang pagsubok na ito pero dahil sama sama kami ay naging posible iyon. Hindi kami bumitiw sa isa't isa hanggang dulo.

Storms of Affliction (Youth Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon