86

421 30 1
                                    

Chapter 86: New Chance 💕
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
• Authors Pov •
••••••••••••••••••••

" Mommy .... Daddy...." Nagmamadaling lumabas si Ashley, kaya napatingin sa kanya ang lahat, may luha subalit may matamis na ngite na makikita sa mukha ni ashley.

Samantalang isang napaka higpit na yakap ang ginawa ni charlz, sa labis na pagkatuwa ng muling magka tibok ang puso ni hera at imulat ang mga mata nito.

" Salamat......... Bumalik ka..... Binalik kapa samin" umiiyak na sabi ni charlz kay hera, Biglang nawala ang charlz na cold, at isang gang lord, ang del Valle na nakikita sa mga oras na ito ay ang pinaka mahinang pagkatao ni charlz.

Wala siyang ibang iniisip kundi labis na saya dahil sa muling nabuhay si hera, sa pag iyak ni charlz at sa mahigpit na yakap nito.

Hinayaan lang ni hera si charlz, Hera saved charlz at sa bagay na yon hindi niya matatangi na Minamahal niya si charlz, kahit anong gawin niyang pag tulak dito hindi magawang lumayo sa kanya ni charlz.

" Charlz...." nanghihinang tawag ni hera sa pangalan ni charlz, kaya tumigil sa pag iyak si charlz at tinaas niya ang kanyang ulo para makita ang mukha ni Hera.

" Bakit??? May masakit ba sayo?? Tatawagin koba yung doctor mo?" nagaalalang tanong ni charlz.
Subalit hindi na sumgot si hera at pinikit na lamang nito ang kanyang mata.

Na tila ba pinipigilan niya ang pag patak ng kanyang luha, hindi lang niya masabi ang mga salitang nais niyang sabihin kay charlz.

" Magpahinga kana mona, lalabas lang ako para tawagin ang doctor mo" paalam ni charlz kay hera.

Pag labas ni charlz ay wala doon ang parents ni hera, naiwan na lang ay sina xander at harry.

" Nawalan ng malay si mrs. Montero kaya pinagpahinga siya sa ibang room, kasama sina taira at ashley" paliwanag ni xander, dahil alam nito na yun ang tatanongin ni charlz sa kanila.

" Tawagin nyo yung doctor ni hera, Kaylangan kong bumalik ng isla, Hindi kayo maaring umalis dito hanggang hindi pa ako nakakabalik, ipaalam nyo narin ito kay master kyle, Sabihin nyo sa kanya na mag lagay ng magbabantay sa boung paligid ng hospital, Dahil natitiyak kona may kikilos na grupo para ipaghiganti si Darra, maging handa kayo palagi" Utos ni charlz sa dalawa.

" Masusunod po, kami na ang Bahala dito maaasahan nyo" Sabay na sagot sa kanya nila Xander at harry.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

• Darra Pov •
•••••••••••••••••

Wala na akong lakas kahit na ang igalaw manlang ang aking daliri sa kamay ay hindi kona magawa, sa tatlong libong hagupit sa likoran ko ay para narin nadurog ang lahat ng buto ko sa katawan.

Nagdidilim na ang paningin ko, subrang tuyo na ang bibig ko, Nais ko ng napaka lamig na tubig.
Hila hila ako ng dalawang lalaki palabas ng silid ng pagpaparusa habang hawak nila ako sa magkabila kung braso.

Hindi ko manlang magawa na Pigilan sila na itali ako sa isang poste sa labas ng palasyo kung saan tanaw ang malawak na dagat, at ang madilim na langit, at ramdam na ramdam ang malamig na hangin..

Dahil sa nasira na ang damit ko sa dami ng latigo na tumama sa likod ko.

" Kamahalan" sabay sabay na sabi ng mga lalaking nagtatali samin, pumonta sa harapan ko ang kamahalan.

The Cold Heartthrob and The Girl Gangster ( COMPLETED )Where stories live. Discover now