85

416 28 1
                                    

Chapter 85: The Rage of Lord Caleib or Charlz Del Valle🖤
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

• Xander Pov •
•••••••••••••••••••

" Ashley okay ka lang ba??" Tanong ko kay ashley, ng matapos ako sa pakikipag laban sa mga kumoha sa kanya.

" Oo ayos lang ako" sagot niya
Inalalayan kona siya papunta sa kotshi ko, habang iniiwasan namin yung mga nagkalat na lalaki sa daan.

Binuksan kona yung pinto ng kotshi ko, pinapasok kona si ashley, Natigilan ako ng biglang palibutan ng mga lalaking naka itim ang lugar.

Mga taohan ng gang world, tumingin ako sa paligid nandito sila maaring nandito rin ang kamahalan.

" Utos ng kamahalan na Dalhin namin sila at siguradohin na ligtas na makakauwi si Miss. Ashley" paliwanag nung isang lalaki na lumapit sakin.

" Naiintindihan ko" sagot ko sa kanya at sumakay narin ako sa kotshi ko

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
• AUTHORS POV •
••••••••••••••••••••••••

Nagising na lang si darra kasama ang kanyang mga taohan sa isang napakadilim na silid, Hindi nila magawang maigalaw ang kanilang mga kamay at paa dahil sa nakataling kadena.

Biglang may ingay na nagmumula sa bumubukas na pinto, mga tapak ang maririnig sa subrang tahimik sa silid, hindi makita ni darra kung sino ang palapit sa kanya, dahil sa madilim ang lugar kung nasaan sila.

Nagliwanag ang boung paligid ng buksan ang mga ilaw sa silid, saka lang napagtanto ni darra na sa silid ng pagpaparusa sila.

Nakapaligid ang mga lalaking naka maskara na tagapag bantay ng kanilang pinuno. Sinundan niya ng tingin ang lalaking naglalakad patungo sa isang truno, naging malinaw sa kanilang lahat na ito ang kanilang kamahalan.

" Malamang batid ninyo kung bakit nandito kayo? At ganyan ang katayoan ninyo" Ma-authority na sabi ni caleib.
" Dahil sa ginawa namin kay prime? Pero wala na siya sa grupo.... Kaya hindi kami lumabag sa batas, hindi na siya si prime kahit kilan" Matapang na sagot ni darra kay caleib na nakatalikod sa kanila.

" Ako ang masusunod kung may batas kayong nilabag ouh wala, gusto ko na may nilabag kayo kaya ako ang masusunod" Cold na sagot ni caleib.
" Pero Kamahalan, bakit labis nyong pinapahalagahan ang babaeng yun? Mas mahalaga paba siya ?? Kisa sa batas ng grupo?" Darra said.

Humarap si caleib sa kanila
" Nagagawa nyong hindi sundin ang utos ko, nagiging mayabang na kayo at ginagamit ang pagiging gangster sa labas ng mundo ng mga gangster, kaya bakit hindi korin kayo gayahin" makahulogan na sambit ni caleib.

" Kamahalan" darra
" Princess K, Alam moba kung sino ang taong ginalit mo dahil sa hindi ka nag iisip sa iyong ginawang plano against prime!" Mahinahon subalit ramdam ang labis na pagka galit ni caleib.

" Hindi ko po alam kamahalan.... Patawarin nyo na kami" nagmamakaawang sagot ni darra
" Walang kapatawaran ang ginawa ninyo, lalong lalo na ang pakikipag sabwatan mo sa lalaking ito"

Biglang may pumasok na taohan si caleib at tinulak sa harapan ni caleib si Darrel na nakatali ang kamay.

" kamahalan wala kaming ginawa hindi ko nga siya kilala kamahalan" pakiusap ni darra.
Dahil sa inis ni caleib sa mga pagkukunwari ni darra ay inalis niya ang kanyang sout na mask.

The Cold Heartthrob and The Girl Gangster ( COMPLETED )Where stories live. Discover now