51

452 19 0
                                    

Chapter 51: The Lost Memories 🧡
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
• Kyle Pov •
•••••••••••••••

" master bakit gusto nyo kaming makausap?" Tanong sakin ni harry habang nasa parking area kami ng royal high academy.

" alam nyo ba kung sino yung lalaking kasama ni hera?" Tanong ko sa kanila
" si charlz, Ace charlz caleib Del Valle " sagot sakin ni xander.

" magka sama sila ni hera sa filming project nila, bakit nyo naitanong master?" Harry said.
" Nakita ko lang sila kanina, oo nga pala sabihin nyo kay taira kaylangan ko siya sa hideout, i have important things that i need to say to her" sagot ko sa kanila.
" masusunod master" sabay nilang sagot sakin
" yun lang bumalik na kayo sa klase nyo" utos ko sa kanila.

Pagkaalis nila ay sumakay na ako sa kotshe ko, hindi ko inaasahan na magka sama sila sa parihong school, maaring alam na ng kamahalan na si hera at si prime ay iisa.

Pero ako pa lang ang nakakaalam kung sino talaga ang kamahalan sa likod ng kanyang maskara, maaring hindi parin bumabalik ang nawalang alaala ni hera.

Ang kauna-unahang batang naging pinuno ay isa parin palang kilalang personalidad sa labas ng gang world, anak siya ng mga matatalik na kaibigan ng mga magulang ni hera.

Iba talaga mag laro ang pagkakataon, subrang daming bagay ang naga konekta sa kanilang dalawa.

I start na engine at nag drive na ako palabas ng school.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
• Hera Pov •
•••••••••••••••

Nakaupo lamang ako sa lapag sa isang sulok ng computer lab, habang busy sa ginagawang pag edit si charlz.

Nakakumot sa may hita ko yung uniform niya kaya naka shirt na lamang siya ulit.

Pinikit ko yung mata ko habang nakasandal ako sa pader, bigla na lang may alaalang nag flash sa aking isipan.

• FLASHBACK •

subrang lakas ng ulan, habang kumikidlat at kumukolog na may kasamang malakas na hangin, nakatuon ang aking attention sa mga lalaking nakapaligid sakin.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking dumating na maraming mga nakasunod, naka maskara ito kaya hindi ko kita ang kanyang mukha.

Subalit naagaw ang aking attention sa sout niyang kwentas na parang kumikislap sa tuwing kumikidlat.

Biglang may pumalo ng napakalakas sa likod ng ulo ko, kaya biglang napaluhod ako dahil sa nangyari.

Parang wala akong naririnig kundi ang malakas na ulan, pansin kona naglalayoan na sakin yung mga lalaki, at naglalakad na palapit sakin yung lalaking may sout ng kakaibang kwentas.

Bigla akong tumayo pero matutumba parin ako at inalalayan lamang ako nung lalaking naka maskara.

Hangang sa tuloyan na akong bumagsak, napapikit na ang mata ko.
" prime"
" gumising ka"
" Ayos Lang ba siya?"
" kaylangan na natin siyang dalhin sa hospital"

Naririnig ko si master, at ang iba pang mga naga usap.

• End of FLASHBACK •

Agad akong napatingin kay charlz, kahit nakatalikod siya sakin. Siya kaya ang lalaking yon?, bakit may ganun akong memories?.

Natatandaan kona, ilang taon na simula ng mangyari yon, bago pa lang ako sa gang noon.
Nasa training ako noon, nagpumilit ako kay master na mag training ako.

Tapos ganun ang nangyari, hindi ko maalala ang nangyari ng araw na yun, ngayon na muling bumalik ang alaala ko.

Ngayon alam kona kung bakit parang may kulang sa memories ko, yun pala ang bagay na yun
Gusto kong malaman kung sino ang lalaking yon noon? Kung siya ba si charlz?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

The Cold Heartthrob and The Girl Gangster ( COMPLETED )Where stories live. Discover now