74

414 24 1
                                    

Chapter 74: The Reason why?? 🤔
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
• Darrel Pov •
•••••••••••••••••

" i know mom, pero paano ko yun magagawa galit sakin si hera, sina xander even taira" reklamo ko kay mommy na kausap ko sa phone habang nag iisa ako sa
Garden ng school.

" Is not easy like what you say mom" sagot ko sa kanya
" i know, wala na akong panahon pero mommy ang hirap ng pinapagawa ninyo, halos araw araw akong nasusuntok ni xander at may epal pana lalaking may gusto kay hera, kaya paano ko magagawang mapatawad ako ni hera at maging official na maging kami kung ganito ang sitwasyon"

" yun na lang ba talaga ang paraan??? Yun na lang ba??? Ang magpa kasal kami ni hera para maisalba ko ang business nyo ni dad?" Tanong ko kay mommy.

" Halos patayin na niya ako sa galit, paano kapag nalaman pa niya ang dahilan kung bakit ako dito bumalik, baka mapatay na talaga niya ako"

Biglang nabitawan ko yung phone na hawak ko at
Natumba ako ng may malakas na sumuntok sakin, biglang nagdilim ang paningin ko habang nakahandosay ako sa damohan at nakita ko ang paa ng isang tao na nasa harapan ko.

Pero kahit nahi-hilo ako ay pinilit kung tumayo, ramdan kona nagdudugo ang labi ko, kaya pinahid ko ng kamay ko.

Tiningnan ko yung sumuntok sakin, si Del Valle cold ang mukha niya pero makikita sa mata niya na galit siya, narinig niya ang usapan namin ni mommy.

" Ano bang problema mo??? Sinusundan mo ba ako?" Galit na tanong ko sa kanya
Bigla niya ulit akong sinuntok ang bilis niya kumilos, hindi ko makita ang suntok niya.

Hinawakan niya ako sa damit at lumapit siya sakin.
" Gagamitin mo pa talaga si hera to save your family business, parang hindi ka lalaki sa ugali mo " cold pero galit na sabi niya sakin.

" Ano bang pakialam mo??? Wala kang alam kaya hayaan mo ako" sagot ko sa kanya at inaalis ang kamay niya sa damit ko pero ang higpit at hindi ko maalis.

" May pakialam ako dahil sayo kung bakit walang tiwala sakin si hera dahil sa ginawa mo sa kanya" cold na sagot niya.
" Kasalanan koba??? Baka naman talagang hindi ka dapat pagkatiwalaan" asar ko sa kanya.

Binitawan niya ang damit ko, at medyo lumayo sakin he smirk.
" Sa oras na umiyak si hera dahil sayo, i'll do everything para mawala lahat sayo" banta niya sakin.
Tumawa ako dahil sa sinabi niya pero deep inside kinabahan ako dahil he's del valle... Alam kong kaya niyang gawin yun.

" Hindi mo ako matatakot at hindi mo ako mapipigilan sa plano ko, hintayin mo kukunin ko si hera sayo" sagot ko sa kanya.

" Hindi naman ako isang bagay na makukuha mo!" Napatingin ako sa taas ng puno sa gitna ng garden, tumalon siya mula sa sanga ng puno mula sa field.

" Hera??? Kanina kapa ba diyan??" Tanong ko sa kanya
" Hindi na school hour ngayon kaya hindi kana dapat nandito, kayong dalawa" sabi niya samin in cold way.

" Ano kasi...." Hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sipain, sa subrang lakas ay tumalsik ako.

" Ayaw ko nang makita ang pagmu-mukha mo dito " banta niya sakin, hindi ako halos makatayo sa sakit ng mukha ko.

" Don't even try na pumasok sa gate ng school na ito, dahil baka hindi mo magustohan ang mangyayari" banta pa niya sakin.

" Dati mo akong kaibigan pero bakit ang sama mo sakin" sabi ko sa kanya
" Pinagsisisihan kona nakilala kita Darrel James Shawn montefalco " para akong sinaksak sa sinabi niya dahil cold man pero ramdam na ramdam ko ang galit niya sakin.

••••••••••••••••••••••••••••

🔸🔸 CONTINUATION 🔸🔸

• Hera Pov •
••••••••••••••••

" Hindi kana talaga maniniwala sakin kahit anong sabihin ko, Pero Tandaan mo ito Mahal parin kita hanggang ngayon at hindi ako titigil hanggang sa mapatawad mo ako" seryusong sabi sakin ni Darrel.

" Mas mabuting wala nang taong mag mahal sakin kung manluluko at mangagamit na katulad mo " cold na sagot ko sa kanya.

" Makinig ka ...." Sabay hawak sa magka bila kung braso ni darrel.
" pls...... Understand my situations hera" nagmamakaawa niyang sabi.

" I can't understand darrel!! I can't" cold na sabi ko sa kanya, at inalis ang mga kamay niya sa balikat ko.

Dahan dahan na siyang umalis

Napatingin ako kay charlz na nasa may likoran ko, nakatingin din siya sakin pero Walang expression sa mukha niya.

Tumalikod narin siya sakin
" ano bang ginagawa mo??? Hindi ko kaylangan ng tulong" sabi ko sa kanya.
Muli siyang humarap sakin....

" Wala kang magagawa kung gusto kitang tulongan, hindi kita sisingilin at lalong hindi ako umaasa na magkakagusto ka sakin" cold na sagot niya.

" Bakit mo nga ito ginagawa????? " singhal ko sa kanya
" Dahil mahal kita at ayaw kong nakikitang ganyan ka, kahit ilang bisis na akong nadurog sa mga salita mo, mas masakit sakit na makita kang nasasaktan dahil sa mga walang kwentang tao, balewalain mo ako ayos lang, ipagtaboyan mo man ako okay lang, sapat na sakin na makita ka"

" Binalaan na kita kaya walang sisihan " sagot ko sa kanya, aalis na sana ako ng bigla niya akong yakapin, subrang higpit kahit itulak ko ko siya palayo ay hindi niya ako binibitawan.

" Naniniwala ako na walang katulad ang isang tao kaya nag iisa ka lang hera, kapag hinayaan kong mawala ka alam kung pagsisisihan ko yun dahil wala na akong makikitang mas hihigit pa sayo" natigilan ako dahil sa kanyang sinabi.

Sa subrang tahimik ramdam ko na ang bawat pag beat ng puso niya, at ang paghinga niya naririnig ko sa subrang tahimik ng paligid.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

The Cold Heartthrob and The Girl Gangster ( COMPLETED )Where stories live. Discover now