RYDER
So your confidence is quiet
To them quiet looks like weakness
But you don't have to fight it
'Cause you're strong enough to win without a war
Every heart has a rhythm
Let yours beat out so loudly
That everyone can hear it
Yeah, I promise you don't need to hide it anymore
Oh, and never be afraid of doing
something different
Dare to be something moreHeto at kinakantahan ko si Ainsley over the phone bilang kabayaran sa pang-iistorbo sa tulog nya. Wala lang, gusto ko lang kasing marinig ang boses nya bago ako matulog kahit umaga na ngayon para matulog pa.
Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Yeah, the words cut deep but they don't mean you're all alone
And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more of this life than what you're feeling now
And someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisibleItinigil ko ang pag-tipa sa gitara at pinakiramdaman ang nasa kabilang linya. Tahimik na tahimik maliban sa naririnig kong malalim na paghinga. Pustahan, nakatulog na ang baby Ainsley ko.
"Baby? Still there?" Wala akong nakuhang sagot.
"Sweet dreams Ainsley. Good morning ulit." Ngumiti pa ako bago pindutin ang end call. Kailangan ko na ding matulog dahil 3am na. Puyat ka na naman Ryder.
Napalingon pa ako sa photo frame na nakapatong sa bedside table ko. Magka-akbay kami ni Ainsley at wagas ang ngiti habang nakaharap sa camera.
Muli ay napangiti ako and I turned out the lights.
*****
"Good morning Ma!" Inakbayan ko si Mama at binigyan ng halik sa pisngi habang abala siya sa paghahanda ng almusal.
"Good morning too, Ry. Puyat ka na namang bata ka." Napapailing pa siya habang kinakapa ang eyebags ko.
"But I still managed to wake up early." Ako na yata ang taong kahit late na matulog ay maaga pa ding nagigising. It's 6 o'clock in the morning.
"O, siya maupo ka na at tatawagin ko lang ang Papa mo para sabay-sabay na tayong kumain."
Tumango ako at humila ng upuan sa may kaliwang bahagi ng lamesa.
After 5 minutes ay heto na sina Mama at Papa na magka-akbay pa at napaka-sweet habang naglalakad papunta sa may hapag-kainan. Napangiti ako dahil maalab pa din ang pagmamahal nila sa isa't isa kahit 18 years na silang kasal. Maalab talaga e, 'no?
I lead the prayer before meal. Okay kainan na!
*****
"Ma, Pa, pasok na po ako!" Sumilip ako sa garden kung saan kasalukuyang nagpapahinga sina Mama at Papa. Papasok na kasi ako sa ARV University, buti na lang at hindi ako tinanghali ng gising kaya hindi pa ako late for school.
"Ingat sa pagmamaneho anak."
"Opo!" Sumaludo pa ako sa kanila bago pumunta ng garahe kung saan naka-park ang motor ko.
Tama kayo ng nabasa. Sa ARV University ako nag-aaral at classmate ko rin si Ainsley. Pareho kami ng kursong kinukuha - Business Management. Ewan ko kung ano'ng pumasok sa utak ko kung bakit ito ang napili kong course dahil ang totoo ay gusto kong Electrical Engineering ang i-take up ko. Ayos na rin para mas mababantayan ko si Ainsley. May pagka-saltikin pa naman 'yon at pagka-mataray ng kapiraso. Ayaw na ayaw kasi nya sa mga mahilig magpa-cute. Buti na lang at hindi ko na kailangang gawin 'yon dahil hindi ako cute. Pogi ko kaya. Nagbuhat na ako ng sarili kong bangko hehe.
Kung nabasa nyo na ang Book 1 ng istoryang ito ay matatandaan nyong sa ARV-U rin nag-aral ang ilang myembro ng Black Stones na sina Khaki, Harold at Marco. Ahead lang sila sa'min ng 3 taon. At ngayon nga ay classmate namin ni Ainsley ang bassist nila na si Yoshiro Akiyama. Business Management din kasi ang course nya.
AT ARV-U
Matapos maipakita kay Manong Guard ang ID ko ay ipinarada ko na ang motor ko at tahimik na binagtas ang daan papuntang Room 121. Habang naglalakad ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulung-bulungan ng mga schoolmate kong babae na nakakasalubong ko. Wala na akong magagawa, starstruck na naman sila pagkakita sa'kin.
Napatingin pa ako sa suot ko. I'm wearing a dark gray shirt, black pants and black Chucks. Ang tanging accessories ko lang ay ang kwintas na birthday gift sa'kin ni Ainsley last year at ang relong suot ko naman ay Christmas gift ni Mama.
"Boo!"
Medyo nagitla pa ako ng kapiraso nang biglang kumapit sa braso ko si Ainsley. Nginitian ko siya sabay gulo ng buhok nya.
"Hey my hair! Sadista ka talaga Ryder!"
"Maganda ka pa rin naman baby, don't worry." Nag-blush tuloy siya sa sinabi ko.
"Tse! 'Wag mo 'kong dinadaan dyan sa pambobola mo!"
"Kinilig ka naman?" Pang-aasar ko pa sa kanya kaya pinaghahampas nya ako sa braso. Brutally sweet.
"Ewan nga sa'yo! Hmp!" Sabay nguso nya at humagalpak lalo ako ng tawa at inakbayan siya.
"Pikon mo talaga baby. Tara na sa loob." Nandito na kasi kami sa tapat ng Room 121.
Ang ginawa naman nya ay tumakbo papasok ng room namin kaya naiwan ako sa labas. Napailing na lang ako habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018