Chapter 7: Can You Save Me Now?

80 11 7
                                    

AINSLEY

Almost one week na pala mula nang makilala ko si Mr. Savior este si Vilhelm dahil nga sa encounter ko with Mr. Goon sa concert ng Black Stones at ni sa hinagap ay maiisip ko na magkikita pa kaming muli. Wala naman kasi akong pakialam kung hindi ko na siya makikita or what, pero heto siya ngayon sa harapan ko, medyo mesmerized pa nga siya habang tinitignan ako. Malay ko ba namang kakilala pala ito nina Harold at Marco? Small world 'ika nga.

"Aba 'tol siya pala ang sinasabi mong —" Hindi na naituloy ni Harold ang sasabihin nya nang sikuhin siya sa tagiliran ni Marco.

"Sinasabing ano?" Nagsenyasan naman ng tingin ang tatlong bugok. Ano kayang problema nila?

"A-ay w-wala 'yon! May naalala lang ako." Napakamot pa siya sa ulo at sabay namang napabuntunghininga sina Marco at Vilhelm.

"Harold, may lipstick stain ka pa sa kwelyo mo." Sinundan namin ng tingin ang itinuturo ni Yoshiro.

"Langya naman kasi dinumog kami kanina! Sa may gate pa lang feeling ko ay napagsamantalahan na ako!"

At hindi ko na rin natiis kaya humagalpak na ako ng tawa, actually kaming lahat. Habulin talaga 'tong si Harold.

"Kung makikita mo lang ang itsura mo sa salamin 'insan ay mukha ka talagang pinagsamantalahan ng mga babae at beki!" Humagalpak na naman ng tawa si Marco habang nakahawak sa tiyan.

"Tama na nga ang pang-aasar mo 'insan, jamming na lang tayo bago kumain." Ini-strum pa ni Harold ang bitbit nyang acoustic guitar.

"Oo nga, sayang naman ang pagbibitbit ko sa beatbox ko." Tinapik-tapik naman ni Marco ang beatbox.

"Jamming with a twist." Ibinaling naman ni Harold ang tingin nya sa'kin, pagkatapos ay kay Ryder at ang panghuli ay kay Vilhelm.

"Jamming with a twist? How?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay tinanong naman ni Harold si Ryder.

"Marunong ka bang mag-gitara pare?" Tumango naman si Ryder.

Binalingan naman ni Harold si Vilhelm. "Alam kong marunong kang mag-drums 'tol kaya ikaw ang gagamit ng beatbox ni 'insan."

"No problem!" Confident pa talaga itong si Vilhelm.

"At ikaw," turo nya sa'kin, "Ikaw ang vocalist."

"Ha? Ako?!" Napanganga tuloy ako habang itinuturo ang sarili ko.

"Oo, ikaw!" Sabay-sabay pa silang tatlo nina Marco at Vilhelm na nakaturo ang hintuturo sa'kin.

"Ayos 'yan!" Sa wakas, nagreact din si Yoshiro.

"Wala namang mic, kaya hindi ako kakanta." Try lang baka sakaling lumusot ang napaka-lame na reason na ito.

"Kahit tamad ka magsuklay ay alam kong may baon kang hair brush dyan sa bag mo, Ainsley Vivienne Iñiguez." Paborito talaga akong asarin ng bestfriend ko naku!

"Wow, stalker ka na ba ng bag ko ha Ryder Olivier Blanco?"

"Kunin mo na lang kasi at 'wag nang magtanong pa."

Kinuha ko ang hair brush ko sa bag at inis na ibinato sa kanya kaso nasambot naman ni mokong at inihagis ulit pabalik sa'kin.

"Simulan na natin!" Napanganga na naman ako nang magsalita si Yoshiro dahil may hawak na siyang...

"Digicam? Nagdadala ka pala nyan dito sa school, Yoshiro?"

"Lagi ko naman 'tong dala, just in case na may gusto akong kuhanan at heto nga, gagawa tayo ng music video." Music video talaga?

"Ayos a, boy scout ka ba dati Yoshiro?" Loko rin 'tong si Vilhelm e.

"Laging handa talaga 'tong si bunso!" Nag-thumbs up pa si Harold habang tumatango-tango

"Maaasahan talaga lagi kapag kinakailangan." Natatawa-tawa pa nga si Marco.

"Okay pwesto na kayo!" Iniabot na ni Harold kay Ryder ang acoustic guitar.

"Huwag mo kaming ipapahiya 'tol!" Tinapik pa ni Marco sa balikat si Vilhelm matapos nyang ibigay ang beatbox.

"At ikaw Miss Beautiful, tiwala naman ako sa boses mo kahit ngayon ko pa lang maririnig na kumanta ka." Kinurot naman ako ng bahagya ni Harold sa pisngi sabay pat sa ulo ko. Buti na lang at hindi nya ginulo ang buhok ko tulad ng ginawa kanina nina Vilhelm at Ryder.

Lumabas kami sa loob ng batibot at pumuwesto na parang kakanta sa stage o kaya ay gagawa ng music video. Anak ng tokwa, bukod kina Mama at Papa, pati na rin kay Ryder ay wala ng ibang tao na nakakarinig sa boses ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero mala-Chrissy Costanza yata ang boses ko.

"Gravity ang kakantahin nyo." Mind reader ba 'tong si Harold?

"Can you save me now?" bulong ko na lang sa sarili ko.

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon