VILHELM
Rehearsal at Elizalde rest house. Change venue, timeout muna sa Entertainment Room nina Yoshiro. Bukod sa Black Stones, kasama na rin namin ang mga bandang Raindrops, Black Out, Guys In Plaid Shirts at syempre ang Interglot. Nandito na rin sina Ryder, Helios, Stef, Helena and Larkin. Let's get it on!
"Shall we start now?"
"Teka 'tol, hindi na ba natin hihintayin si Khaki?" Tanong ni Harold kay Jager.
"Aabot naman siya dahil hindi tayo ang unang magrerehearse. After fifteen minutes ay nandito na si Cassiopeia." Jager looked at his wristwatch.
"Saan ba nagpunta si Khaki?" Usisa naman ni Ayesha, Raindrops' vocalist.
"Meeting a special friend. That's the only info she gave to me. At babalik din daw siya agad."
"Okay. Simulan na natin ang rehearsal."
Raindrops ang unang sumalang sa rehearsal. Girl power at aminado akong magagaling sila at magaganda pa. Bagay na bagay nga sila sa members ng BlackOut.
Kanina ay pinag-usapan na namin ang planong surprise number para sa debut. Walang kaalam-alam dito si Ainsley at siguradong mabibigla na lang siya sa'ming munting palabas. Sumang-ayon naman ang lahat sa birthday scheme na naisip ko.
"BlackOut, you're next." Pagkasabi ni Mia, Raindrops' drummer, ay agad na nagsitayuan ang miyembro ng BlackOut sa pangunguna ng vocalist nila na si Lance. Nakita ko pa nga nang kindatan ng lead guitarist nilang si Chace ang rhythm guitarist ng Raindrops na si Scarlet.
"Let's get it on!" Agad na nag-drumroll si Dylan pero natigilan siya dahil biglang bumukas ang pinto ng rehearsal room at iniluwa si Khaki na may nakabuntot na babae sa likuran.
"I'm back, fellas! May pasalubong ako sa inyo." Hinila nya ang babaeng mukhang manika na nasa likuran nya.
"Alexandrea!" Hindi magkamayaw ang mga kasama ko, ang iba ay nagulat talaga nang makita si Miss Doll Face.
"Hello! Good to see you again, guys and gals! Some new faces, huh?" Dalawang kamay na kaway nya sa'min ni angelic doll face na Alexandrea pala ang pangalan. Mukha siyang manikang anghel na bumaba mula sa langit. Walang halong biro.
"Okay, resume na muna sa practice. Mamaya na ang kumustahan. Baka kasi matunaw 'tong kasama ko sa tingin ng mga barako rito." Pagbibiro pa ni Khaki nang makalapit na siya sa pwesto namin.
Nagsimula na ulit sa pagtugtog ang BlackOut. Ang ipinagkaiba nila sa Raindrops, medyo emo ang tugtugan nila ngayon. Damang-dama mo ang bawat lyrics na kinakanta ng bokalista. Sila rin ang nag-champion sa Battle Of The Bands dati sa Emerson Academy.
Sumunod naman ang mga bandang Guys In Plaid Shirts at Interglot. Pakiramdam ko nga ay nasa isang gig ako dahil pareho silang magagaling tumugtog. Walang itulak-kabigin kumbaga. Napapa-headbang nga kaming lahat at slam. Two thumbs up para sa mga bokalista nilang sina Graysen at Danrelle.
Last but not definitely the least, Black Stones. Love is in the air na naman dahil sa tambalang Jager at Khaki. Single pa naman kasi ang tatlo pa nilang miyembro.
"Focus on the song, JAE, not on my face." Nagtawanan na lang kami dahil kung naging ice-cream lang si Khaki, tiyak na lusaw na siya sa mga titig ni Jager.
"Ganda mo raw Khaki kaya nahuhumaling si Jager." Kantyaw pa ni Marco.
"Pare, kung ice-cream lang si Khaki, natunaw na siya sa katititig mo." Panunukso ni Graysen.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Roman pour AdolescentsPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018