Chapter 23: KAI

69 10 5
                                    

AINSLEY

Kung hindi ko pa inawat si Stef sa pagkukwento tungkol sa gala nila nina Ryder kasama ang Sta. Ana twins ay malamang abutin na kami ng umaga sa mala-armalite nyang bibig. Non-stop kasi pero mabuti na lang daw at hindi ako sumama dahil sobrang sweet nina Ryder at Helena. Ang sakit lang.

"Mamaya mo na ituloy ang Part 2 Stef, dahil alas dose na. Kailangan na nating matulog at may pasok pa tayo." Sulyap ko sa wall clock sa may kwarto.

"Sorry Ains, na-carried away lang! Ang sweet kasi ni Helios kanina. Tara tulog na tayo. Goodnight!" Nagtalukbong na siya ng comforter. Ganyan talaga matulog si Stef.

"Goodnight." Pagkatapos kong lagyan ng mini speaker ang cellphone ko ay pinatay ko na ang ilaw.

*****
Magdadalawang oras na yata akong nakahiga pero mailap ang antok sa'kin. Binilang ko na ng lahat ng tupa, isama na ang baka, kambing at kalabaw pero deadma talaga ako ni antok. Napabuntung-hininga ako at saka bumangon at sumandal sa headboard. Then I hugged my knees and rest my chin above my left hand.

It's only two o'clock in the morning, and yet I'm still wide awake. Gusto kong isumpa ang kung sino man na nag-iisip sa'kin sa mga oras na 'to except Ryder. Pero malamang humahagok na ang bestfriend ko kaya imposible na siya ang salarin.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang mag-vibrate ang phone ko.

From: Vilhelm
The lingering question kept me up
2 AM, who do you love?
I wonder 'til I'm wide awake

Natatawang naiiling ako sa text message at namalayan ko na lang ang sarili ko na tumitipa ng pangreply.

To: Vilhelm
Enchanted pa rin? Move on din hahaha matulog ka na!

After a few seconds, nagreply agad si mokong.

From: Vilhelm
Not yet. Bakit gising ka pa? Can I call you?

Nalipat naman ang tingin ko sa kabilang kama. Mahimbing ang tulog ni Stef kaya imposibleng magising 'to kagaad. At bago pa ako makapag-compose ng reply ay 'eto na at tumutunog na ang napakagandang ringtone ng cellphone ko na So I Thought by Flyleaf.

"Hey." Hey instead of hello?

[Hey there, dear. Alas dos na a. Bakit gising ka pa?]

"LQ kami ni antok." Natawa tuloy siya sa kabilang linya.

[Gusto mo kantahan na lang kita?]

"Baka biglang bumagyo, Vil. May pasok pa naman ako mamaya kaya maawa ka naman sa'kin please?" I tried not to laugh at seryoso talaga ko habang sinasabi 'yan.

Humagalpak naman siya ng tawa kaya pati ako ay nahawa na rin. [Crazy girl!]

Nagsisimula na siyang mag-gitara. Bilis naman? Katabi nya siguro pati sa pagtulog ang precious guitar nya.

"Maryzark's song?"

[Yup. It's KAI. Now, lay down on your bed and listen to the song.] Sinunod ko naman ang sinabi nya. Naalala ko tuloy 'yong time na kinantahan din ako ni Ryder.

Unti-unting gumagalaw
Kanyang matang nakatanaw
Sa isang ngiting walang saya
Nagtatanong nagtataka

Bakit ba ganito
Tinapos sa gulo

Ngayon ko lang narinig na kumanta si Vilhelm. Usually ay naggigitara lang siya o kaya pumapalo ng drums. In fairness, ganda ng boses ni mokong.

Wala na rin bang halaga
Ang yakap at halik niya
Kung dati'y hinahanap pa
Ngayo'y tinataguan na

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon