Chapter 12: She's Back!

66 12 7
                                    

VILHELM

Pasado alas-diyes na ng gabi bago kami nagpaalam kay Ainsley at sa Mama nya para umuwi. Napasarap kasi ang kwentuhan, asaran at kulitan namin sa may balcony. Time runs fast when you're having fun so they say. Ilang beses pa akong nagpa-cute at bumanat dito kay Ainsley pero wa-epek. Si Ryder talaga ang gusto nya, paano ko nalaman? Nahuhuli ko kasi ang kakaibang tingin nya everytime na kakausapin nya ang bestfriend nyang 'yan. Si Ryder naman, manhid yata ang isang 'to o hanggang bestfriend o younger sister lang talaga ang tingin kay Ainsley. Tsk, tsk.

Pag-uwi ko sa condo ay napakunot-noo pa ako nang sabihin ni Manong Guard na may bisita raw ako. Bisita? Gabi na, a? Tumango na lang ako at hindi na nag-abalang magtanong pa.

Pagbukas ko ng pinto:

"Hey there, lil'bro."

Napanganga ako at ilang beses kumurap baka kasi hallucination lang ang nakikita ko pero nagsalita siyang muli.

"Aren't you going to give your sister a big hug?" Prenteng nakaupo lang si ate ER sa couch habang nagbubuklat ng magazine. Buti na lang at nadispatya ko na ang FHM magazines ko.

Binigyan ko siya ng malapad na ngiti at tumakbo palapit sa kanya sabay yakap. "Ate ER! Finally, you're home!"

Gumanti naman siya ng yakap. "Nakulitan na kasi ako sa'yo Vil so here I am!"

Kumalas ako sa pakakayakap sa kanya at pinisil ang magkabilang pisngi nya. "Kasi naman po ay balak mo pang magpaka-buro abroad. Tatandang dalaga ka kaagad nyan."

Sinabunutan nya ako, brutal din ng ate ko paminsan-minsan. "Sobra ka! Two years lang ang age gap natin, Vilhelm Eryx Ramirez!"

"Hindi ka nga pala tatandang dalaga Miss Eos Reighanne Ramirez dahil may naghihintay sa'yo dito sa 'Pinas."

"Who would that be lil'bro?"

"Sis, kilalang-kilala mo ang tinutukoy ko." Umupo kaming dalawa dito sa couch.

Napangiti siya na parang kinikilig. "Hinintay nya pala ako."

"Loyal siya e. Hanggang ngayon ay wala pa ring girlfriend."

"How about you, Vil? May ipapakilala ka na ba sa'kin?"

Napakamot tuloy ako sa ulo. "Mayroon na sana kaso malabong magkagusto sa'kin."

"Sa gwapo mong 'yan?" Iyan ang gusto ko sa ate ko. Hindi marunong magsinungaling.

"Iba kasi ang gusto nya."

"Kaya sumusuko ka na?"

"No. Not yet. Itinalaga ko na sa sarili ko na siya ang magiging future girlfriend ko."

"That's the spirit, lil'bro!" Ginulo nya ang buhok ko kahit alam nyang ayaw na ayaw ko na ginugulo ito.

"Buhok ko naman, ate!"

"Oops, sorry Vil!" Nang-aasar pa talaga ang tingin nya.

"Kumain ka na ba? Stay here at maghahanda ako ng light snack." Hindi ko na hinintay na sumagot siya at dumiretso na ako ng kusina.

Pagkabalik ay bitbit ko ang tray na may fresh orange juice at English cake. Sakto may stock ako sa ref, paborito ni ate ang cake na ito.

"My favorite!"

"Swerte mo at may stock ako sa ref." Inilapag ko sa center table ang tray at iniabot ang cake sa kanya.

"Sarap talaga!"

"Para namang hindi ka nakakakain nyan abroad. Ang PG mo tuloy tignan." Inaasar ko lang talaga siya pero sarap na sarap talaga siya sa pagkain ng cake.

"Bihira ako kumain ng cake. Diet ako minsan."

"Tapos ngayon, hindi?"

"Kumain ka na nga lang dyan Vil, sinisira mo ang moment ko!"

"Chill lang!" Pinakawalan ko ang pinipigilan kong tawa.

"Pasalamat ka at kapatid kita dahil kung hindi ay binugbog na kita."

"Baka kaya mo?"

"Of course!"

"Hindi ka nga makapitik ng lamok, bugbog pa kaya?"

Binato nya tuloy ako ng crumpled tissue. Asar-talo!

*****

Pagkatapos namin kumain ay movie marathon kami ni ate ER. May malaking bowl ng popcorn sa pagitan namin habang nakasalampak kami dito sa sahig.

"Kailan ka pa pala dumating ate?"

"More than a week ago, I guess." Nakatutok pa rin ang mata nya sa tv.

"What?! Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Secret!"

"Sana pala sinamahan mo akong manuod ng concert ng Black Stones."

"Baka kiligin si Harokd kapag nakita ako at hindi makapag-concentrate sa pagtutgtog."

"Lakas ng confidence ng ate ko!"

"Kokontra pa!" Binato nya ako ng popcorn.

Nauwi tuloy kami sa batuhan ng popcorn sa halip na magconcentrate sa panunuod.

Napatigil lang kami nang tumunog ang cellphone ko.

"Speaking of Harold." Si Harold ang caller. Sumenyas naman siya na 'wag sasabihin na kasama ko siya.

I answered the call. "O 'tol napatawag ka?"

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon