LARKIN
"O, para nga pala sa'yo ang mga 'to." Iniabot ko kay Yoshi ang 5 paperbags na dala-dala ko plus bouquet ng red roses. Binigyan naman nya ako ng nagtatakang tingin.
"For me?" Turo pa nya sa sarili nya na parang hindi makapaniwala. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nya dahil ang sabi ni Vilhelm ay dito na sila magpapractice para sa We Will Rock U at pumayag naman si Yoshi. Bait kaya nito.
"Napaka-generous naman ni classmate. Daming regalo nyan, a?" Panunukso pa ni Helios habang nagtotono ng acoustic guitar. Buti kung sa'kin galing ang mga 'to.
Lumapit naman si Ainsley para tignan ang mga ibinigay ko kay Yoshi. "Hindi naman magbibigay ng ganyan karami si Larkin. Kanino ba galing ang mga 'yan?"
"Sa fangirls ni Akiyama. May limang babae kasi akong naabutan sa may gate kanina. Ibigay ko nga raw kay Yoshi."
"Akala ko si Harold lang ang habulin ng chicks sa Black Stones. Pati pala 'tong si Yoshiro." Nakiusyoso na rin si Ryder na tumabi kay Ainsley. Napakamot tuloy sa batok si Yoshi. Cute.
"May bouquet of flowers pa, haba ng hair ni Yoshi baby!" Kinuha naman ni Stef ang bouquet at inamoy. "May note pa, o. Lemme read it."
Dear Yoshiro,
Ang galing mo talaga mag-bass. You're so cute! I love you!
"Ay, walang name? Pa-mysterious ang peg ni ateng sender." Inilagay na ni Stef ang mga bulaklak sa isang tall vase na nakita nya sa Entertainment Room. Ito talaga ang masasabi kong pinaka-cool na parte sa bahay nina Yoshi.
"Puro Japanese foods! Galante fangirls mo kasi parang sinuyod na nila ang mga Japanese resto sa Manila. Iba-iba kasi ang pangalan ng mga 'to." Inilabas ni Helena ang mga pagkain. Hindi ko mapigilang hindi mamangha kasi magkakaiba nga ang pinanggalingan ng mga Japanese cuisine.
"Okonomiyaki from Dohtonbori, Tekka Don from Izakaya Kikufuji, tonkatsu from Maisen, sushi from Izakaya Nihonbashitei at aburi maki from OOMA. Nakakagutom! Break time muna tayo." Inawat na ni Helena si Helios bago pa nya lahatin ang mga brand ng pagkain.
"May alaga ka kasing anaconda sa tiyan, twinnie. Tara, kain na muna tayo bago kayo mag-resume sa practice. Mas masarap kainin ang mga 'to kapag mainit pa. Kuha lang ako ng paglalagyan. Papatulong ako kay Manang magbitbit." Agad na bumaba si Helena.
"Walang ramen?" Napatingin tuloy silang anim sa'kin. Nginitian naman ako ni Yoshiro.
"You want some? Papaluto ako kay Manang."
"Naku, 'wag na! Marami na rin 'yang pagkain na bigay nila. 'Yan na lang." Tanggi ko sa kanya.
"Ramen ba kamo, hija? Ipagluluto ko kayo." Sakto naman ang pagdating nina Helena at Manang na may dalang mga plato, chopsticks, kutsara at tinidor.
"Masarap pa naman kumain ng ramen kasi umuulan." Napatingin si Vilhelm sa bintana. Umaambon na kasi kanina no'ng papunta ako kina Yoshi at ngayon nga ay medyo malakas na ang ulan. Sinang-ayunan naman siya ng iba naming kasama.
"Okay, sintensyahan na natin 'to!" Nauna na sina Helios at Ryder sa pagkuha ng pagkain.
"Guys, dahan-dahan lang may ramen pa tayo mamaya." Paalala ni Ainsley sa kanila. Inabutan naman ako ni Yoshi ng plato na may laman na agad na sushi at aburi maki.
"Arigatou. Ikaw ano'ng gusto mo?" Napatingin tuloy ako kay Helena na inaawat ang kakambal nya dahil sa rami ng pagkain sa plato nya.
"You."
Napabalik tuloy bigla ang tingin ko sa kanya. "H-ha?"
"You want some salad too?" Kahit hindi pa ako um-oo ay nilagyan na nya ng lettuce na may dressing ang plato ko. Akala ko pa naman kung anong you ang sinasabi nya. Nagpasalamat naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Ficção AdolescentePierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018