AINSLEY
"Ayoko ng makapal na make-up. Pwede bang 'wag na mag-make up?" Nakangusong tanong ko kina Achi at Stef.
"My dear cousin, it's your birthday! Eighteenth birthday to be exact. Dapat lang na magandang-maganda ka sa araw na 'to!" Excited na inilapag ni Stef sa tabi ko ng isang black square bag na may Hello Kitty design. Make-up kit nya yata.
"Natatakot lang kasi ako, Stef. Instead na debut party ang pupuntahan ko ay maging children's party dahil magmumukha akong clown kapag ikaw ang make-up artist." Pang-aasar ko sa kanya.
Napatigil siya sa paghahalungkat ng cosmetics at nakangangang tumingin sa'kin. Ang O.A. lang ng reaction nya, hay nako. "My God, Ainsley! Wala ka bang tiwala sa kakayahan kong pagandahin ka?" Inilagay pa nya talaga sa dibdib ang kaliwang kamay nya habang nag-eemote. Overreacting talaga ang pinsan ko kahit kailan.
"The truth is...wala."
Napatingin tuloy kami pareho kay Achi na nagpipigil tumawa. Nag-peace sign naman siya nang tignan siya ng masama ni Stef. Nandito kasi kaming tatlo sa harap ng salamin sa may kwarto ko. One hour from now ay magsisimula na ang birthday celebration. Inulan nga ako ng birthday greetings sa Facebook. Talaga ngang isang araw kang sikat kapag birthday mo. Nag-greet din ako kay Vilhelm kanina pero offline naman si mokong. Sana lang ay 'wag siyang magsuplado mamaya.
Nakabihis na pareho ng semi-formal attire sina Stef at Achi. Ako na lang talaga ang kailangang ayusan. Sinulyapan ko ang bestidang isusuot ko na nakalatag sa kama ko katabi ang pouch at heels. Sayang at hindi makakauwi si Papa ngayong debut ko.
"I'll go ahead. Puntahan ko muna si Ninang. Bilisan nyo lang, baka abutan pa kayo ng siyam-siyam sa pag-aayos." Marahan nyang isinara ang pinto.
Pagkalabas ni Achi ay siya namang pagtunog ng cellphone ni Stef.
"Khaki's calling." Wow, close na sila?
"Close na kayo?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.
Tinawanan lang nya ako saka sinagot ang tawag. "Hello, Khaki! Really?! Oh my gosh, thank you talaga. As in! Sige, ako na'ng bahala. Ciao!" Biglang aliwalas ng mukha nya pagkatapos ng phone call at saka tumakbo papunta sa may balcony. Sumilip pa siya sa ibaba at kumaway. Sino naman kaya ang dumating?
Patakbo rin siyang bumalik na may malapad na ngiti. Hinawakan nya ako sa magkabilang-balikat. "Dumating na ang mag-aayos sa'yo, Ains. Nakaka-thrill dahil Dyosa rin sa kagandahan ang make-up artist mo, ka-level nya si Miss Eos. Ang swerte-swerte mo, girl!" Napangiwi pa ako nang kurutin nya ako sa magkabilang-pisngi.
Sabay kaming napalingon sa may pintuan dahil sa magkakasunod na katok. Agad namang tumakbo si Stef at binuksan ang pinto.
"Hello! Stefanie, right?" Malambing na boses ang narinig ko.
"Yes, that's me Miss Alice! Ang ganda mo pala talaga sa personal! Bagay na bagay kayo ni Mr. Mel. Come in."
"Sweetheart, sa baba muna ako. Aasarin ko lang si Khaki pagdating." Humalik muna sa noo ang lalaking kasama nya.
Napanganga na lang ako nang mapagsino ang mga dumating.
Benshoppe endorsers and real-life couple Aphrodite Alessandra Sarmiento at Mel Santibañez. Ang Ate Alice at ang bestfriend ni Khaki. Ang balita ko ay engaged na sila.
"I told you, Dyosa ang mag-aayos sa'yo. Miss Alice, ikaw na ang bahala kay cousin ha? Maiwan ko muna kayo at ichecheck ko pa ang baked treats ko. Bye-bye!" Tumakbo na naman siya palabas ng kwarto ko. Grabe, hindi ba siya napapagod sa ginagawa nya?
"Happy birthday, Ainsley." Nginitian ako ng ate ni Khaki bago sumulyap sa kama. "Ito ba ang susuotin mo?"
Napakurap pa ako ng ilang bago sumagot. Nakaka-starstruck naman kasi ang kagandahan nya. "Y-yeah."
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Ficção AdolescentePierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018