AINSLEY
"Ano sa tingin mo, Viv? Baka kami pa ang manalo sa We Will Rock U."
Itinapal ko sa mukha ni Kieran ang flier na ipinakita nya sa'kin matapos kong basahin. Next month na 'to, e at Black Stones ang isa sa mga napiling maging hurado.
Nandito kasi si Kieran sa bahay kasama ang bandmates nya. Namemeste sila este binibisita nila ako. Bitin daw kasi ang bonding namin last Foundation Day. In short, binubulabog ng April's Ashes ang bahay namin.
"Marunong ka namang kumanta at mag-gitara, 'di ba Ainsley? Bakit hindi mo subukang sumali? We heard na maraming magagaling na banda sa ARV-U." Suhestyon naman ng kapatid ni Kieran na si Dean habang kumakain ng Piattos. Itatanong ko nga sana kung pinakyaw na ba nilang apat ang mga pagkain sa convenient store dahil nag-uumapaw sa pagkain ang center table namin.
"Bro, 'wag mo na pasalihin si Viv. Baka ma-distract ako." Inabutan naman ako ni Kieran ng Fudgee bar.
"Ma-distract? O baka naman natatakot ka na baka maungusan ka ng kinakapatid mo?" Pang-aalaska naman ng gitarista nilang si Sean matapos tumungga ng Gatorade.
"Oo nga p're. Hassle 'yon." Tumango-tango naman ang bassist nila na si Kit saka bumaling sa'kin. "Sali ka na, Ainsley! The more, the merrier!"
"Teka, teka mahina ang kalaban. Kakausapin ko muna sina Vil at Ryder kung papayag sila. Sabihan ko na rin sina Helios at Stef kung gusto rin nilang sumali."
"Alright!"
"My dear cousin Ainsley, I'm home!" Napatigil sa pagtatawanan ang mga bwisita este bisita ko nang may matinis na boses na nanggagaling sa labas. Bago pa man ako makatayo para buksan ang pinto ay iniluwa na nito ang pinsan kong si Stefanie kasama sina Helios at Achilles. Timing ang dating nila.
"Oops, may visitors pala. Hi, guys!" Napaka-hyper nyang kaway sa mga ito.
"Hi, Stef." Nakipag-high five ang April's Ashes kay Stef at nakipag-fist bump kina Helios at Achi.
"Ayos pala ang dating namin. Daming foodtrip dito." Agad na kinuha ni Achi ang Pringles. Si Helios naman ay agad na nagbukas ng canned juice at ibinigay kay Stef. How sweet.
"Ai-Ai, 'nga pala, alam mo na ba ang tungkol sa We Will Rock U? Pwede kayong sumali nina Helios at Stef. Sabihan mo rin si Vilhelm." Sunod-sunod ang pagsubo ni Achi ng Pringles. Rated PG. Patay-gutom. Joke.
"Dude, kaya nga kami nandito ng bandmates ko ay para sabihin kay Viv ang tungkol dyan." Sabat naman ni Kieran na inabutan ng canned soft drink ang kinakapatid ko. Buti na lang at walang nakakalasing sa mga inumin na dala nila. Good.
"Sasali rin ba kayo?" tanong ni Helios.
"Oo, p're. May the best man win!" Natawa tuloy kaming lahat sa tinuran ni Kit.
"May the best band win! Aja! Fighting lang, mga bes!" Krung-krung talaga 'tong si Stef kahit kailan.
"Ang cute ng pinsan mo, Ainsley." Nahuli kong kinindatan ni Sean si Stef.
"Ay, tagal na kaya! Ngayon mo lang na-notice? Mana lang sa ever pretty cous ko!" Nagpipigil naman akong tumawa nang tumikhim si Helios na nasa right side ni Stef.
"Dude, 'wag ka na magbalak kay Stef. May bakod na." Tinapik-tapik naman ni Lean ang balikat ni Kit.
"Malisyoso nyo, a. Sinabi ko lang na cute, e tingin nyo liligawan ko na agad-agad?"
"Oo!" Sabay-sabay na sagot no'ng tatlo kaya ayun, tawanan na naman. Napatigil lang kami nang tumunog ang doorbell.
"Are you expecting someone, cous? Haba ng hair, daming visitor!"
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018