A/N: Same timeline lang ito sa Chapter 5 but this time ay si Khaki ang POV. Maki-chika tayo kung bakit wala sila sa previous chapter :D
KHAKI
Nakadungaw pa ako sa cellphone ni JAE habang nagrereply siya sa text message ni Harold. Nasa ARV-U pala ngayon ang mag-pinsan para dalawin si Yoshiro. Kami naman ni JAE ay nandito sa resthouse dahil may 'date' daw kami. Wala akong maisip na okasyon ngayon pero ayos na rin kasi magkasama kaming dalawa. Naks!
Naaamoy ko na ang niluluto ni JAE. Nasa kusina kasi kami at tandem dito sa pagluluto pero mas lamang siya kasi 3 putahe ang ginawa nya samantalang ako ay isa lang kaya ako na rin ang gumawa ng dessert. Ang swerte ko pala talaga dahil hindi lang gwapo ang boyfriend ko, magaling pa magluto! Bet na bet!
"Nakakagutom ang niluluto mo JAE, nagrerebolusyon na ang mga alaga ko." Inamoy-amoy ko pa talaga ang niluluto nya.
"Malapit na 'tong maluto Cassiopeia, hintay ka lang." Ninakawan pa nya ako ng halik sa pisngi bago ipinagpatuloy ang pagluluto. Pansin nyo? Cassiopeia pa rin ang tawag nya sa'kin. Ayaw nya talaga akong tawagin sa nickname kong Khaki.
"Ayos!" Nagtungo naman ako sa may lamesa para ayusin ito. Ichecheck ko na rin kung okay na ang ginawa kong dessert na nasa ref.
After 5 minutes ay pinatay na ni JAE ang kalan. Ayos luto na!
"My rockstar, okay na ang ginawa kong dessert!" Isinara ko naman ang ref matapos tignan ang ginawa kong strawberry-flavored jelly na nilagyan ko ng fruit cocktail.
"Good, my rock princess. Isasalin ko lang sa lalagyan ang mga niluto ko." Napatunganga pa ako ng kapiraso kay JAE habang tinatanggal nya ang suot nyang apron. Ang macho nya kasi naka-black sando lang siya.
"Don't drool too much Cassiopeia, I'm all yours." Patay nahuli pa tuloy akong pinagpipiyestahan ang alindog nya. Alindog talaga?
"Tse! Asa ka naman JAE." Nagsimula na akong kumuha ng mga plato at baso sa cupboard. Bakit ba kasi ang taas ng cupboard nila? Kailangan ko pa tuloy tumuntong sa upuan.
"Be careful." Be careful daw pero nagpipigil naman siyang tumawa. Loko talaga e, pero mahal ko 'yan.
"I'm done!" Matapos ang struggle ko sa pag-abot ay naihanda ko na ng maayos ang hapag-kainan.
"Just in time," sabi ni JAE habang inilalapag ang huling putahe sa lamesa.
Early dinner kami dahil 5:30 pa lang ng hapon. Aga 'no? Wala e, gutom na talaga ang mga alaga ko sa tiyan kaya kinulit ko na si JAE na bilisan ang pagluluto.
"Special chicken adobo, special rice, special mixed veggies and special grilled fish!" So, lahat talaga nilagyan ko ng 'special'?
"For my special rock princess." Inakbayan ako ni JAE at iginiya sa kanang bahagi ng lamesa.
"Corny mo JAE!"
"Mahal mo naman!"
"Pinikot mo lang ako e." Pang-aasar ko sa kanya.
"Are you sure my rock princess? Sino kaya ang basta na lang nanghalik sa Chasm dati pati sa concert natin last week?"
"Bagal mo kasi masyado."
At nag-duet kami sa isang malakas na tawanan.
"Pero seryoso JAE, bakit mo naman naisipang mag-date tayo rito sa resthouse? Wala namang okasyon ngayon a?"
"It's our weeksary."
"Weeksary?! May gano'n pa ba talaga?" Akalain mong naniniwala pala si JAE sa weeksary thingy na ito?
"Special ang araw na ito para sa'tin Cassiopeia. Sabagay, special naman talaga lagi ang araw ko lalo na kapag kasama kita."
"Boom banat JAE!" Tumusok ako ng carrot at isinubo sa kanya.
Yeah. It's been a week since naging officially on kami ni JAE. Ang kulit lang talaga ng tungkol sa weeksary na ito. Kung tutuusin, ang relationship namin ay parang mag-tropa lang that's why ibang-iba kami sa mga couple na sobrang sweet. Gayunpaman, na-eexpress pa rin naman namin ang pagmamahal namin sa isa't isa kahit nga nakukulangan ako ng sweetness sa katawan. Kita nyo naman na si JAE talaga ang mas sweet sa'ming dalawa.
"I love you my rock princess." Nakangiti pati mata ni JAE at ako naman ang sinubuan nya ng special chicken adobo.
"I love myself too my rock star, but I love you more."
Ngumunguya pa ako habang nagsasalita. Nahawa na rin tuloy ako sa kakesohan nya.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Roman pour AdolescentsPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018