Belated happy birthday baby Yoshiro HAHAHA you can follow him at @Yoshiro14 or add him at FB, just search Yoshiro Akiyama. May FB link yata siya sa account nya.
Anyways, enjoy this update dahil may new characters na naman 😁
- Aura
VILHELM
I can't believe this. After 3 years yata ay hindi ko akalain na makikita ko ulit si Theia. Dapat nga magalit ako sa kanya dahil sa pag-alis nya nang walang paalam. Ni walang paramdam kahit isang text o tawag o chat man lang. Nawalan na talaga kami ng comminication. Kahit ang kuya nya ay hindi ko rin mahagilap palibhasa ay sa U.S. na naka-base. Member kasi siya ng isang dance crew roon.
Nang yakapin ko si Theia, nawalang parang bula ang pagdadaramdam ko. Matapos ang Rockoustic Night ay nagpresinta ako na ihatid siya. Sabay pa nga kaming nag-alok ni Ryder, pero nagpaubaya na rin bandang huli. Mukhang nakahinga pa nga nang maluwag si Ate E.R. dahil in good terms pa rin kami ni Theia.
Kinakapa ko kung bumalik ba ang nararamdaman ko kay Theia pero ang alam ko lang ay masaya akong nakita ko siya muli. Halos nakalimutan ko na nga na may mga kasama pala kami. Tahimik nga lang si Ainsley habang nakamasid sa'min.
Pagkahatid ko sa kanya sa tinutuluyan nya, ikinukwento nya sa'kin ang dahilan kung bakit siya umalis nang basta na lang. Gusto kong magalit sa nangyari, wala akong nagawa sa oras na kailangan nya ako. Kahit sabihin pa nya na wala akong kasalanan, hindi ko maiwasang hindi ma-guilty.
Babawi ako, Theia.
*****
"How is she?" Salubong agad ni Ate E.R. pagkabalik ko sa condo.
"She's fine now although she's living alone in her home. Nasa U.S. ang kuya nya at may dance competition." Sagot ko sa kanya sabay upo sa couch.
"How are you, Eryx?"
Napatingin ako sa kanya. "Okay lang ako. Hindi ko lang maiwasan hindi ma-guilty sa nangyari."
"Nangyari saan?" Umupo na rin si Ate sa tabi ko. Ikinuwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit bigla na lang umalis si Theia dati.
"Oh my God. I can't believe that it happened to her. Thank heavens that she's okay now."
"Yeah. Hindi ka pa ba matutulog? Quarter to one na."
"Papatulog na nga ako, hinintay lang talaga kita. Goodnight, lil'bro." She kissed me on the cheek sabay gulo ng buhok ko. Ate talaga, oo.
"Goodnight." Pumasok na rin ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
*****
Second Day of Foundation Day
AINSLEY
Wow naman. Halos hindi na namin makausap si Vilhelm dahil puro si Theia ang inaasikaso nya. Actually, silang dalawa ni Ryder na parang aso na nakabuntot. Hay nako, hayaan ko na nga lang. I want to enjoy this day sa dami ng booths na nakapaligid sa buong school grounds pati rides. Kanya-kanya rin naman kasing may pinagkakaabalahan ang mga kasama ko.
Nag-scroll na lang ako sa cellphone ko at naggawa ng playlist para habang naglilibot kami ay may soundtrip ako. Nang makuntento sa mga kanta na inilagay ko sa new playlist, isinalpak ko na ang earplugs sa tenga ko at simpleng humeheadbang habang naglilibot sa campus. Trip ko 'tong Burn cover ng Silence The City.
We, we don't have to worry 'bout nothing
'Cause we got the fire, and we're burning one hell of a something
They, they gonna see us from outer space, outer space
Light it up, like we're the stars of the human race, human raceWhen the light started out they don't know what they heard
Strike the match, play it loud, giving love to the world
We'll be raising our hands, shining up to the sky
'Cause we got the fire,
Yeah we got the fireAnd we gonna let it burn
We gonna let it burnNasa playlist ko rin ang cover songs nila ng Lego House at Bad Blood. Kuntento na ako at nasa sarili kong mundo habang nagheheadbang nang may humaltak sa kaliwang kamay ko. Sa sobrang lakas ay napaikot talaga ako. First instinct ko ay iharang ang kanang kamay ko sa kung sino man ang salarin.
"What the--!" Napatigil lang ako dahil ilang pulgada lang ang distansya ng mukha namin ng humablot sa'kin. Napakunot-noo pa ako dahil iniisip ko kung sino siya.
"Hi, Viv. It's been a while." Nginitian ako ng lalaki na akala mo hindi big deal na halos maghalikan na kami sa lapit namin sa isa't isa.
"Who are you?" Tanong ko na lang. Ang awkward ng sitwasyon, e.
"Ouch bro, na hu-u ka ni Ainsley." Saka ko lang napansin na may kasama pa pala siyang tatlong lalaki na nakatayo sa may likuran nya.
"Bilis mo naman makalimot, kinakapatid." Then he planted a kiss on my forehead.
Kinakapatid? Bukod kay Achi, may isa pa akong kinakapatid na lalaki. Hindi kaya...?
"Kieran?"
"Very good." Balewalang niyakap nya ako. Medyo agaw-eksena na nga kami dahil nasa may kalagitnaan pa ang pwesto namin, pambihira. Napapatingin na nga sa'min ang ilang estudyante.
"Mas matangkad ka na pala sa'kin ngayon?" Pang-aasar ko kaagad matapos kumalas ng yakap.
"Nagpatangkad, e. How are you, Viv?" Tanong nya matapos akong iharap sa mga kasama nya. "These are my bandmates, Sean the guitarist and Kit the bassist. Kilala mo naman siguro si Dean. He's our drummer."
"Hi, guys! Nice to meet you. Teka nga, bakit ngayon ka lang nagpakita?!" Hampas ko pa sa dibdib nya. "Tara na maglakad, scene stealer na tayo." Napansin ko na nakatingin na rin pala sa'min ang mga kasama ko kanina. Nagtataka siguro kung bakit hindi na ako nakasunod sa kanila.
"Sa U.K. na kami nag-high school at two years nag-college. Sorry kung hindi agad kita na-contact no'ng nakauwi kami. Luckily, tinanggap pa kaming lahat as Juniors kahit transferee. Mas advance na kasi ang pinag-aralan namin." Magkahawak-kamay pa kami habang naglalakad. Balewala naman sa'kin since kinakapatid ko naman siya. Kahit kay Achi ay nakikipag-holding hands ako pero wala namang malisya.
"Good for all of you! Buti naman at dito nyo na naisipan magtapos ng college."
"Miss na miss ka na raw kasi ni Kieran, Ainsley." Panunukso ng kapatid nyang si Dean. Nagtawanan tulpy kami dahil binatukan siyang bigla ni Kieran.
"Tara, pakilala ko kayo sa mga kasama ko." Hinila ko na sila papunta kina Ryder na nakatigil sa isang booth.
Seryoso lang ang mukha ni Vilhelm nang ipinakilala ko na sina Kieran and his bandmates. Problema ng isang 'to?
"Nice to meet you all. Itatakas ko lang sana si Viv dahil na-miss ko ang babaing tamad magsuklay." Sabay gulo sa buhok ko.
"Hey, my hair!" Hampas ko sa kamay nya.
"Go with them, Ai-Ai. Basta ba iuuwi nyo nang buo ang kinakapatid natin." Pagbibiro pa ni Achi.
"Take care of my bestfriend." Pahabol pa ni Ryder.
Si Vilhelm? No comment.
"Thank you, guys. Viv is so special to me kaya iingatan ko siya. Let's go? I-tour mo kami sa campus nyo." Yaya ni Kieran sa'kin at hinawakan na naman ang kamay ko.
"See you later!" Sabi ko na lang sa mga kasama ko kanina. Si Vilhelm ay nahuli ko pang ang sama ng tingin kat Kieran.
He's jealous? I don't think so.
________
May Part 2 pa 'to HAHAHA nauurat lang talaga ako sa pagong naming net kaya cut ko muna 😂
L to R - Sean, Kieran, Dean and Kit. Sa next chapter ko na irereveal band name nila.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Fiksi RemajaPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018